Kabanata 15

4.4K 159 12
                                    

Kabanata 15

Natapos ang open cotillion na pilit pinipigilan ni Olivia ang iyak. Nagpalakpakan ang lahat natapos iyon, hudyat na open na ang dancefloor para sa kung sinuman ang gustong sumayaw.

Naglakad agad papalayo doon si Olivia para hagilapin ang pouch niya sa mesa at pumunta sa cr.

Umupo siya sa toilet bowl doon at umiyak. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganitong sakit natapos na mamatay ang kanyang ina. Ito rin ang unang beses na may lalaking umayaw sa kanya. Sanay siya na maraming nagkakandarapa, mapansin lang niya.

Ilang minuto pa'y may kumatok sa kanyang cubicle.

"Hello? Ma'am Olivia?" Boses iyon ni Paris.

Pinunasan niya agad ang mga luha at pilit na tumikhim para mapalitan ang namamaos na boses.

"I'm in here, give me a minute." Sabi niya at nagkunwaring nagflush ng toilet. "Why are you here, anyway? Ladie's ito, Paris." sabi niya at tinuro pa ang sign.

"Pinacheck ka ni Kristoff. Alam mo naman 'yun, ayaw na masabihang manyak at ako naman ang utusan kaya walang choice para pumasok dito."

Oh? Talaga? Pinacheck ako? Ayaw niya talagang lumapit sa akin natapos ang lahat ano? Naguguilty siya kasi nawala ako?

"Get out of here, Paris. Susunod ako sa'yo. Mag-aayos lang ako." utos niya.

"Okay." Sabi ni Paris at rinig niya ang mga yabag nito papalayo. Nang nawala na ay lumabas siya ng cubicle para magretouch. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mukhang basa ng luha. Napamura siya ng makitang wala siyang walang powder o kaya lipstick man lang na pangretouch.

Pumasok ang babaeng kagaya niya ay naka-emerald din na gown gaya ng motif. Napatingin ito sa gawi niya kasi pulang pula ang mga mata niya.

"You should retouch. Mahahalata nila na umiyak ka." Sabi ng babae at nag-apply ng lipstick.

Nilingon niya ang babae na akala mo ay wala lang ang sinabi niya. Natapos mapantay ang lipstick ay nilingon siya nito.

"May concealer ako sa pouch. Want to have some? May lipstick din." She offered and showed her silver pouch.

Nahihiya man ay wala na siyang choice. Naglagay siya sa daliri ng concealer at nilagyan ang ilalim ng kanyang mata. Naglagay din siya ng lipstick at medyo umayos ang mukha niya.

"Uh, thank you..."

"Bernice." Pakilala ng babae at naglahad ng kamay. "Bernice Luna."

Tinanggap ito ni Olivia.

So, this is Bernice? Akala ko ba mute 'to sabi ni Paris. Eh siya pa nga iyong naunang kumausap sa akin?

"Olivia Villafuerte. Nice meeting you."

"I know. We're attending the same University." Puna nito.

"Oh, really?" Tanong ni Olivia.

"Yeah. I need to go na. We should hang out sometimes, okay?" Nagpaalam na ito at naunang umalis.

Nang kumalma na ang mukhang niya, ay lumabas agad siya. Doon ay makita niya si Paris na nakasandal sa pader.

"Ang tagal mo naman, Ma'am... Tumae ka ba?" Tanong nito kaya pinandilatan ni Olivia.

"No. It's a girl thing. Come on, let's go." Naglakad na siya para mauna.

Mahirap na at baka matitigan siya ni Paris. Masyado pa namang madaldal ang isang iyon para mapuna ang lahat. May dumaang nagseserve ng wine kaya kumuha siya at nilagok agad iyon in one shot.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now