Kabanata 27

4.8K 172 5
                                    

Kabanata 27

Hindi malaman ni Olivia ang dahilan ng lahat ng nangyayari. Kung bakit siya nakatayo sa likuran ng entablado, pinapanood ang kampanya ni Senator kahit na noong isang araw lamang ay muntikan na siyang mamatay.

At hindi niya maintindihan kung bakit tila wala lamang iyon sa mga taong kadugo niya. Sa normal na pamilya, masaktan man lang isa, ay hindi na mapakali ang pamilya. But she's targeted and no one in this family bats an eye. What a fucking hypocrite!

"Are you okay?" Tanong ni Steff dahil tila natulala siya sa dami ng taong sumisigaw sa bawat plataporma ng senador.

"I am fine. Nahihilo lang sa init at dami nang tao." Palusot niya at uminom sa tubig na hawak. Tinapik niya ang balikat ni Steff at nagpaalam muna na pupunta sa backstage.

Pagkababa niya sa backstage, nandoon ang kanyang squad na nakaupo sa mga monoblock at nag-uusap. Sabay-sabay silang napatingin sa kanya kaya ngumiti siya.

Kristoff cleared his throat and looked fiercely at his girlfriend.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

Tumango si Olivia at hinila ang isang monobloc chair para umupo sa tabi nito. Pumikit siya at sinandal ang ulo sa bakilat nito. Alam niya ang mga titig nila Jack. Hindi pa din kasi nila sinasabi sa mga ito ang relasyon nila pero halata naman siguro nila.

"Tumulong muna kayo sa pagbabantay sa campaign ni Senator."

Rinig niya ang mga yabag ng mga ito papalayo. Minulat niya ang mata at sinilip ang binata.

"Why are you so serious? Nag-uusap usap pa kayo." Aniya.

Hinawakan ni Kristoff ang kamay ni Olivia at pinagsalikop iyon. Olivia can't help but to smile. Kristoff and his sweetness.

"Bakit? Gusto mo ba sila dito?" Tanong ni Kristoff sa kanya.

Tumawa si Olivia at bumangon sa balikat niya para hawakan ang mukha ng binata. Kunot ang noo ni Kristoff habang nakatitig sa kanya. Ngumisi si Olivia at pilit na tinutuwid ang gusot sa mukha niya.

"I love you so much. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ko sa nakaraang buhay ko para ibigay ka sa akin." She sincerely said and kissed his lips.

Hindi sumagot si Kristoff pero nararamdaman niya ang paghawak ni Kristoff sa kanyang baywang.

"Stop, Olivia." Bulong ni Kristoff.

Umiling si Olivia at mas lalo pa siyang hinalikan. Umungol si Kristoff ng kagatin ni Olivia ang pang-ibabang labi niya.

"Turns you on, huh?" Mapang-akit na sabi ni Olivia.

"Oh, baby... you don't know me." Sagot ni Kristoff.

Naputol nang isang ubo ang ginagawa nila. Napalingon sila kay Diana na ngayon ay nakataas ang kilay at nakahalukipkip.

Tinuro ni Diana ang malayong parte ng backstage at nagsalita.

"Olivia, follow me. I need to talk to you for a second." Mariin ang boses niya.

Nagkatinginan sila ni Kristoff. Pansin niya ang kapulahan ng labi ng binata dahil sa kagat niya. Tila nabuhayan si Kristoff at saka lamang napansin ang ginawa nila. They kissed shamelessly in public. Malayong malayo sa prinsipyo niya sa buhay.

"Lalabas na muna ako." Kristoff said at lumabas agad para makapagpahangin. Padabog namang tumayo si Olivia at tinaasan ng kilay si Diana. Oh great! Minsan na nga lang sila magka-oras ni Kristoff, mapuputol pa ng ingratang ito.

"Oh my god! Can you please act decently? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?" She said.

"Excuse me? There's nothing wrong about kissing my boyfriend." Ani Olivia.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now