Kabanata 7

5.1K 171 8
                                    

Kabanata 7
First

Nagising si Olivia sa loob ng kwarto niya. Walang maalala, kinuha niya ang phone at tadtad iyon ng mensahe para sa kanya.

Dani: Was that your bodyguard?

Huh? Anong bodyguard ang sinasabi nitong si Dani? Was I drunk last night?

She massaged her neck and stood up for her morning ritual. Mapait ang bibig niya sa naiwang lasa ng Jim Beam kagabi. She's too drunk to brush her teeth.

Humarap siya sa salamin at muntikan ng malunok ang bula nang parang hangin na humampas sa ulo niya ang mga pangyayari kagabi.

Kristoff and an unknown guy took her home.

Kaya ba nasabi ni Dani kung bodyguard ko iyon?

Dinura niya ang bula sa bibig lalo na ng maalala niya ang pagsakay niya sa kotse.

"There. That's how to make me shut my mouth, soldier." Tila tula iyon na paulit ulit sa kanyang ulo. Hindi niya mapaniwalaan na sinabi niya iyon. Hinaplos niya ang labi.

How could she do that? Fuck, Jim Beam! She promised she will never get drunk with that robot around.

"Hindi na ako iinom ng alak... Err, ng Jim Beam! Jack Daniels and Johnny Walker na lang!" she shouted as she stripped.

Hinugasan niya ang labi para mabura ang alaala na iyon. What the hell is that? Talaga bang nahihibang na siya kagabi. It's not like she likes him! Talaga lang gusto niyang naiinis ang sundalong iyon kaya ginawa niya iyon. But she's a hundred percent sure that she will not kiss him when she's sober.

Not ever.

Nag-ayos siya para bumaba at magbreakfast. The whole mansion looks deserted. Naupo siya sa mahabang upuan at agad na dinaluhan ng isang katulong.

Sanay na siyang mag-isa sa hapag. Milagro na nga na makumpleto sila. Ngumunguya siya ng pumasok si Paris sa kusina at may dalang baso.

"Magandang umaga Ma'am Olivia! Kukuha ako ng tubig ha?"

"You just got home?" tanong niya. Nilingon siya nito na umiinom ng tubig.

"Yep. Dami kong date eh. You know, the cons of military uniform."

"Si Kristoff, uuwi raw?" tanong niya sa kuryusong boses. She doesn't know kung dito ba natulog ang isang iyon pahkahatid sa kanya kagabi.

"Do you like Kristoff, Ma'am Olivia?" tanong ni Paris sa kanya at ngumisi. "Ikaw ha, kaya pala palagi mong hinahanap."

Ngumiwi si Olivia kay Paris. Ginantihan naman ito ni Paris ng ngiting may pang-aasar. Mabagal niyang inginuya ang bibig.

"Alam mo, Paris.. Gwapo ka sana eh. Chismoso ka lang. Umalis ka na nga rito!" aniya.

Tumawa si Paris.

"Alright, alright. No need to be defensive. Aalis na ako." Binaba niya sa lamesa ang baso at naglakad papunta sa labas pero agad ding tumigil.

"By the way..."

Nilingon niya si Olivia na nakatingin din sa kanya.

"Hindi uuwi yun for sure. Felicity won't let him."

Felicity? Who's this Felicity ba?

Naputol ang pag-iisip niya ng dumating si Stefania sa kusina na mukhang kagagaling lang sa morning jog nito. Dumiretso ito sa ref at uminom ng tubig.

"Kagigising mo lang?" tanong nito sa kanya.

"Yep. Breakfast?" tanong niya pabalik.

"Kumain ako before going home. Umalis na ba si Diana?"

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now