Kabanata 19

4.7K 192 13
                                    

Kabanata 19

Mabilis pa sa kidlat na humiwalay si Olivia kay Kristoff. Napahawak siya sa labi niya habang napatingin sa bumabangon ngayon na si Kristoff.

"Sir, p-patayin niyo po..." Sabi ni Dylan sa naestatwang si Paris.

Nagkukumahog namang hinanap ni Paris ang switch ng kanyang flashlight. Natagalan siya dahil sa nanginginig na kamay.

"B-Boys, tara na." Sabi ni Paris at naglakad na papalabas ng kwarto na tila sila pa ang nahihiya.

Nang matinding katahimikan at tanging dilim na lang ang namumutawi ay tumikhim si Kristoff.

"Are you okay?" Tanong nito.

Hiyang hiya si Olivia doon. Hindi niya alam ang gagawin. It was an honest mistake. Balak sana niyang tumakbo papunta kay Kristoff nang naramdaman niyang bumangga siya sa matigas na bagay dahilan kung bakit sila nahulog. Hindi niya akala in na si Kristoff iyon at nagtama ang labi nila.

"I-I'm okay." Lumunok si Olivia. Naging maingay ang mga tao sa corridor sa biglang pagkawala ng kuryente.

"Lumabas na muna tayo doon." Sabi ni Kristoff at lumiwanag sa kanyang kama. Binuhay nito ang flashlight ng kanyang cellphone at lumapit sa kanya.

Naglahad siya ng kamay kay Olivia. Naguguluhang nilagay ng dalaga ang kamay niya sa palad nito. Natatakot siya sa dilim. Bata pa lang siya hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya.

Mahigpit na hinawakan ni Kristoff ang kamay niya papalabas. Nadatnan nila ang ilang turista sa labas na nag-uusap usap tungkol sa pagkawala ng kuryente. May ilang staffs din na punta doon para ipaliwanag ang sitwasyon.

Sa dulo ng corridor ay nadatnan nila ang apat na lalaki na tahimik na nakasandal pero ng namataan sila ay dumapo ang mga malalagkit na tingin sa kamay nilang magkahawak.

"Ano raw nangyari?" Diretsong sinabi niya.

"Nawalan ng kuryente ang bayan. Kasi nagkaproblema ang generator dahil sa nasirang piyesa, Sir." Sagot ni Jack.

"Maaayos din daw bago maghatinggabi." Sabi ni Paris.

Tumango si Kristoff at sumulyap sa hindi makatingin ng diretsong na si Olivia. Hiyang hiya siyang hairpin dahil alam niya ang nasa sa isip ng mga ito.

"Dylan, go to our rooms, find the keys and lock the doors. Bababa muna kami para makapagpahangin." Anito.

Hinila siya ng binata pababa. Nagpatianod na rin siya dito. Maingay ang lobby dahil sa mga estudyante. May ilang napapatingin sa kanilang gawi. Kinalas niya ang mga kamay nila.

"O-Okay na ako." Sabi niya at tumakbo sa gawi nina Bernice. Nakisali siya sa usapan ng mga ito habang papalabas ng hotel.

"This is a good time for bonfire!" Sabi noong isang senior. Naghanap sila ng kahoy at sinindihan iyon.

May naglabas ng gitara at nagkantahan sila. Nakaupo lang siya sa tabi ni Bernice. Pinakilala siya nito sa ilang kablockmate kaya paminsan minsan ay sinasali siya sa usapan.

"Tatakbo ang Tito mo sa pagkapresidente diba? Sabi ng Mommy ko, siya ang iboboto namin." Sabi ni Joana.

"Ah, oo. Salamat." Tipid na sagot niya at tinuon ang tingin sa isang lalaki na kumakanta.

"That's Ford. Type mo?" Halakhak ni Bernice.

Umiling si Olivia. Nagandahan lang siya sa boses at itong si Bernice at ginagawa na agad ng issue. Hindi niya pinansin ang panunukso ng mga ito hanggang sa lumapit si Paris na may dalang dalawa ng fruitshake.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now