Kabanata 10

4.8K 188 6
                                    

Kabanata 10
Treat

She believe she's tough pero bakit isang salita lang ni Kristoff ay nagkukumahog ang mga luha niya kaiiyak? Nakadapa siya ngayon sa kama, mahigpit ang hawak sa itim na panyo.

Naisip niyang hindi naman niya gusto ang buhay na ito. Simpleng bata lang siya noon. Marunong tumawa, maraming kaibigan at tanging pagmamahal lamang ng kanyang ina, sapat na. Hanggang dumating ang pamilyang ito na nagsadlak ng dusa sa kanya.

She wants revenge. Alam niyang ang mga taong ito ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya. Kung bakit ngayon nag-iisa siya. She knows how the Villafuerte plays the game. Kaya hinding hindi siya malilinlang ng mga ito.

Kinuha niya ang kanyang laptop. She wrote another article, throwing more shade to Senator Villafuerte and his wife. Doon, nilahad niya ang mga alam niya. This is her way to reveal them to the public without getting caught.

Noong breakfast ay wala siyang nagawa kundi ang sumabay sa kanila. Maraming pagkain sa hapag, doon ay nakaupo si Esmeralda at Senator kasama ang mga anak.

Natigil siya sa paglalakad ng makitang naroon sina Luisito, Alicia na nakatingin rin ngayon sa kanya.

"Maupo ka na, hija." sabi ni Manang at nilapag ang plato niya sa tapat ni Alicia. Lumunok siya at agad na tumungo doon.

Naglagay siya ng pagkain at ulam sa kanyang pinggan, hindi inaalintana ang masasamang tingin na binibigay sa kanya.

"How's your school, Stefania?" tanong ni Esmeralda sa anak.

"Fine. Barely surviving." sabi nito sa mapaglarong boses.

"Tonta! I want you to graduate with flying colors like Diana. Stop playing around and get serious." pagalit nito sa kapatid.

Nawala ang ngiti ni Stefania sa sinabi ng ina. Tila napahiya ito. Tumikhim naman si Diana sa sinabi ng ina pero hindi ito inawat. Napailing siya at nag-angat ng tingin sa babae at sinalubong ito ng tingin.

"She's not your robot. She's your daughter." sabi ni Olivia sa mababang boses.

"And what do you know about mother and daughter? Coming from you, bastarda?" maarteng sabi ni Alicia na agad sinaway ni Luisito.

"Stop talking, Alicia. Shut it kung walang lalabas na maganda."

"Ano ba kayo? Tigilan niyo na nga iyan! Esmeralda, Alicia, Olivia... Stop the commotion and let us have a decent meal." sabi ni Senator.

Umirap si Olivia at nagpatuloy sa pagkain. Binilisan niya at agad na kinuha ang libro sa tabing mesa at sinakbat ang bag.

"Mauuna na ako. Hindi ko na kaya ang baho ng hangin rito." sabi niya at agarang umalis.

Sa labas ay nadatnan niya si Paris at Kristoff na naglalaro ng darts habang hinihintay siya. Biglang nag-init ang pisngi niya doon lalo na at tiningnan siya ni Kristoff mula ulo hanggang paa bago tumira.

"Last shot. Let's go," sabi niya at agad na sinenyasan ang mga sundalong kasamahan.

Binuksan niya ang backseat habang umikot si Paris sa driver's seat. Simpleng t-shirt at maong pants lang ang suot niya na tinernuhan ng puting sapatos at cap.

"You dress up nicely." sabi ni Kristoff. She suddenly reminded herself na medyo conservative ang isang ito.

"Ah," sabi niya na parang may naalala. Kinuha niya ang bag at iniabot sa binata ang itim nitong panyo. "Here's you handkerchief."

"I gave it to you. That's okay." sabi niya at nag-iwas ng tingin. Hindi na niya pinilit iyon at binalik sa bag. Nagring ang telepono niya kaya tiningnan niya iyon.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now