Kabanata 14

4.9K 175 26
                                    

Kabanata 14

"Why do you care?" Tanong ni Olivia sa nababasag na boses.

"Coz' you're like a little sister to me." Simpleng sagot ni Kristoff sa kanya na mas lalong bumasag sa kanyang kalooban.

Yeah, you're just a sister. Huwag ka na ngang umasa.

Mabilis siyang lumabas sa sasakyan. Nadatnan niyang nakaupo sa isang malapit na bench si Paris na ngayon ay may kausap na babae. Nang makita akong nakasimangot ay agad na tinaas ang kanyang kamay para kumaway.

"Ma'am Olivia!" Sigaw niya. Umirap si Olivia at hindi pinansin si Paris.

Mahigpit ang hawak sa bag ay agad siyang umakyat sa classroom niya. Napahinga siya ng malalim ng makitang naroon si Clarence na pinagtitinginan ng ilang estudyante.

"C-Clarence." She called him.

Nakangiti naman ng malaki si Clarence sa kanya.

"Dumaan lang ako para kamustahin ka. Nagmamadali ka kasi kanina sa cafeteria. Natapos mo ba 'yung kailangan mo para sa subject na ito?"

Naguguluhan man noong una pero nakuha niya agad na iyon nga pala ang idinahilan niya.

"Ah, oo! Umuwi nga ako sa bahay eh." Pagsisinungaling niya at ngumiti pa.

Natigil lang sila ng may tumikhim sa kanilang likuran. Nilingon niya si Kristoff na ngayon ay seryosong nakatayo sa likuran niya.

"Mauna na muna ako, Clarence. Padating na siguro iyong professor ko."

Umupo siya agad sa upuan niya, ganoon din si Kristoff na nasa sa kanyang likuran. Natigil lang siya sa pagsimangot ng lumapit ang isang kaklase niya sa kanya.

"Uh... Hi, Olivia." Anito.

Tiningnan naman ito ni Olivia ng seryoso.

"What is it?" Diretso niyang tanong.

Wala siyang pakialam kung sabihan siyang mataray o ano pa man. Masama ang mood niya sa araw na ito kaya ayaw niya makipagplastican.

"From our campus magazine ako. Gusto ko lang sana malaman kung ano ang estado ng relasyon niyo ng campus MVP natin na si Clarence Cho? Nakita kasi kayo na magkadate sa isang mall. Tapos may rumor na bumili kayo ng couple shoes?"

Walang pasubaling tinaas ni Olivia ang kanyang sapatos sa mesa para ipakita iyon sa kausap.

"Check my sandals. Mukha bang pang-couple shoes ito?" Mataray niyang sabi.

"At ano naman sa inyo kung nagdate kami ni Clarence? Hindi naman kami obligado na sabihin sa inyo kung ano kami hindi ba? At saka.... Close ba tayo?" Inirapan niya ang babae na agad namang umalis dahil medyo malakas ang pagkakasabi niya na nagpalingon sa ibang kablock niya.

Hindi naman siya talaga mataray at nagpapahiya ng kung sinu-sino. Nagkataon lang talaga na sira na ang araw niya. Nadurog lang naman ang puso niya sa sinabi ng pusong batong lalaki sa likuran niya. First time niyang mareject.

Kinuha na lang niya ang phone niya at naglaro ng pumasok ang tawag ni Stefania. Agad niya itong sinagot.

"Hello, Stef?"

"Where are you?" Tanong ng pinsan.

Umirap siya at tiningnan ang orasan. Maaga pa, alas kuwatro pa lang, ah? Bakit siya hinahanap nito?

"School, remember? Bakit?" Tanong niya.

"Just go home. Tito Luisito's here. Invited tayong lahat sa party ni Senator Pangilinan."

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now