Kabanata 13

4.8K 202 32
                                    

Kabanata 13

Nung kinaumagahan, naubos na ata ang oras ni Olivia katititig sa kahon ng sapatos sa kanyang harapan. Nawala lang siya sa pag-iisip ng tumunog ang phone niya sa isang mensahe mula kay Clarence.

Clarence: Good morning. Hope you'll like the shoes.

Naguguluhan siya habang binabasa ang mensahe nito. Binuksan niya ang kahon at tiningnan ang sapatos. Pero ang sabi ni Paris...

Napamura si Olivia at agad na sinuot ang sapatos. Malelate na siya at wala.na siyang pake sa sapatos. Patakbo siyang lumabas. Naabutan niyang nakasandal si Paris sa sasakyan at naninigarilyo. Nang makita siya nito ay agad na naubo at tinapakan ang sigarilyo.

"Ma'am!" gulat na gulat na sabi nito at tiningnan ang sapatos niya. "Diba sabi ko na—"

"Ano? Tara na." Nagulat sila sa boses ni Kristoff na nasa likuran nila.

Napailing si Paris at tumango na lang. Tiningnan siya nito bago umikot sa driver's seat. Nagkatinginan sila ni Olivia at kita niya ang pagdiin ng panga ni Kristoff habang nakatingin sa paa niya.

Ano bang issue sa sapatos na 'to?

Binuksan ni Kristoff ang pintuan at pinapasok siya. Nang akala ni Olivia ay papasok na ito. Tumigil lamang ito para ipasok ang ulo niya sa loob at tingnan si Paris.

"Paris. I'll drive." anito at sinara na ang pintuan.

Nakangusong pumasok sa backseat si Paris. Akmang tatanungin na niya ito ng magsalita si Paris at sinamaan siya ng tingin.

"Pa—"

"Galit ako sa'yo, Ma'am. Huwag mo akong kausapin." Parang bata niyang sabi at tiningnan pa ang bintana para lang di siya makausap.

Ngumuso si Olivia at kinuha ang kanyang phone para makapag-internet. Naghanap na lang siya ng pagkakaabalahan hanggang sa makarating sila sa school.

"Paris," tawag ni Kristoff na nilock ang pintuan ng sasakyan.

"Yes, Sir."

"Ikaw ang sasama sa kanya. I'll stay here as the parameter check." he said.

"Yes, Sir!" sigaw niya na tila nahihirapan. Nagtataka na talaga si Olivia sa ikinikilos ng lahat sa kanyang paligid.

Nang hindi na nakatagal ay hinarap niya si Paris na naglalakad sa tabihan niya.

"Anong mayroon, Paris?"

"Anong 'anong mayroon' ang sinasabi mo, Ma'am?"

"Ang weird niyo kaya ng Sir mo? Hello, anong mayroon sa sapatos?" tanong ko.

Tiningnan niya ang sapatos na suot ko.

"Malalaman mo din. Sabi na kasing huwag isuot yan. Ito lang ang nasasabi ko, Ma'am. Maraming pangarap ang nadudurog dahil diyan sa sapatos na 'yan."

"I don't get you. Tell me," naiinis na sabi niya.

Nagkibit balikat si Paris at tinaasan siya ng kilay.

"How I wish I could tell you, Ma'am. Kung alam niyo lang ang pinagdaanan namin kagabi. Ang mabuti pa, bago pa ako masabon dito, pumasok ka na sa loob."

Tumango naman si Olivia at pumasok dahil namataan na niya ang propesor. Pilit niyang inalis sa isip ang big issue na sapatos at kinuha ang cellphone para makapagtext kay Clarence.

Olivia: Thank you for the shoes. I liked it.

Matapos maisend ay agadan ang repky nito.

Clarence: So, can we hang out for lunch? My treat.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now