Chapter Forty Two

1.7K 24 0
                                    

Smooth ang transition ko from bank to my own company. Malaking bagay na naanticipate na pala ito ni Kuya Ty noon pa. Kaya meron na agad akong offices na pwede pagpilian. Sa BGC ang napili kong opisina.

Excited na excited ang buong team ko ng sinabi ko ang plano ko. Hindi ko na sila kailangang kumbinsihin na lumipat sa akin. Malaking tulong din ang loan na nakuha ko sa bank. Mas maliit sa inooffer nila kuya ang kinuha kong loan. Gusto ko lang makasiguro na kakayanin ko ang pagbabayad dito. Hindi rin ako pumayag na hindi katulad sa market ang retainer fee na ibabayad ng bank sa akin. Business is business, kahit alam ko na gusto nila kuya to make things easier for me. Hindi ba ito ang point ko Luke?

Eto na, malapit ko ng maabot ang pangarap ko. Ikaw ba?

Mabilis na naisaayos ang bago naming opisina. Hindi naman kami naubusan ng trabaho dahil sa permanenteng trabaho sa bank. Kumalat na din ang balita ng pagsosolo ko. Dumami lalo ang mga imbitasyon ko sa iba't ibang mga functions. Kadalasan umaattend ako dahil imbitasyon ng mga dating kliyente at nairerekomenda ako. Kahit ayoko sanang umattend, napipilitan ako dahil kailangan ko ito para lumaki pa ang negosyo ko.

Isang gala party ng isang hotel ang dadaluhan ko ngayon. Kasama ko si Lexi at si Rafe. Nakilala ko si Rafe dahil kay Lexi, isa rin itong modelo. Ilan sa mga fashion shows na ginawa ko ay kasali si Rafe, kaya naman nakapalagayang loob ko na rin sya.

Simula pa lang ay alam ko na na interesado si Rafe sa akin. Naflatter naman ako dahil isa sya sa may pinakagwapong mukha ngayon sa bansa. Pinakiramdaman ko din naman ang sarili ko kung may puwang na ba sa puso ko para sa iba. Kaso, wala. Iisang tao pa rin ang laman ng puso ko. Hindi naman ako nahirapang aminin kay Rafe kung ano ang nararamdaman ko. Naintindihan nya ito at naging isa syang malapit na kaibigan. Ang go-to escort ko sa mga events na kailangan ko ng kasama, kapag bakante din sya. Kahit ako nanghihinayang na hindi ko kayang higit pa sa kaibigan ang ituring sa kanya. Masaya kasi itong kasama, dry wit, at maalaga. Alam ko marami ang naiinggit sa akin kapag kasama ko si Rafe. Minsan binibiro ko sya na hindi sya makakahanap ng girlfriend kung lagi kaming magkasama. Sasagutin naman ako na hinihintay daw nya na buksan ko ulit ang puso ko. Kapag ganito, iniiba ko na ang usapan at matatawa na lang si Rafe.

Isang old rose halter maxi dress ang napili ko isuot sa event. Ang bodice nito ay dalawang malalapad na straps lang at ipinulupot ko sa batok, pagkatapos ay iniikot ko sa bewang ko at iniribbon sa likod. Daring ito dahil sa backless. At isang hila lang ng ribbon kalas na ang buong damit. Naka chignon ang buhok ko para mas elegante.

Ako lang ang sinundo ni Rafe dahil hahabol na lang daw si Lexi at manggagaling pa sa trabaho. Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata ni Rafe ng bumaba ako ng sala. Ngumiti ako. Tumayo sya at humalik sa aking pisngi

"I'm in trouble tonight" sabi nya. Tumaas ang kilay ko. "Mag-uunahan ang mga lalaki na makalapit sayo"

"I'm sure nakakaintimidate na yang kagwapuhan mo for most of them not to come" biro ko

Totoo namang napakagwapo nito sa suot na tuxedo. Red carpet event kasi. Sabay na kaming lumabas ng bahay. Binuksan nya ang pinto ng kotse bago ako inalalayan umupo. Pumunta na sya sa driver's seat.

Mga ganitong panahon ay naaalala ko sya. Wala na bang bagay na hindi ko sya maaalala?

"Nikki, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Rafe

Tumingin ako sa kanya "Yes, Rafe I'm fine. Halika na"

Sandali lang ang byahe dahil sa Peninsula ang event. Mabilis kaming nakarating sa ballroom. Sa labas pa lang ay marami nang tao. Marami ding media. Kaliwa't kanan ang pagkuha sa amin ng litrato. Hinapit pa ang bewang ko ni Rafe. Tuwang-tuwa naman ang mga reporters doon. Namula ang pisngi ko. Niyaya ko na agad si Rafe na pumasok ng makakita ako ng tyempo. Agad naman kaming sinamahan ng usher sa table namin.

Hanggang Kailan? (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن