Kabanata 33

4.6K 192 28
                                    

Kabanata 33

Bumalik si Olivia sa hotel room nila na tila gulong gulo. Binuksan niya ang pintuan at nakita niya si Kristoff na tulog na tulog pa din. Mukhang pagod na pagod ang binata sa kanyang pagdadrive kaya hindi na niya inabala iyon.

Umorderna din siya ng pananghalian nilang dalawa at sinet-up iyon sa garden, kung saan naroon ang magandang view. Ilang minuto pa ay ginising na niya ang nobyo para makapananghalian na rin sila.

Mapungay ang mga mata ni Kristoff at agad na hinubad mula sa ulo ang kanyang damit. Gusto namang mapanganga ni Olivia dahil di hamak na mas maganda ang view na ito.

"I ordered steak for us. Is that okay with you o gusto mo ng iba?" Tanong niya. Umiling si Kristoff at umupo sa harap niya. Nakatitig si Olivia sa bawat galaw nito. Maganda ang katawan at gulo ang buhok na mas lalong nagpapagwapo rito. Para siyang model ng isang magazine.

She looked at his chest and abdomen. May mga sugat doon na tila malalim. Napansin din niya noong may nangyari sa kanila na maraming bakas ng sugat ang likuran nito.

"Are you okay?" Tanong ni Kristoff. Uminit ang pisngi ni Olivia at umiwas ng tingin. Hinati niya ang karne at sinubo iyon.

"Does your scars from bullet wounds?" Tanong niya sa binata. Tiningnan ni Kristoff ang kanyang katawan at sinulyapan ang kanyang nobya.

"Hmm. Most of them."

"Most of them?" Tanong niya ulit. Ngumuso si Kristoff at nagkibit balikat. "Maliliit na cuts lamang iyan. Don't worry, I am all healed." Pagpapakalma niya sa dalaga dahil nakita nito ang reaksyon. Nawala sa isip niya na baka magtanong ito kapag nakita ang mga sugat niya.

"Cuts? Based on the scarring, malalim ang mga iyan. Tell me, delikado ba ang mga operation niyo dati?"

Walang balak si Kristoff na sabihin sa kanyang nobya ang nangyayari kapag nasa laban siya. Hindi niya sasabihin na palaging nasa hukay na ang mga paa niya at walang kasiguraduhan kung babalik siyang buhay.

"Olivia, do not mind it. Magaling na iyan."

"No. Mawawala ka ng ilang taon, Kristoff. At least give me some details. Hindi ko naman hinihingi na lahat ay sabihin mo, pero sagutin mo ako ngayon."

Huminga ng malalim si Kristoff. Wala na siyang magawa kundi ang sagutin ang tanong ni Olivia. He pointed his chest part.

"This one? I got stabbed in an operation. It almost killed me. Luckily, the bastard missed my heart." Aniya.

Hindi mawari ni Olivia ang nararamdaman. Alam na niyang ganito pero tila hindi pa din siya handa.

Tinuro ni Kristoff ang mga sugat sa abdomen at balikat niya.

"I was shot here, and here, and here." Aniya sa seryosong boses. This is the first time na sinabi niya sa isang tao ang lahat ng ito. He never went topless in front of his mother dahil ayaw niyang mag-alala ito. But this is Olivia.

"Oh, God. And this coming mission? Fatal din ba iyon?" Tanong niya.

Uminom si Kristoff ng tubig. Of course it will be fatal for any soldier. He will be destined in the mountains to guard the rebels and terrorists.

"Olivia, every assignment is fatal." Aniya. "But I promise you, I will be safe. Baby, I will come back to you in one piece." Aniya at hinawakan ang kamay ni Olivia na tinakasan na ata ng init.

Naiiyak na si Olivia. Hindi niya kakayanin kapag may nangyari kay Kristoff. She never cared for anyone like this after her mother. And it is so scary to lose him like what happened to her mother. Ayaw na niyang makakita ng bangkay ng taong mahal niya sa kabaong. It traumatized her so much.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now