Kabanata 12

4.7K 212 25
                                    

Kabanata 12

Hindi na nakapanood ng maayos si Olivia. Hindi niya maalis sa isipan ang sinabi ni Kristoff. This is her first date. Hindi niya iyon naramdaman kay Clarence kanina.

Kristoff is enjoying the popcorn na para bang walang nakakailang na nangyayari. Hindi tuloy mawala sa isipan ni Olivia kung sanay na ba ito sa dates o talagang wala lang siya rito.

"Where have you been?" tanong ni Olivia sa binata ng hindi nagtagal.

Tumigil sa pagkain si Kristoff at nilingon siya. Uminom ito sa softdrinks niya.

"Just some personal matter." Tipid na sagot ng binata at binalik ang mga mata sa pelikula. Tumango lang si Olivia at tumingin na rin sa screen.

He doesn't share so much. Hindi niya alam pero sobra na ang frustration niya sa kanyang katawan. She likes him so much. At ito ang unang pagkakataon na ayaw sa kanya ng natitipuhan niya.

Dahan dahan ay kumuha na rin siya ng popcorn at sinubo iyon. Sumandal siya sa upuan. Sa kanyang utak ay mas gugustuhin pa niyang ienjoy na lang ito kaysa maging negative.

Napatawa ang lahat sa isang scene. She can't stop her laughter pero ang kanyang katabi, tila kahoy na walang emosyon. Tumaas ang kilay niya. Tao pa ba ito o hindi?

"Hindi ka ba natatawa?" tanong niya kay Kristoff.

"Natatawa." sagot ng lalaki sa kanya.

"Natatawa ka na niyan? Wow, sadya ka bang poker face, Captain?" sabi ni Olivia.

"No. I smile when I'm genuinely happy."

"Whatever. You are so weird!" aniya.

Hindi na nagsalita si Kristoff hanggang sa natapos ang pelikula. Noong naglights on na ay napagtanto ni Olivia na sa harap nakaupo si Paris. Binigyan sila nito ng isang nakakalokong ngiti bago sinenyasan ang hindi nasa kalayuang kasamahan.

Nauna naman si Kristoff, dala dala ang basura at iniwan siya. Napairap siya at hinarap si Paris na nakangisi pa rin.

"Ano?" masungit niyang tanong.

"I heard it. This is a date between you two." sabi nito.

Gustong batuhin ni Olivia si Paris ng kanyang handbag. Nang-aasar ba ito?

"Do you think that looked like a date? He just said that to make me shut up." sabi niya.

Umiling si Paris at tinapik sa balikat si Olivia.

"Ma'am, I am his friend since our freshman days in PMA. He never asked anyone to be his date in any circumstances. Kahit nga anak ng mas mataas na rango sa kanya, hindi niya pahintulutan." sabi ni Paris.

Natigilan si Olivia. Well, may parte sa kanya ang umaasa na sana ay ganun na nga. The captain makes her crazy kahit na nakatayo lamang ito sa isang tabi. She only felt it whenever she's with him.

Umirap siya at hindi na sumagot. Sakto namang bumalik si Kristoff at tiningnan silang dalawa. Tumingin ito sa relo niya.

"Shall we go home o may dadaanan ka pa?" tanong nito sa kanya.

"Wala na. But I like to call my friends to say goodbye. Is that okay?" sabi niya at kinuha ang cellphone.

Dinial niya ang numero ni Dani. Tumingin naman siya kay Kristoff na humihigop sa kanyang soda. Kitang kita ang detalye ng kanyang panga sa bawat lagok nito. Bumilis naman ang tibok ng puso niya doon.

"D-Dani?" Her voice shook. Nag-iwas siya ng tingin at hinawakan ang kanyang leeg.

"Yes? Nasaan ka? Clarence's upset? Anong nangyari?" tanong ng kaibigan.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now