Kabanata 36

4.4K 178 12
                                    

Kabanata 36

Tatlong araw ang lumipas. Inubos ni Olivia iyon sa pag-eensayo ng kanyang mga natutunan. Nakashades siya at nakasuot ng isang itim na bikini, habang nagsasun bathing.

Napangisi siya sa salamin ng makita ang morena niyang balat na ngayon ay bumagay sa kanyang pixie cut na buhok. Ibang iba na ang hitsura niya. Mula sa babaeng mahina, mukhang ilang taon ang itinanda niya. Nakakamanghang isipin na sa loob ng anim na buwan, nagbago ang kanyang pagkatao at nagmature siya.

She likes this better. Kumatok ang isang kasambahay sa kanyang kwarto, dala dala ang isang laptop.

"Ma'am Katherine, pinadala po ni Sir Borris kay Tonyo. Ito raw po ang pinapakuha niyo."

Tumayo siya mula sa kanyang vanity mirror at kinuha iyon sa katulong.

"Salamat, Manang." She said.

May kumikiliti sa kanya sa pagbukas niya noon. She thanked God na kumpleto pa ang files niya roon at wala ni isa sa pamilya ng mga Villafuerte ang nakaisip na halungkatin iyon. Hindi niya alam kung paano ito nailabas ni Borris sa mansyon pero nagpapasalamat siya.

"Are you ready?" Tanong ni Borris na kanina pa pala sa may pintuan. Tumango siya at sinarado ang laptop.

"Thank you for this, Borris. Ready na ako bumalik sa Manila." She said.

Tinulungan naman siya ni Borris sa mga maleta niya. Hindi sila sabay sa sasakyan dahil baka maghinala ang mga Villafuerte sa kanila. Mahirap na, hindi sila pwedeng mabuko agad.

"Nasabi ko na kay Tonyo ang address ng bahay nina Victoria. Magtext ka kapag nakarating na kayo. Sasama ang dalawang body guard sa'yo palagi. Maging alerto ka." Bilin nito bago isara ang pintuan ng van.

"Yes. Thank you." She waved at him.

Sumara na ang bintana at tumungo na sa daan. Sa loob ng oras ng byahe, hindi siya mapakali sa pagkakaupo. Parang may pakiramdam sa kanya na gustong kumawala. She's excited and scared at the same time.

Pinahanap niya si Victoria pero hindi niya pinaalam na buhay siya. Gusto niya munang obserbahan ito kung mapapagkatiwalaan talaga. Ayon sa mga inutuasan niyang imbestigador, wala naman itong koneksyon sa Villafuerte na mas lalong nagpaisip sa kanya kung paano nito nakuha lahat ng mga impormasyon sa mga ito.

Nakatulugan na niya ang byahe matapos kumain. Nagising na lamang siya noong pumapasok na sila sa Manila. Nilingon niya ang matatayog na building na may pinagkaiba sa huling beses na nakita niya ang mga ito.

Nangilid ang luha niya. Mahigpit ang hawak niya sa hita niya.

Ito na talaga. Nandito na ako. Bulong niya at tinuon ang sarili sa daan. Gaya ng sabi ni Borris, tumigil iyon sa building kung saan nahanap si Victoria na nakadestino.

Lumabas siya sa van at tiningala ang Camp Crame. Pumasok siya sa loob at pinuntahan ang front desk.

"Nandyan ba si Police Inspector Victoria dela Vega?" Tanong niya sa isang pulis doon.

"Naririto siya pero may appointment po ba kayo?" Tanong nito.

Umiling siya.

"Wala pero kailangan niya akong makausap. Pakisabi naghihintay ako rito." Aniya.

"Ma'am, maraming ginagawa si Police Inspector sa ngayon. Kung wala po kayo sa appointment, hindi po maaari ang gusto ninyo. Magpa-appointment muna po kayo." Umiling ang pulis.

"Please, officer. Tawagan mo siya tapos sabihin mo, hinahanap siya ni Olivia. Sigurado ako, siya pa ang mag-aadjust ng schedule niya para sa akin." She pleaded.

Bulletproof (Querio Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt