Kabanata 6

4.9K 210 9
                                    

Kabanata 6

It's Saturday night and just like what she's told, she stayed inside the house. Kristoff and his team is spending their day-offs with their family.

Bored na bored na si Olivia dahil paulit ulit na parte na ng bahay nila ang nakikita niya. Tumambay na ata siya sa bawat sulok, at kahit na malawak ang bahay ay hindi siya mapirmi sa isang tabi.

Her phone beeped. Agad niyang tiningnan iyon ay nakita ang text ng highschool friend niya. It's her only friend, Danica.

Dani: Party later? Club 55, 6 pm.

Si Dani ang unang nagpatikim ng alak sa kanya. She remembered how she sneaked out just to get drunk at high end bars kahit na menor de edad siya. Si Dani ang nagmulat sa kanya sa mga ganitong gawain.

She replied, "Sure." and went to her closet to find a party dress. Kung tutuusin, last week ang huli niyang punta sa bar, malayo sa nakaugaliang halos gabi gabi. Well, Kristoff's really tight. Nahihirapan siyang makalusot hindi gaya noong si Paris pa ang abala sa kanya.

She found a black body hugging one piece dress. When she finished preparing, kumuha siya ng jacket sa closet para tumakas. Gaya ng dati, tumungo siya sa likod bahay sa tapat ng malaking puno na katabi ng bakod.

She thanked the gods of Olympus dahil walang tao roon. Tila, sumasang-ayon ang tadhana kaya nagmadali siya bago pa may mapadpad na magroronda.

Dahan dahan siyang umakyat roon at nagpatihulog sa kabilang bakod. Well, little MMA classes really helped her to gain strength. Hindi siya gaya ng ibang anak mayaman na tapirin mo lang, akala mo ay piraso ng papel na mapupunit.

Pumara siya ng taxi at agad na hinubad ang jacket
It's a good thing that Kristoff wasn't around for the weekend. Malaya siyang gawin ang gusto niya ng walang nakabuntot.

Olivia loved this lifestyle because she felt liberated. She's free. Sa loob ng ilang taon, hirap na hirap siyang gumalaw sa loob ng nakakasakal na pamilya. Everyone's eyes on you. Parang hayop sa circus na hinihintay nilang gumawa ng tricks. And she hated it.

May ilang bumati sa kanya sa loob. Ngiti lang ang sinagot niya at hinanap ang kuta ni Dani. Iyon ay sofa sa sulok. Nakita niyang nakapulupot ang kaibigan sa boyfriend nito. Nagtatawanan sila kaya napairap siya.

"Nakakasuka kayo." bulalas niya na nakapagpatigil sa tawanan.

Umirap si Dani at binato sa kanya ang kaha ng sigarilyo na agad niyang sinalo. Nilagay niya iyon sa labi at sinidihan bago nagpatihulog sa couch.

This is life. Isip niya at dinampot ang jim beam para magsalin. Umupo ng tuwid si Danica at pinanood siya.

"Are you caged? Parang gutom na gutom sa alak, ah?" Nanunuyang sabi nito.

Pinitik niya ang sigarilyo sa ash tray at ngumisi. Tinaas niya ang baso.

"Bottoms up!" She said and drunk it at once. Napahiyaw naman ang boyfriend ni Dani sa ginawa nito. He's very pleased.

"Oh! Dani, my friends will like her." sabi nito.

"Everybody likes me, Bret." mayabang na sabi ni Olivia at kumindat pa.

As if on cue, dumating ang ilang kaibigan ni Bret at nakipaghihh five pa. She quietly puffed her cigarettes.

Boys from big universities. May ilan roon ang nakikita niyang naglalaro sa UAAP. Hindi basta basta ang mga kaibigan ni Bret.

"Olivia Villafuerte, right?" tanong noong isang chinito na umupo sa tabi niya.

Tumango si Olivia at naglahad ng kamay.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now