Kabanata 2

6.4K 207 10
                                    

Kabanata 2

The people never truly cared for her. She always thought it everytime someone made something for her. They only did things just because she's the niece of a Senator, and a daughter of a businessman.

Naramdaman niya agad ang katahimikan ng ipasok siya ni Paris sa loob ng kotse. Sumakay si Paris sa driver seat dahil ito ang magsisilbing driver.

Sinandal niya ang likuran sa malambot na upuan. Kinuha niya ang cellphone para itext ang mga ka-org mate na uuwi na siya. Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Kristoff sa tabihan niya.

"Why are you here?" tanong niya rito.

"Mahirap na. Baka may umasinta sa'yo sa likuran. Walang magpoprotekta sa'yo. Gusto mo bang mataniman ng bala sa ulo?" He asked her.

Umiling ang babae rito at hinayaan na lamang ang lalaki sa kanyang tabihan. Lumayo siya ng kaunti dahil ramdamn niya ang mainit nitong braso na tumatama sa kanyang braso.

Nagkatinginan sila saglit at sabay na nag-iwaa ng tingin. Kinagat niya ang labi niya sa sobrang kuryosidad.

Nasaan ang lalaking ka-org mate niya? May suntukan bang naganap sa loob? Bakit natagalan siya roon? Tanong niya sa sarili habang binabagtas ang pabalik sa bahay.

Napatingin na lamang siya sa baba ng sasakyan at hindi maiwasang makita niya ang hita ng lalaki. Sa faded maong nitong suot, halata ang dugo roon.

Dugo niya ba iyon? O dugo ng ka-org mate niya? Binaril niya ba ito?

"Ano 'yan? Are you hurt?" tanong niya nang hindi makapagpigil.

Nilingon siya ni Kristoff na nakatingin sa bintana na akala mo ay banta doon ng pagsalakay. Tiningnan din niya ang sinasabi ni Olivia.

"Wala 'yan. Maliit na sugat lamang." sagot nito.

"Saan mo nakuha 'yan?" tanong ulit ni Olivia. Hindi naman siya sinagot nito at bumalik lamang sa pagtingin sa labas. Tiningnan niya mula sa rear view mirror ang hitsura ni Paris.

Nagkatinginan sila saglit bago nito binalik ang mata sa kalsada. If he won't talk, sisiguraduhin niya na magsasalita din si Paris.

"First Lieutenant." tawag niya. Nilingon siya ni Paris na nakatingin sa kalsada.

"Yes, Ma'am."

"Saan nakuha ni Captain Querio ang sugat niya?" tanong niya muli. "Mukha kasing naputulan ito ng dila."

Tumikhim naman si Paris at umayos ng upo sa kanyang silya.

"Ma'am, confidential po." Sagot niya dahil sa mariin na tinging binibigay ni Kristoff. Alam niyang sa tingin na iyon ay agad siyang mapaparusahan kapag may salitamg lumabas sa bibig niya.

"Why confidential? I'm just asking. Hindi ko naman ipapalagay sa dyaryo 'yan." Umirap siya sa hangin.

"Why would you want to know? Hindi ka naman mapapayaman ng sagot. Just rest. May klase ka pa bukas. Who in their right mind would go partying kahit na alam na maaga ang klase kinabukasan." pagputol ni Kristoff sa pangungulit niya.

Padabog na sumandal si Olivia. Hindi niya mawari kung bakit feeling niya ay napakaperpekto nitong bantay niya. Masyadong sumusunod sa batas kaya nagiging boring. Akala mo, robot.

Sungit. Akala mo naman napakagwapo. Iyon lamang ang kanyang nasabi. Well, gwapo nga talaga siya! Pero may kung ano sa kanyang pagkatao ang mapapaisip ka. Napakamisteryoso ni Kristoff. At hindi na siya makapaghintay na malaman ang mga sikreto ng lalaking ito.

Nakarating sila sa bahay. Hinatid siya ni Kristoff hanggang sa pintuan. Hindi ito nagsalita man lang hanggang sa makarating sila sa tapat ng pintuan.

"Are you sure you don't want to go sa hospital?" tanong niya dahil hindi siya mapakali habang nakatingin sa pantalon ng lalaki.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now