"Wag ka! Lagot ka sa akin mamaya!" ganting sigaw ni kuya mula sa loob ng bahay.

Wahaha. Ganyan kami magkulitan ni kuya. May deal din kasi kaming ginawa. Kung sino kasi yung mas mataas ang score by the end of the year, manlilibre ng vacation. Siya gusto niya sa Palawan at ako naman sa Davao. Eh sa kuripot ako kaya dapat manalo ako! Fighting! (*u*)'9

"Kuya! Pa-close ng gate! Lamots!"

"Oo na! Oo na! Tsk! Tamad!"

Hinintay kong lumabas ng bahay si kuya saka pumasok sa kotse ko. Hindi uso sa amin ang pagsasalita ng mahinahon eh kaya lagi kaming nakasigaw. :P

I started the engine at nagdrive na paalis. Binuksan ko yung radio at nakinig sa kung anong song dun.

 

*No I'm never gonna leave you darlin'

No I'm never gonna go regardless

Everything inside of me is living in your heartbeat*

"Hello?"

"Asan ka na? Nasa Gateway na kami ni Shahmen-mamon."

"Nasa may crossing pa ko. Huweyt lang kayo dyan. Maghunt ng papabol guys."

"Osha. Dalian mo ah! Libre mo pa kami ng lunch!"

"Oo na. Sige, bye-bye."

In-end ko na yung call at nagpokus sa pagddrive. Tumigil ako ng nagturn sa red yung traffic light.

Ewan ko ba. Pero parang gusto kong daanan muna si Ash sa condo niya. Di pa rin kasi nagrreturn call yung lalakeng yun e. Grabe talaga siya. Haay.

Hindi ko na hinintay na mag-green dahil pakanan naman ako e. Diretso na ako papunta sa building nina Ash. Kaya pa naman maghintay nina Mimi e.

Pagkadaan ko, nagslow down ako. May humintong taxi sa harap ko. Nakita ko yung isang babae na lumabas ng taxi. Eto nanaman. Feeling ko kilala ko yung babaeng yun. Teka, parang si...

*BEEEEP BEEEEP*

Medyo napa-balikwas ako. Napatingin ako sa rear-view mirror. May sasakyan na pala sa likod. Hay.

Napailing ako at nagdrive na papunta sa Gateway.

***

"Ilang minuto ba ang layo ng crossing sa Gateway? Pagkakaalam ko, 25 minutes lang, pwede na. Eh kamusta na?! It took you 35 minutes para pumunta rito?!"

"Aish. Tama na nga, Mi! Napapatingin na yung mga tao sa atin oh!"

"Sakit sa tenga ng boses mo. Hay. Madaldal ka talaga ever. Tara na nga. Chinito's na lang tayo."

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now