Fifty

1.3K 41 0
                                    

Fifty

Bigla ako nakaramdam ng kaba habang patungo kami sa bahay nila Rio, this is their first time meeting Reil at kinakabahan ako sa mga pu-pwede nilang sabihin saakin.

Napansin siguro ni Rio na kinakabahan ako kaya kinuha niya ang mga kamay ko at hinalikan.

“Kinakabahan ka?” tanong niya, tumango ako.

“Para namang hindi ka sanay na nakikita sila.”

“Kahit na, tinago ko parin kasi sainyo si Reil na which is hindi naman tama.” Napailing iling si Rio.

“No, wala namang mali sa ginawa mo. Masyado lang naman complicated ang lahat kaya ka nagderived sa ganuong konklusyon.” Medyo gumaan ang pakiramdam ko at sinilip si Reil na nakatulog na pala sa likod.

Pinagmasdan ko ang singsing na nakabit sa kamay ko, hindi parin ako makapaniwala on what he do noong nakaraang araw. Pati sila Dad ay hindi nag-expect.

Mga ilang minuto ang nakalipas at nasa gate na kami ng bahay nila, mas lalo akong kinabahan. Ginising na din namin si Reil.

“Mom are we here?” tanong niya saakin habang kinu-kusot kusot pa ang kanyang mga mata. Kumawala ako sa pagkakahawak saakin ni Rio at inayos ko ang buhok niyang nagulo na dahil sa kanyang pagtulog.

“Yep, be respectful Reil. You will be meeting your another Grandma and Grandpa. You’re another relatives sa side ng Dad mo, okay?” tumango tango siya sa sinabi ko. May nagbukas na ng gate kaya tuluyan na kaming nakapasok sa loob, naunang bumaba ng sasakyan si Rio, sumunod ako at huminga kaagad ako ng malalim at hinawakan ang kamay ni Reil.

Sa pintuan palang ay napakalawak na kaagad ang ngiting sinalubong saamin ni Tita Diane at Tito Lhoyd (Parents ni Rio).

“Wow.” Sabi niya ng tuluyan ng makita ako.

“Hi Tita Diane, good morning po.” Bati ko sakanya halos maiyak siya habang niyayakap ako.

“It’s really good to see you, ija. Ang tagal nating hindi nagkita.” Ibinalik ko ang yakap niya at napangiti din.

“You too po.” Sunod kong tiningnan ay si Tito Lhoyd  na halata din ang excitement sa mga mata.

“Hi Tito, it’s really good to see you again.” Sambit ko.

“Me too, ija…” sabay sabay silang napatingin sa batang nagtatago sa likod ni Rio. Nakita ko ang paguunahan ng luha ni Tita Diane ng makita niya ito.

“Is that her?” Tanong niya saamin. Tumango ako. Pinalapit ko si Reil saakin.

“Tita Diane, this is Chessy Reil our daughter” biglang niyakap ni Tita si Reil.

“Omygod, finally my first granddaughter. It’s nice to meet you…” walang mapaglagyan ang kasiyahan niya habang niyayakap si Reil.

“Are you my Grandma?” tanong ni Reil sa kabila ng yakapan nilang dalawa. Tumango tango si Tita at mahigpit na naman itong niyakap.

Pinakawalan na niya ito habang itinatago padin ang bawat luha, sunod naming tiningnan ang nakangiting si Tito.

“Chessy Reil, this is your Grandpa…” isang malawak na ngiti ang ibinigay sakanya ni Reil at hindi nito napigilan ang emosyon kaya binuhat niya ito para magpantay silang dalawa.

“Hi Grandpa… you look like my Dad.” Nagtawanan kaming apat dahil sa sinabi niya.

“Oh yes I am, because he’s from my own blood just like yours come from him.”

Like what she always do, ibinibida na naman ni Reil ang mga Very Good niya sakanila habang ako’y nakamasid sa nagtatawanan na mga magulang ni Rio. Sandali akong nagpaalam upang magpahangin sa labas, hindi ko namalayan na nakasunod na pala saakin si Tita Diane.

“You must be very happy because you have a very nice daughter, ang ayos ng pagpapalaki mo sakanya.” Malambing na sambit niya habang inaabutan ako ng juice.

“Not really Tita, naiisip ko padin kayo. Si Rio.” Napalunok ako.

“It’s okay, ang mahalaga is you learned from all your wrong decision, iyon naman ang mahalaga.” Sabi niya. Tumango tango ako.

“Did you know na noong tumawag saamin si Rio that he has this amazing daughter. We felt that Rio will be more responsible now. His heart burst to open when he’s telling us about you and Reil kaya kami na-excite din na ma-meet kayo.” Nag-ngitian kami ni Tita.

“Alam naman natin kung gaano ka-kahinangaan ni Rio since you were a childhood. Halos hindi na nga umuwi iyon dito when youre around. And noong elementary kayo, punong puno ang kwarto niya ng mga picture mo. You know him, he’s always open when he’s in love, hanggat kaya niya pinapakita niya talaga. Kaya alam ko at naiindihan ko ng malaman niyang may anak na siya at sayo pa. Kami as his parents, we felt like we won a lotto for 100 trillion, ganyan kami kasaya para sakanya. Because finally his dream girl will be with him forever.”

Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak na naman dahil sa mga paguusap naming iyon.

“And seeing him in the entertainment Industry, we were really against all about it. Pero nung sinabi niya kamakailan lang ang reason behind it, we understand, we finally understand. That it was all for you.” Para kaming tanga ni Tita na nagiiyakan habang ngumingiti.

“And seeing both of you, with a ring on your finger. I hope that this moment will be last forever, I mean yes it is. Me, your Tito Lhoyd, your Father and your Mom in heaven will always be proud of both of you.” NIyakap ko si Tita ng napakahigpit.

“And finally kahit hindi pa kayo kasal, I will be giving you a permission to call me Mom, since wala kang Mom na natatawag mong ganyan. You can always lean on me, kapag nahihirapan ka. My daughter.” Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi ni Tita.

Maya-maya ay yumakap na din saamin si Reil at Rio and Tito, we were just doing what they called it, group hug.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now