Kabanata 18

4.6K 194 28
                                    

Kabanata 18

Lumabas si Olivia natapos ang ilang minuto. Kumatok kasi ang classmate niya na pinapatawag sila sa dalampasigan.

Nakashorts siya at simpleng sleeveless top. Maraming tao ang naroon na nagtatawanan. Tahimik siyang naglakad papunta sa gilid ng may lumapit sa kanya.

"Oh, you're here?" Tanong niya Kay Bernice na halatang tinatamad sa nangyayari.

Humikab ito at naupo sa tabi niya.

"Yeah. May subject din kaming seniors sa prof na 'to. Required din kaming sumama." Bulong nito.

Dumating din ang prof nila. Nagsabi lang ito ng house rules na dapat sundin sa loob ng tatlong araw.

"Bawal maging roommate ang lalaki at babae. Bawal din ang lumabas ng kwarto pag lights off na. At lalong lalo... Bawal ang alak." Sabi nito kaya nag-alma ang mga estudyante lalo na ang mga lalaki.

"Boring..." Bulong ni Bernice sa kanyang tabi at tumitig ulit sa professor.

"Binibigyan naman tayo ng kalayaan na gumala at magswimming. That sounds good." Sabi naman noong isa.

Tumawa si Bernice doon.

"Yeah. I just realised... I'm one of the seniors. And the seniors always break the rules." Nakangising sabi nito at kinindatan si Olivia.

Oh, how she wants to join them pero alam niyang mahihirapan siyang tumakas lalo na at kasama niya ang mga bodyguards at kasama pa niya sa kwarto si Kristoff.

"I think, I'll pass. Exhausted ako." Sabi ni Olivia.

Bernice groaned at her response.

"You're being kill joy! But whatever... Do your bodyguards always throw you weird gazes?"

Kumunot ang noo ni Olivia sa sinabi nito. Kita niya ang pagsulyap ni Bernice sa direksyon kung saan niya huling nakita ang mga bantay niya.

"Huh?"

"That one..." Sabi ni Bernice. "The one with the blue shorts, he's really annoying."

Tiningnan ni Olivia si Paris na nakanguso at panay ang tingin sa nga babaeng nakabikini.

"Hindi naman. Mabait 'yang si Paris... Maloko lang at madaldal."

"Paris? Sounds gay to me." Humalakhak si Bernice.

Natigil lang ang tawa nito ng idimiss sila ng professor. Nagpaalam ito sa kanya dahil tinawag siya ng roommate nito.

Tumayo na din si Olivia para makabalik sa kwarto niya. Ginugutom na siya at nais niyang kunin ang wallet.

"Kristoff moved his things to your room. This will be exciting." Sabi ni Paris na tumabi sa kanya.

Agad siyang nainis doon at siniko ito. Umirap siya at binigyan ito ng dirty finger.

"Paris, you should learn when to shut up. Kasi sabi ni Bernice you're annoying and sounds gay." asar niya.

Nalaglag ang panga ni Paris sa sinabi ni Olivia. Kaagad naman siyang iniwan ni Olivia doon at pumasok sa kwarto niya. Nadatnan niyang nakaupo sa isang kama si Kristoff, iyong katabi ng bintana. Buhay ang TV at nanonood ito ng TV series.

Natigil siya ng magtama ang paningin nila. Tumikhim si Kristoff.

"Is this your bed? I can transf—"

"No. No. It's okay. Dito na lang ako sa katabi ng wall para safe." She answered and grabbed her bag.

"K-Kain lang ako sa labas. Kumain na din kayo ng dinner niyo." utos niya.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now