“Tss. Alam mo kung sino ang tinutukoy ko.”

“Oo na.. May problema nga sila. But, I don't know exactly. Its about their gangster thingy.”

“Ahh..”

May gulo na naman sila? Tss. Problema talaga ang dala ng pagsali-sali sa mga gang na yan. Pero ganun pa man, naiintindihan ko sila. Friendship? Siguro yun yung isa sa mga rason nila. Minsan kasi sa mga delikado at pinaka weirdong paraan mo malalaman at makikilala kung sino yung mga totoo mong kaibigan na hinding-hindi ka iiwan kahit na anong mangyari.

Paglabas namin ng cr may nakita kaming kumpulan ng mga estudyante sa may corridor. Hindi na namin kasama ang knights dahil may practice sila since kasali na nga sila sa Basketball team ng school. May game kasi sila next month which is two weeks from now. Tch. If I know tamad lang talaga yung pumasok. Helllloooo? Pwede sila hindi mag-attend ng practice. Batas kaya yung mga yun.

Anyway, dahil sa mga estudyante na nakaharang sa corridor hindi kami makadaan ni Cath. Two rooms away nalang yung Class S, Alangan namang umikot pa kami para makapasok di ba? Hihintayin nalang namin na may pumuntang tiga faculty para patigilin sila.

Kaya tumigil muna kami ni Cath..

“There you are!”

Sabay kaming napatingin ni Cath sa nagsalita.

Oh! At talagang nagpakita pa sya sa akin ha? This time, gaganti talaga ako sayong bruha ka!

“Kuya, sya yun! Sya yung nagpahiya sa amin!”

What?!

“Ano bang pinagsasabi mo?!”

“So, ikaw pala yun?!”

At naglapitan sila sa amin ni Cath. Walo sila. Tatlong babae at limang lalaki. Bukod pa sa ninja turtles. Yung totoo? Saang gyera sila pupunta? Kung ako lang yung pinunta nila dito kailangang madami talaga sila?

“So, ka din! Naniwala ka naman sa kapatid mo?”

“Malamang kapatid ko eh!”

“Obvious nga. Yung mukha nyo hindi nagkakalayo oh! Mukha kang jejemon na malapit ng magsuicide!”

Nagtawanan naman yung mga nakikinood.

Tiningnan ko si Cath na nasa tabi ko. I just checked kung humihinga pa sya. For sure sobrang kinakabahan na naman 'tong babaeng 'to.

Nabigla ako na sa pagbalik ng tingin ko sa pangit na nasa harap ko bigla nya akong sinampal.

Shit! He slapped me! WTF!

Hawak hawak ko yung mukha ko at hindi pa rin tumitingin sa kanya. Pati yung buhok ko na napunta sa mukha ko dahil sa impact ng pagsampal nya hindi ko magawang maalis.

AshleyWhere stories live. Discover now