Kabanata 30

4.8K 173 2
                                    

Kabanata 30

Late na ng makauwi sina Kristoff mula sa police station. Mabilis na lumabas si Olivia para kausapin ang mga ito. Nadatnan niya si Kristoff na naninigarilyo habang nakasandal sa kotse.

"Ngayon na lang kitang nakitang manigarilyo muli." She said.

Bumuga ng usok si Kristoff at nilingon siya ng may mariing titig. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong rosas na roba.

"Your robe's thin. You'll catch a cold." He spat and inhaled his cigarette.

Alam niyang galit ang binata. Tumabi siya rito at sumandal na din sa sasakyan. Guilty si Olivia sa ginawa niya. She's involved in another trouble. Pero ayaw naman niyang maging bilanggo na lang sa loob ng bahay para manatiling ligtas.

"Are you still angry?" Tanong niya ng hindi na makatiis.

"What do you think?" He asked back and threw his cigarette to the ground and stepped on it.

Huminga si Olivia. She knew it. Galiy pa din ang nobyo niya. She played with her fingers.

"Sorry." She mumbled. Masakit para sa kanya ang maisip na pinapahamak niya ang kanyang protection squad sa tuwing lalabas siya ng bahay.

"Just don't do it again. Hindi mo alam ang naramdaman ko ng mabasa ko ang texts nila Dylan. I know they can protect you, but still I don't trust the situation." Ani Kristoff.

Tumango na parang bata si Olivia sa sinabi ni Kristoff. May mga katanungan sa isip niya kaya nag-angat siya ng tingin.

"Sino iyong sumugod sa akin sa bar? Ano ang motibo?" Tanong niya. Dumiin ang panga ni Kristoff.

"Hindi pa din umaamin. Ipinaubaya na namin sa mga pulis. Kaya mag-ingat ka hanggang hindi pa namin alam ang motibo ng mga humahabol sa'yo."

"Saan ka nanggaling kanina?" Tanong ni Olivia. Hinarap siya ni Kristoff na may anong banayad sa kanyang emosyon.

"I can't tell you. It is a classified information."

Ito ang napagtanto niya, na sa pakikipagrelasyon niya sa sundalo, hindi niya kailanman mapapanatag ang sarili. Ang pagmamahal niya sa taong buhay pa man, nasa hukay na ang kabilang paa, ay kailanman hindi makakapagpanatag sa kanya. Pero mahal niya si Kristoff. Iyon ang tanging pinaniniwalaan niya. Na babalik ito ng buhay para sa kanya.

"I am sorry Olivia." Utas ni Kristoff ng mapansin ang pagkakatahimik ng dalaga.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang sumugal sa pag-ibig. Alam niya na ang relasyon ay nangangailangan ng tapat komunikasyon. Pero paano niya magagawa iyon kung may mga bagay na hindi niya dapat sabihin sa iba ayon sa tungkulin niya sa bayan?

Ngumiti si Olivia. Hinawakan niya ang kamay ng binata. Madaling araw na at talagant napakahaba ng araw. Hindi man lang nila nakuha na magpahinga sa isang kama matapos ang romansang naganap sa kanila.

"Bumawi ka sa akin, kung ganoon. Sa kwarto ka matulog." She said.

Umiling si Krkstoff at pinagsalikop ang kanilang kamay. He smiled naughtily.

"Fine. Umakyat ka na at maliligo lang ako. We'll cuddle all night."

Kinaumagahan, ay nakaupo siya sa kama para mag-ayos ng sarili. Nasa banyo naman ang katulong para kolektahin na ang maruruming damit niya.

Maaga kasi siyang nagising dahil bago pa sumikat ang araw, bumangon na si Kristoff para hindi makita ng iba. Hindi na siya makatulog pagkatapos ng pag-alis ng binata.

Naglalagay siya ng pabango ng lumabas ang batang katulong.

"Ma'am, nakita ko po sa loob ng dress niyo?" Anito at binigay ang isang lukot na papel.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now