Twelve

1.3K 48 2
                                    

Rio POV

Hindi mawala ang ngiti ko ng makabalik ako sa Resort, agaw pansin din ang kakaibang tingin saakin ni Liza. Sinalubungan niya ako ng kilay.

"Umamin ka, may nangyare ba?"

"Katulad ng?" pagbabalik ko ng tanong sakanya.

"Malay ko, kaya nga tinatanong kita." sabi niya at tsaka sumama sakanyang asawa para sa iba pang mga bisita.

Naiwan akong magisa sa table habang hindi inaalis ang aking kamay sa aking labi.

Hindi padin ako makapaniwala. Cheska, really kiss me.

....at ang mas hindi ko makaya ay ang mga sinabi niya. She's willing to be my friend. Napapikit ako habang naalala ang mga nangyayare. Hindi siya mawala sa isip ko.

"Nababaliw kana ba?" ani ni Tita. Hindi ko siya napansin.

"Ngumingiti ka mag-isa." dugtong pa niya

"May nangyare ba? Yung babaeng dinala mo, halos magkandarapa ang iba mong pinsan. Siya lang ang bukambibig." Napangiti ako at sinamaan ng tingin ang mga pinsan kong nakatingin saakin sa kabilang table.

"Wala naman po" mahinahong sagot ko.

"Naihatid mo na siya?" napatango na lamang ako bilang pagsagot, Maya-maya ay nagsidatingan ang mga Pinsan ko upang makiusisa kay Cheska.

"She's really gorgeous, Cous. Wag mo ng pakawalan yun." napangiti na lamang ako sa sinabi ni Thunder.

"Ang tanong saiyo ba yun? Balita ko may Girlfriend ka daw." sabi ng isa ko pang Pinsan na si Jack.

"Soon." tipid na sagot ko at isa-isa na naman nila akong inasar. Natapos ang gabing iyon na puro pang-aasar.

Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay na likha ng aking cellphone. Pagtingin ko sa caller ay si Jean kaagad ang bumungad.

Tamad kong sinagot ito.

"Tulog ka pa?" malambing na sambit niya.

"Just woke up" tugon ko at nagunat-unat.

"Pupunta ako ngayon kila Mommy, anong oras nga pala flight mo pabalik?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ou nga pala, ngayon na ang flight ko pabalik ng Manila. Shit. Pero paano si Cheska.

"Uhmmmm"

"Around 4 ba? Sunduin pa ba kita sa Airport?" Napalunok ako.

"Huwag na, baka magstay pa ako dito. Hindi pa natapos kahapon ang meeting ko about sa Lupa."

"Ganun ba?" Bigla akong nakonsensya. I feel guilty.

"Yep."

"Gusto mo ba sumunod ako sayo, chance na din natin ito para makapag bakasyon."

"Hindi na, babalik na din naman ako bukas at diba may trabaho ka pa." sambit ko.

Ako na ata ang halimbawa ng isang lalaking nagtataksil. Napabuntong hininga ako.

"Ok. I'll hang up na. Bye. I Love you." aniya

"Ok." sagot ko at tsaka ko binaba ang tawag.

Matapos nang paguusap naming iyon ay nagtungo na ako sa cr para makapaghilamos.

Isang white na t-shirt lang ang suot ko at tsaka kinuha ang susi ng kotse.

Napangiti kaagad ako ng makita ko si Cheska sa may veranda ng kwarto niya. Ang ganda ganda. Nakita ko pa ang paghikab niya at tsaka napatingin sa kinatatayuan ko.

Kaagad siyang napakusot ng mata pang kompirmahin siguro kung ako ba iyong nakikita niya. Kinawayan ko siya.

"Kanina ka pa diyan?" tanong niya

Dating Rio Lhoyd SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon