Kabanata 25

4.8K 184 18
                                    

The names, places and things mentioned is purely coincidental. Enjoy!

Kabanata 25

Maraming tao sa loob ng bulwagan kung saan magpapasa ng aplikasyon ang mga kandidato. May mga supporters sa labas na panay ang sigaw sa kanilang mga bato pero ang pinakamalakas doon ay ang pangalan ni Senator Eduardo Villafuerte.

This is it. Their plan is nearly coming to end. Noon pa mang pagkabata niya ay ito na ang minimithi ng mga Villafuerte. Ang pinakamataas na posisyon na kayang marating ng isang Pilipino.

Nakatayo ngayon ang pamilya ni Olivia sa likuran ni Senator Villafuerte para sa pagpapakita nito ng suporta sa filing ng candidacy sa pagka-presidente.

Hindi makangiti si Olivia, di gaya nina Steff at Diana na panay ang tingin sa mga media na kumukuha ng litrato. Marami siyang naiisip sa bawat click ng camera. Ito ang matagal nang minimithi ng kanyang tunay na ama. Ang pangarap na kapalit ng kanyang tunay na pagkatao.

Mahigpit ang hawak niya sa kanyang purse at ginala nag mga mata sa dagat ng taong naroroon sa loob ng bulwagan. Tumigil lamang ito ng makita niya ang pamikyar na mata ni Kristoff.

Seryoso itong nakatayo sa tabihan ng ilang media at matalim pa sa lawin ang mga mata na nagmamatyag para sa kanilang kaligtasan. Nakasuot ito ng kanyang uniporme na mas lalong nagpagwapo sa kanya.

Tumango ito sa kanya na tila alam niya ang nasa isip ni Olivia. Huminga ng malalim si Olivia at tinuon ang atensyon sa media na ngayon ay may hawak na mikropono.

"Ano po ang nagtulak sa inyo, Senator Villafuerte na tumakbo sa pagka-presidente?"

Tumawa si Eduardo at sumulyap sa kanyang mga taga-suporta.

"Dahil sa mamamayan. Sila ang tunay na rason ko, gusto ko na matamasa nila ang isang bansa na walang kurapsyon."

Nagsigawan ang mga taga-suporta nito. Gusto ni Olivia na umirap. Ilang beses na bang nagasgas ang linyang iyan sa mga kandidato? Ilang dekada na ang lumipas at wala pa ring nangyayari.

Matapos ang ilang tanungan ay nakangisi si Esmeralda na lumapit sa banda nila Stef.

"Mga hija, bakit hindi muna kayo tumulong sa pamimigay ng pagkain sa mga supporters nang sa ganoon ay mas maganda ang feedback sa inyong Daddy?" Tanong niya sa mga anak at nang mapalingon sa kanya ay sumimangot.

"Ikaw din, Olivia. Huwag kang batugan d'yan at huwag na huwag mong sisirain ang araw na ito para sa asawa ko." Bilin niya.

Tumaas ang kilay ni Olivia at nagpakawala ng buntong hininga para hindi sila mahalata ng mga tao na nasa paligid.

"Huwag kang mag-alala, Esmeralda. Hindi ko ilalabas ang baho niyo rito kahit na sukang suka na ako sa mga pangako niyo sa tao. Talagang tutulong ako dahil ayokong makasama ka rito at nandidiri ako." Bulong niya at nilampasan ito.

Padabog ang lakad niya papunta sa mga organizers na nagdidiskarga ng mga packed lunch mula sa trucks.

"Ma'am, kami na po dito. Magpahinga na po kayo." Sabi ng isang matandang volunteer.

"Tutulong po ako, Manang." Giit niya at lumapit sa isang binatilyong may buhat buhat na box.

Natigilan ito ng makita siyang nakatayo sa harap niya. Tinuro ni Olivia ang box at tinurl ang isang medyo maluwag na lugar.

"Hi. Tulungan na kita? Doon tayo sa ilalim ng puno mamigay?" Suggestion niya na hindi tinanggihan ng lalaki.

Binuksan nila ang box habang nagtatawag naman ang isa pa ng ilang supporters para mabigyan ito ng pagkain. Ang lalaki ang nag-aabot sa kanya habang siya naman ang personal na nagbibigay sa mga supporters.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now