Kabanata 3

5.4K 176 7
                                    

Kabanata 3

Nagising siya mabigat ang pakiramdam. Hindi niya akalain na ganito magiging kasakit ang ulo niya.

Nahihirapan man ay agad siyang naligo. Kung hindi nga lang siya binalaan ng kanyang propesor na isang absent na lang niya ay idadrop na siya nito. At hindi niya maaring gawin iyon dahil ikatlong beses na niya sa subject na ito.

Nagmadali siyang lumakad papalabas. Labinlimang minuto na lamang at klase na ng propesor niya. At wala itong puso kapag oras na ang usapan. Time is money kumbaga.

"Paris!" She shouted as soon she exited the house.

"Fuck, Paris!" She screamed at the top of her lungs. Nagulat siya dahil sa taong agad na tumakbo papunta sa kanya. Napahawak siya sa dibdib ng muntik na silang magkabanggaan ni Kristoff.

Halatang nagmamadali din ang lalaki. Hawak nito ang baril niya kaya hindi matanggal ang titig niya rito.

"Anong mayroon?" Tanong nito sa nagmamadaling boses at nilingon ang paligid na parang handa siyang magpaputok sa kung sino.

"Ah! Late na lang ako sa klase ko. Asan si Paris? Bilis!" Sigaw niya at agad na sumakay sa kotse.

Sinenyasan ni Kristoff si Paris kaya tumakbo ito. Sumakay silang tatlo sa sasakyan. Nakasimangot ang mukha ni Kristoff na parang ayaw niya ang nakikita niya.

Anong problema nito? Tanong niya sa sarili at sinandal ang ulo sa salamin.

"Dylan, Jack, Lui." Biglang salita nito kaya napalingon siya. Ramdam ang lamig sa boses nito.

"Convoy tayo. Lui, just the usual. Check the area. I'll sit in her class, Paris." Sabi nito.

Nanglaki ang mga mata niya. Magsisit in siya? Para saan pa? Paris never did that when he's the leader of her protection squad. He never cared that someone will stab her using pencil. Ang babaw noon para sa kaniya.

"Why would you sit inside? Sa labas na lang kayo." She said.

She doesn't want them to see how bad she is in business math and accounting. Ayaw niya na makita kung paano siya sabunin ng kanyang propesor.

"I'll protect you." Sabi lang nito. "Paris, bilisan mo. Late na siya."

Hindi na siya nagsalita. Kinagat ni Olivia ang labi niya. It was five minutes before nine thirty when she arrived. Ni hindi na niya initindi ang mga ito at tumakbo.

Ramdam niya ang pagtingin ng mga tao sa kanya dahil sa mga bantay niyang tumatakbo na rin para masundan siya.

Hingal na hingal siya ng makarating sa ika-limang palapag.

"Miss Olivia Emerald Villafuerte. You are almost late." Sabi ng propesor na kasabay niyang pumasok sa pintuan.

Ngumisi siya sa babaeng propesor.

"Almost." She emphasized what her proffesor said.

Hinawi niya ang buhom at umupo sa likuran. May ilang bulungan dahil huling pumasok si Kristoff na umupo sa tabihan niya.

Nagdiscuss na ang professor niya ng math. Halos mapamura siya dahil sa surprise balancing quiz. Kumuha siya ng papel at sinulat ang binigay ng propesor.

Ilang pindot na niya sa calculator ay hindi niya mabalance balance ang mga numero.

Shet? Ano ba 'to?

Hindi siya lalo makapagfocus dahil ramdam niya ang titig ni Kristoff sa kanya at sa papel niya. Hindi naman siya nag-angat ng tingin at nagpretend na pumipindot sa kanyang calculator.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now