Wakas

7.7K 343 70
                                    

Wakas

"Tsk. You can't shoot me. Sa tingin mo, handa ka na bang maging kriminal?" 

 The moment she pointed the gun at me, I know she can't do it. 

She has the purest heart behind her fierce facade. I saw it the moment she handed me a first aid kit. She maybe a brat, but she's a weak spot for her mother.  But I have no choice, I have to do it to trigger all the plans I have laid. 

Napaupo si Olivia sa sahig at niyakap ang mga tuhod niya. I watched her silently while observing my men in their position outside.

"But since I enjoyed every minute of using you, I can give you a chance to run. Umalis ka na rito. May byahe ng bangka papunta sa bayan sa loob ng isang oras. Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na o hinding hindi ka na makakauwi sa inyo." 

Tiningnan ko ang orasan sa kamay ko. In five minutes, the plan will execute. I need her to get out of here. I can't risk her safety.

I have never said anything about the truth. Gustuhin ko man, alam kong sa oras na malaman niya ay hindi siya aalis. I hurt her with words, but I will make it up to her.

Tumingin ako sa bintana kung nasaan ang yate. Stefania's been calling me. Alam ko kung sino talaga siya sa una pa lang. She's a big part of this plan so I befriended her. Nagpanggap ako na maasahan niya ako sa lahat ng plano niya kay Olivia. 

Nasa loob ako ng kwarto, habang si Olivia ay nasa sa loob na ng katapat na kwarto at nag-iimpake nang gamit. I contacted Dylan. He would guide her once she reached the port. I made sure that everything is in the right places. 

Nakita ko ang pagtakbo niya papalabas ng villa. Pumunta siya sa lugar kung saan naghihintay ng bangka. Binuhay ko ang ear plug at sinet-up ang baril na gagamitin ko. 

"Boys, it is showtime." Hudyat ko at kinasa ang baril bago lumabas. 

Nakita ko na habang kausap ko si Olivia kanina ang mga tauhan ni Stefania. At handa na akong mamatay dito pa lang. Hindi kailanman, masasaktan ng pamilyang iyon si Olivia. 

Noong una ko pa lang niyang makita ang babae, hindi ko akalain na magiging malaking parte ito sa akin. Hindi sa pagmamayabang, sanay ako at ang mga kapatid ko palaging binibigyan ng kakaibang atensyon ng mga tao sa paligid namin, mapababae man o lalaki, pero si Olivia, wala nang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ko. 

Our first night was ecstatic. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganitong kaba. Isang kaba na magdadala ng kasiyahan sa akin huli. She's the only girl who can have me wrap on her finger, really head over heels with her.

Lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ni Stefania, akala niya ay kakampi niya ako sa panahong ito pero hindi. Agad kong pinaputok ang baril sa direksyon niya na kumitil sa buhay niya. Sa hudyat kong iyon, agad na nagsilabasan ang kampo ng militar. Kagabi pa silang naririto at nakamasid. Bago pa man kami umalis ni Olivia sa Manila, ay minomonitor na nila kami. Maging ang lahat ng tawag ni Stefania sa akin ay bukas na rin sa kanila para sa karagdagang ebidensya. 

"Putangina! Mga militar!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ni Stefania. 

Nagpalitan ng putok. Wala akong balak buhayin sa kahit na sino sa kanila. Tumago ako sa likuran  ng puno habang naglalagay ng bala sa baril. Tinanaw ko ang dagat, wala nang bakas ng bangka na sinakyan ni Olivia. 

I sighed, knowing that she's safe. Sumugod ako sa isang grupo na nakita ko sa hindi kalayuan. Halinhinan at masusi ko silang pinaulanan ng bala ng may kung anong mahapdi akong naramdaman sa aking braso. Nilingon ko ang direksyon at napansin ang isang sniper na maaring binayaran ni Stefania. 

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now