Kabanata 4

4.8K 190 4
                                    

Kabanata 4

Nagising si Olivia sa sigawan na nagmumula sa labas ng kwarto niya. Tiningnan niya ang orasan. It's two in the morning.

Ano na naman iyon? Tanong niya at tinakipan ang tainga. Diana's voice can be heard throughout the house. Whoever she's talking to, kawawa naman iyon.

"Ugh, that bitch." sabi niya sa ilalim ng unan at pinilit na makatulog. Ilang sandali pa ay nawala na ang boses nito kaya naman nakatulog na muli siya.

Nagising siya sa alarm clock. Agad siyang bumangon para tingnan iyon. Hindi nga nagbibiro ang cellphone niya, oras na para bumangon.

Nag-inat inat siya at pumasok sa banyo para maligo. Himala na hindi siya nag-iinarte kapag ganitong araw ng linggo. Nangako kasi siyang palaging bibisitahin ang puntod ng kanyang ina.

Nang makapagbihis ay sinilip niya ang bintana. Doon ay tanaw ang mga sundalong nageehersisyo at mga nakahubad. Kita niya ang mga katawan ng mga itong halos ibalandra na sa sinumang papasok sa kanilang gate.

Umismid siya ng makitang nakasuot ng damit si Kristoff at nakatayo sa harapan ng mga nagjojogging na sundalo. Nadismaya siya dahil hindi niya mahahatulan kung macho ba ito o hindi.

Bumaba siya sa kwarto at tinungo ang kinatatayuan ni Kristoff. Nakita niya ang seryosong mukha nito habang nakatayo ng sobrang tuwid na akala mo ay may ruler sa likuran. Nakaharap siya sa mga kapwa sundalo at pinapanood ang mga ito.

Tumikhim siya kaya bumaling ito. Hindi niya maiwasang mapangisi sa naalala niyang Mama's boy ito.

"Querio," tawag niya.

Hindi nakataas sa paningin ni Olivia ang pagtaas ng kilay nito. Hindi niya akalaing, tatawagain siyang Querio ng babaeng ito. Lalo namang lumaki ang ngisi ni Olivia sa iritasyon ng lalaki sa kanya.

Ganyan nga, ikaw dapat ang mairita at hindi ako. Pagsasaya niya sa kanyang utak.

"Anong kailangan niyo, Ma'am?" Casual na tanong nito, malayong malayo sa boses niyang masigla kahapon.

"Samahan mo ako." sabi niya.

"Day-off ko ng linggo. Go ask another team to come with you." Iling niya sa akin.

Oh, nakalimutan niya na day-off ang mga sundalo nila tuwing linggo. Napakagat siya sa labi sa sobrang pag-init ng mga pisngi niya. Baka akalain ni Kristoff na sabik na sabik siyang makasama ito.

Bakit ko ba kasi kinalimutan iyon? Litanya niya at inayos ang bangs niya.

"Ah! Nakalimutan ko. Uuwi ka?" tanong niya.

Ngayon ay lumingon na ang sundalo sa kanya. Puno ng pagtataka ang mukha ni Kristoff habang nakatingin sa babae. Should he answer or not? Pero dahil walang balak umalis si Olivia hanggang hindi ito sumasagot. Tumango na lamang siya.

"I see," Olivia smiled a bit and waved her hands. "Oh sige! Aalis na ako, Querio." She shouted and made her way to the gate.

May ilang sundalong kashifting ng team niya ang sumalubong kay Olivia. Sumama naman ang dalaga at sumakay sa sasakyan. Nakatingin lang si Kristoff roon hanggang sa makalabas iyon. Naramdaman niya ang mahinang tapik sa balikat niya.

"Dahan dahan, buddy. Baka matunaw." Nagbibirong sabi ni Paris sa kanya. Ginalaw niya ang balikat para tagtagin ni Paris ang kamay niya.

Magsasalita sana siya ng itaas ni Paris ang kamay niya. Kanina pa niyang naiisip na may sasabihin si Kristoff sa pang-aasar niya kaya inunahan na niya.

"Huwag kang magsasabi ng rankings! Bro, day-off natin. Tara sa bar? Hindi ko naenjoy last time eh?" anyaya nito.

Umiling si Kristoff sa kaibigan. Hindi niya hilig ang pumunta sa bar. Sayang lamang sa oras iyon. Ang mabuti pa ay magpahinga siya dahil bihira sa gaya niya ang pahinga.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now