Kabanata 17

4.6K 193 22
                                    

Kabanata 17

Kaya naman ng mga sumunod na araw ay grounded si Olivia. School at bahay lang ang pwede niyang puntahan.

Nagbihis lang si Olivia ng simple. T-shirt, pants at isang black na rubber shoes lang at umalis na siya. Pagkababa niya ay tumungo siya sa kusina para kumuha ng isang slice ng loaf bread at isang yogurt. Sa sobrang late niya nagising di na siya nakakain ng breakfast niya.

Nadatnan na niyang nakatayo sina Kristoff at Paris na nag-uusap. Sabah silang napatingin kay Olivia.

"Let's go. I'm late." Seryosong sabi niya at sumakay na agad sa sasakyan.

Kagaya ng sinabi ni Kristoff, umarteng walang nangyari si Olivia. It was easy, gusto niya din kasi ang ideyang iyon. She's rejected so many times at tingin niya ay tama na iyon.

Binuksan ni Olivia ang laptop niya habang nasa daan. Hindi pa niya natatapos ang isang report na ipapasa sa klase niya.

Balak niya sanang gawin ito sa condo ni Dani para makapagpatulong pero nangyari ang mga nangyari at hindi na iyon natuloy.

Nagtipa tipa siya sa laptop. Hindi niya maintindihan pero naglagay siya ng kahit na anong magpapadami noon for the sake na may maipasa lang siya.

She needs to pass her subject para sa susunod na sem, ay last sem na na niya. Napansin siguro ni Kristoff ang hirap na hirap niyang mukha ng tumingin ito sa kanya.

"Need help?" Tanong nito.

Umiling si Olivia. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Nakakapanibago ang pakikitungo sa kanya nito pero naisip din niyang tama lang iyon. Ayaw niyang umaasa si Olivia sa kanya.

"Kaya ko na..." Sagot ng dalaga sa kanya at nagtipa tipa pa din doon.

Tumunog ang cellphone ni Olivia sa tawag ni Clarence. Sinagot niya iyon at nilagay sa speaker mode dahil sa ginagawa.

"Yes?" Tanong niya at nagpatuloy pagtatype.

"Good morning, too. Where are you? Napadaan ako sa class mo and your seat's vacant. Nagdidiscuss na si Prof. Genato." Bungad ni Clarence.

Sinulyapan niya ang relo at napamura. Mas lalo siyang napressure doon.

"Oh! Late na ako nagising. I had difficulties in my report. 'Di ba you took this class last sem?" Tanong ni Olivia.

Rinig niya ang pagtikhim ni Kristoff sa tabihan niya.

"Uh... Yes. Ano ba yan? Econ?" Tanong ni Clarence.

"Yup. Yup. Balita ko pareho lang ang syllabus ni Prof. Genato sa subject na 'to so, I'm thinking that maybe you know this?" Kinagat ni Olivia ang labi niya at naghintay ng sagot ni Clarence.

Alam niyang medyo nagalit siya sa binata pero kakapalan na niya ang mukhang humingi ng tulong. She's failing this subject and she needs help.

"Sure. I'll help you. Pambawi ko na din sa paghalik sa'yo ng wala mong permiso... So, let's meet." Sabi ni Clarence.

Natigilan sa pagtatype si Olivia at dali dealing tinagtag sa speaker mode ang tawag. Tumikhim siya at tinapat iyon sa tenga.

"Uh, sure. Thank you, Clarence." She ended the call.

Tiningnan niya ang rear view mirror at kita niya ang sulyap ni Paris na nagdadrive.

Nagtype na ulit siya para maalis ang habang naramdaman niya. Nakakahiya! Nadinig nila iyon panigurado.

"He kissed you? Kailan?" Tanong ni Kristoff sa malamig na tono.

Kinabahan siya doon pero hindi siya lumingon. Umarte pa siya na wala lang sa kanya iyon at nagkibit balikat.

Bulletproof (Querio Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz