Olivia Emerald Villafuerte

9.1K 405 56
                                    

This will be the last update for this story. Thank you for supporting me!

_
Nanginginig ang buong katawan ko habang dinadala ako papunta sa kung saan namamalagi ang aking pamilya.

Aking pamilya.  Those two words I am longing to feel for decades. Tumigil ako at ang isang pulis sa pintuang kulay asul.

"May isang oras ka lang. Susunduin ka ng bantay mo, alas tres impunto." Bilin sa akin ng pulis.

Hindi ako nagsalita. Binuksan niya ang pintuan at nakita ko sa loob ang dalawang pulis na nakatayo sa magkaibang dulo ng kwarto. Nakaupo naman sa harapan ng mesa ang taong minsan nang tiningala ng mga tao.

Sa pag-apak ko sa loob ng kwarto, gumawa iyon ng kaunting ingay kaya napaangat siya ng tingin. For a moment, I saw his eyes. His eyes that I inherited.

Umupo ako sa harapan niya. He didn't even bother to welcome me. Welcome? Who am I to expect it. I was the one who put him here.

No, his sins put him here.

"Kamusta kayo?" I asked.

Hindi siya sumagot. I silently watched his wrists enveloped by a handcuff. Why do I feel guilty?

Nangilid ang luha ko at inalala ang lahat. After all, I am a Villafuerte. He's my blood. Hindi normal kung hindi ako makakaramdam ng awa.

"Inaalagaan ba kayo rito ng mabuti?" Tanong ko muli.

I know that all his life, he lived it in abundance. Ang makita siyang nakasuot ng orange na tshirt, shorts at tsinelas ay kakaiba sa mata.

"Bakit ka nandidito?" Tanong niya pabalik sa akin, gamit ang isang baritonong boses.

"I just want to see you here. Siguro, sa paraang ito mapapatawad ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Huwag kayong mag-alala, pagkatapos nito. Hindi na ako magpapakita." I answered him.

Ang kaninang seryosong mata ay biglang lumambot at pinakita ang isang napakahinang emosyon.

Muli, nangilid ang luha ko. Sino ba ang may kagustuhan na humantong sa ganito? Bata pa lang ako, wala na akong hinangad kundi ang makasama ang aking ama. Naalala ko pa kung gaano ako hindi nakatulog noong gabi bago ako ipakilala sa mga Villafuerte.

"Olivia..." Nabasag ang boses niya.

"Bakit?" Hindi ko maitago ang galit sa boses ko. Kinuyom ko ang kamay ko. "Bakit mo ginawa iyon kay Mama?!"

Natahimik siya at yumuko. Hindi ko napigilan ang pag-iyak. I always prayed to meet him. I always look up to him kahit noong hindi ko pa siya kilala.

Akala ko, kapag nakita ko na ang Papa ko, I will be complete. Hindi ko inakala na hindi pala. Hindi ko inakala na mas lalo pala akong masisira. Kung alam ko lang, I wouldn't pray for that. Sana, iba na lang hinihiling ko sa birthday ko.

Ilang minuto siyang nanatiling nakayuko bago nagsalita.

"I really loved Ofelia. I really loved your mother."

"Loved? You loved her? How could you loved her when you raped her and let your witch wife killed her?" Galit na sabi ko.

"I... I'm sorry..." That's all he could say.

Pinunasan ko ang luha ko.

"Sorry. Isang sorry lang ang katapat ni Mama? Putanginang, sorry yan! Hindi lang si Mama ang sinira mo, pati na rin si Judge Victor. He would marry, Mama but you raped her. " I shouted.

"I was eighteen when I saw your mother in our house. She's ten and really smart. Galing ako mula sa pag-aaral sa Manila para magbakasyon ng maglinis siya sa kwarto ko. I fell inlove at first sight." He sadly said.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now