Kabanata 37

4.5K 194 26
                                    

Kabanata 37

Hindi napigilan ni Olivia na sundan si Avery ng palihim. Buhat buhat nito ang anak niya at naglalakad sa kahabaan ng mall. Maingat siyang nagtatago sa bawat stall.

Hindi niya alam kung bakit di niya napigilang sundan ang babae. She's curious about the kid. Pasulyap sulyap lang siya sa babae na ngayon ay may katawagan sa cellphone. Maitim ang buhok ng bata pero halata ang kakisigan.

Lalong yumuko si Olivia ng mapansin ang lalaking papalapit sa kinatatayuan ni Avery. Seryoso ito at kinuha ang bata sa bisig ng ina. Hinalikan ng bata ang pisngi niya.

Lumunok si Olivia at dumiin ang kamao habang tumitingin sa mga ito. He looked more mature. No doubt if he's a family man. Moreno pa rin ang kanyang balat at mas lalong lumaki ang katawan. Avery's complexion and body build complimented her.

May asido sa lalamunan ni Olivia. Nagkukumahog niyang iniwasan ng tingin ang mga ito nang lumingon sa banda niya si Kristoff. Nagkunwari siyang tumitingin sa stall ng relo.

Malakas ang kabog ng dibdib niya. Bakit niya ba sinundan ito? Nakaramdam siya ng lamig sa kanyang tiyan at batok sa kaba na baka mahalata siya kahit na ibang iba na ang hitsura niya noon.

Nilingon niya ng palihim ang lalaki. Nakita nito na wala na ang tingin nito sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang paper bag at yumuko para lumagpas sa kanilang pwesto.

Mabibilis ang kanyang yapak at lumiko sa pasilyo papalayo sa kanilang pwesto. Mabilis ang lakad niya sa takot na may makakilala sa kanya. Sumakay siya sa van at agad na pinaandar iyon.

"What the hell..." Mura niya at sinubsob ang mukha sa kanyang palad.

Paano na lang kung nakita ka? Bakit ba kasi nagpadalos dalos ka sa mga desisyon mo? Paano kung masira ang misyon?

Gusto niyang sabunutan ang sarili niya. Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Umuwi si Olivia sa kanyang unit. Inubos niya ang oras sa panonood sa city lights. Mataas ang floor niya kaya naman dama niya ang medyo may kalamigang hangin.

Tiningnan niya ang laptop na nasa sa coffee table. Pinipigilan niyang gumawa ng accounts pero kanina niya pa naiisip na gumawa noon. Marami siyang hindi na alam. Gaya noong kanina sa supermarket.

Nang halos mabaliw na siya padabog niyang binuksan iyon at kumonekta sa internet. Gumaw siya ng accounts sa kanyang pangalan. This will help her investigate, she reminded herself.

She used her fake name. Hindi rin siya nag-upload ng picture maliban sa litarto niyang nakatalikod. Tiningnan niya ang ilan sa mga accouns ng kaibigan niya noon pero hindi niya ini-add ang mga iyon.

Then when she was about to type Kristoff's name, naalala niyang wala nga pala itong facebook. He's never fond of social media. Sa halip, si Bernice na lamang at si Paris ang hinanap niya. Hindi rin siya handa sa mga makikita niya roon, if she ever saw even a pic of their happy family... lalo lamang noon pinapatunayan na totoo nga ang sinabi niyang hindi siya minahal nito. It's been a year and he already starting a family.

Her friends seemed happy. Siguro lahat ay nakamove-on na sa kanyang pagkamatay. Ito ang isa sa hipokrito ng buhay, sa oras na mawala ka, wala ka na. Hindi ka magiging big deal sa mundo. Hindi ka hihintayin ng mundo.

She smiled. Mabuti na rin siguro ang mga nangyari. If she stayed alive that day, siguro ay patay na siya talaga sa ngayon. It's either mabubuhay siya o mamamatay din sa kamay ng mga gunmen na binayaran ng pamilya niya.

She browsed the local news. Mataas pa rin ang trust rate ng presidente. May mga charity din si Esmeralda para sa may mga cancer. Malaki at pormal na pormal ang mag-asawa sa ribbon cutting ceremony ng isang foundation para sa mga may disability.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now