Kabanata 38

4.3K 174 10
                                    

Kabanata 38

Natahimik si Tori sa mga pangangaral niya. Umupo siya sa kaharap na sofa at pinaglaruan ang kanyang labi.

"Nahihirapan akong makuha ang guestlist sa kasal. Mga kilalang tao at press lamang ng Malacañang ang pinahihintulutan. Maybe we should ask Borris for invitation." Ani Victoria.

"Borris would not agree. Masyado iyong takot para sa seguridad ko." Sagot ni Olivia.

"So, what's the plan?" Tanong ni Victoria.

"Kung hindi ako makakapasok bilang bisita o press, siguro magagawan ng paraan kapag staff na lang o waitress. Find the details about the catering." She ordered.

"Fine." Tamad na sagot ni Victoria at hinilot ang sentido. "Kung hindi lamang nangako ang tatay ko, hindi ko pag-aaksayahan 'yang kagagahan mo." Puna nito at sinakbat ang bag.

Tumawa si Olivia sa dalaga. Nakasimangot si Victoria.

"Aalis na ako, Boss Olivia. Babalitaan na lang kita. Dinagdagan ko ang security mo ng sa ganoon, hindi ka makatakas." Anito at naglakad na papalabas pero natigil din.

"Wait, about sa warehouses... wala doon ang nakakapagturo na may kinalaman sina Diana. I investigated thoroughly." Nilapag ni Tori ang isang folder sa harap niya na may mga listahan ng nasunog na warehouse sa loob ng isang taon.

"Sure. Thanks." Aniya at hinayaang makaalis na ng tuluyan si Tori.

Sinundan niya ang pintuan at sinilip ang peep hole to find three armed men standint at the door.

Dumb, Olivia! Sa ginawa mong pagtakas, ayan at lalong humigpit ang seguridad mo. Mura niya sa sarili at sinikop ang mga gamit sa table para mabuksan ang kanyang laptop.

She needs to work on her plan. She googled the Villafuerte's profiles one by one. Natigil lamang siya sa pagbabasa ng makita ang isang medyo bagong article doon. It was about Steff. Meron doon na nakuhanan siya ng litrato na kasama ang isang press at tila naghahalikan. There are hatred comments about her cheating issue with her long time boyfriend.

"Still crazy as before, Steff."

Napailing siya. That girl. Paniguradong nagalit ng sobra ang feeling perfect na mag-ina sa ginawang ito ng dalaga. She's hard-headed like her kaya siguro nagkasundo silang dalawa noon.

Nalaman niya na maraming charities at foundation ang mga ito na pinangunahan ni Diana. She listed all the charities in a paper. She opened the folders ang looked at them.

Tinype niya ang mga ito sa google map. She was scanning when she saw something. May isang nasunog na warehouse ang malapit sa isa sa mga foundation ni Diana.

Nilista niya iyon at pinagmasdang mabuti. Something's going on her mind pero hindi niya makumpirma kung nagkataon iyon o hindi. She browsed the pictures of the warehouse's burning incident. May mga tao doon noong dumating ang mga media na nakikiusyoso.

There's no suspicious about the picture. Mga normal na hitsura ng nakikiusyoso doon at mga pulis. Ayon din sa report, may mga empleyado ang namatay sa sunog.

Hinanap niya ang pangalan ng may-ari. Nandoon ang isang foreigner na nagmamay-ari umano ng pabrika ng bakal. Kellan Schmidt ang pangalan nito at nakatira ngayon sa ibang bansa matapos maareglo ang kaso.

Tinigilan ni Olivia ang pag-iimbestiga. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Tori. Ilang rings ay sinagot ito.

"What? Magdadalawang oras pa lang ako nakakalis, may iuutos ka na naman?" May tunog sarcastic sa tanong niya.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now