Kabanata 46

4.9K 208 28
                                    

Kabanata 46

Ilang oras na silang nag-iinuman pero hindi pa din tapos si Kristoff sa pakikipag-usap sa pamilyang iyon. Nagawa pa ngang maglahad ng isa pang upuan para sa kanya.

Naparami na din ng inom sina Tori at Olivia. Nag-uusap sila sa mga bagay bagay na minsan ay sinasalihan ni Jack. Tahimik lang si Borris at saka sasagot 'pag tinatanong.

Mapungay na ang mga mata ni Tori at panay na din ang tawa niya sa kahit na anong sabihin ng nakakatandang kapatid.

Tumunog ang cellphone nito kaya nagpaalam muna. Naiwan sila Jack, Borris at Olivia sa table. Nakaramdam naman ng gutom si Olivia dahil sa alak kaya napagpasyahan niyang kumuha ng kahit minatamis sa buffet.

Habang kumukuha siya ay may nagsalita sa likuran niya.

"Lasing?" tanong ng binata sa gilid niya. Kanina niya pa ito napapansin na nakatingin sa banda nila.

Umiling siya at binaba ang sandok ng salad. Ngumiti siya sa lalaki.

"Hindi naman. Ah, sige..." Pagpapaalam niya doon. Wala siya sa mood na makipag-usap sa kahit na sino.

Napansin niya ang mariin na titig ni Kristoff sa kanya. Nagtagal iyon doon sa lalaki na kumausap. Ilang sandali ay umupo na ulit siya at hindi na pinansin si Kristoff.

Bumalik si Tori na nakasimangot. Umupo ito sa tabihan ni Olivia.

"Abnormal." Bulong nito.

Nang mapansin ang pagtingin sa kanya ni Olivia ay ngumisi ito at uminom. Nag-usap usap sila ng mga gagawin sa oras na makabalik sa Manila.

Maya't-maya naman ang tingin ni Kristoff sa table ng mga kasama. Kanina pa niya nais na umalis sa table kung nasaan siya pero mapilit si Aling Lumen na kilalanin niya si Camila, ang ikalawang anak ng punong barangay dito.

Hindi naman siya napipilit ng kahit na sino sa mga ganito pero kailangan niya ang suporta ng punong barangay para mailigaw ang mga nagbabanta sa kaligtasan ni Olivia.

Natigil siya sa pag-iisip ng hawakan ni Camila ang braso niya. May matamis na ngiti ito sa kanyang labi.

Nilingon niya ang dalaga.

"Sa isang buwan, pupunta kami sa Manila para sa bago kong trabaho. Hindi kasi ako sanay doon kaya maaari bang magkita tayo doon?" Tanong nito.

Umiling siya at ngumiti ng marahan. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga na nasa braso niya at tinagtag iyon.

"Sorry. Marami akong trabaho."

Nawala ang ngiti ni Camila. Tumikhim ang dalaga at kinagat ang labi sa pagtanggi nito. Tumayo ang ama nito at may binulong kay Aling Lumen.

Nagkamayan ang mga ito bago nilingon si Camila at sinenyasan na lumapit. Nangangarap naman na tumingin si Camila kay Kristoff na tumayo na rin.

Tila pelikula ang grupong nakatayo at ang mga mata ay nasa sa kanila.

Umirap si Tori ng paulit ulit.

"At ihahatid pa talaga niya?" Puna niya ng hawakan ni Kristoff ang likuran ni Camila para ihatid sa sasakyan.

Hindi nagsalita si Olivia. Nagbingi bingihan siya at mas inintindi ang inumin sa harapan. Tumayo si Borris at umupo sa tabihan ni Olivia. Hinawakan naman siya ni Borris sa balikat para pigilan.

Nakuha niya ang ibig sabihin nito. Binaba niya ang baso at ngumiti ng tipid. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ni Borris. Hindi na niya napansin ang binata na kanina pang naririto. Naguilty naman siya na puro si Kristoff na lang ang pinapansin niya. 

Bulletproof (Querio Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara