Thirty Two

1.1K 35 4
                                    

Thirty Two

Halos maluha ako ng makita ko ang titirhan namin ni Reil dito. Niyakap ko si Dad. At paulit-ulit na nagpasalamat, pati sila Mama at Papa tuwang tuwa din ng makita nila si Reil.
Hindi ako makapaniwala na ang dating bulubunduking daanan namin patungong paraisong iyon ay naipatag ni Dad at ginawang semento, para siguro hindi kami mahirapan na mag-sasakyan. Ang mga dinaraanan namin noon na may mga ilog ay nagkaroon na ng mga bridges. It is really beautiful. Para bang ang da-ang iyon ay ginawa lamang para saaming dalawa ni Reil.

Ang pinaka-gate talaga ng namin ay ang bahay nila Mama, hindi makakapasok ang mga tao sa bahay namin habang hindi sila dumadaan sa Gate nila Mama. Siguro para rin i-secure kami. Hindi ko mapigilang hindi ma-amaze sa pagplanong ginawa ni Dad and lastly halos mapaupo ako sa sobrang pagkamangha na ang dating kubo lamang ay tuluyan ng naging bahay.

It’s a 2 storey home. American style ang house at ang ganda niya. Ibinigay saakin ni Dad ang susi ng bahay ay hinayaan akong tingnan ang loob. Unang bumungad saakin ang Family Picture namin kasama si Mom, pangalawa ay ang picture naming tatlo ni Reil nung kakapanganak ko palang habang umiiyak kaming dalawa.

Hindi ko matimbang kung gaano ako kasaya, all I want to shout out is I have the best Dad ever.

~*~
And time went faster and faster, sa sobrang pagmamahal na ibinibigay ko kay Reil habang lumalaki siya ay ganun din kabilis lumipas ang araw, buwan at taon. I don’t know, maybe becoming Mom will be your best asset to every woman, because finally you can have what you call it yours.

When she was 2 years old, natuto na siyang maglakad. Natuto na siyang mangulit, I am really satisfied na hindi ko inalintana ang problemang meron ako. We were just so happy making our own world together.

When she was  3 years old, that’s the time na halos mapaluha ako when Reil finally call her first word. “Mom.” Halos walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko dahil ang “Mom” na salita noon ay kay Mom ko lang sinasabi but now, I am hearing it directly from my own blood.

And finally, the present is she is now 5 years old. Sinong magaakala na ang iniiyakan ko lang kasing laki lamang ng sapatos ko ay diretso nang magsalita. Marunong ng magdamit, marunong ng maligo mag-isa. Marunong ng magsulat.

I just love this amazing girl in front of me.

“Mom.” Tawag niya saakin.

“Uh,” mahinahong sagot ko. Tanghali na at tinatabihan ko siya sa pagtulog niya.

“When will be going to Granpa Daddy? I miss him na…” sabi niya habang nakayakap saakin.

“Hmmm, I heard he will coming this weekend.” Napangiti ako ng binilang niya ang araw sa malilit na kamay niya.

“But today is Monday, I still have 4 days to see him?” pagmamaktol niya.

“I’ll think about it Reil, sleep ka muna. Maaga pa pasok mo bukas. Magagalit si Teacher, sige ka.” Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at tsaka sinunod ang gusto ko.

Mahigpit niya akong niyakap, hinaplos haplos ko lang ang ulo niya habang natutulog na ito. It’s been 5 years also since we didn’t go to Manila, We are afraid no I am afraid again na baka kapag pumunta kami ni Manila ay makasalubong ko siya lalo na ngayon na ang laki-laki na ng pinagbago ng buhay niya.

He became one of the promising artist here in the Philippines, I don’t know what happen to him pero hindi ako makapaniwala na after namin makalipat dito, pagbukas ko ng TV ay mukha niya kaagad ang bumungad saakin. Kaya pala nasa Billboard ang mukha niya is because naguumpisa na ang pag-boom ng career niya.

And besides, Reil is one of her fans. Omygod. Hindi ko ma-explain kung ano ang nangyayare and ito na ba yung sinasabi ilang “lukso ng dugo” I don’t know.

Gusto kong magtanong kay Raiden or Dad about him pero naduduwag ako sa mga iisipin nila at sasabihin. Napahinga ako ng malalim, sa nakalipas na apat na taon, halos wala akong kagana-gana manuod ng TV because of him, iniiwasan kong magwala ang puso ko kapag nakita ko siya. But for Reil halos sambahin na niya ito, halos ito ang bukambibig niya. Pati kay Dad nasasabi niya, nagkakatinginan nalang kami Dad dahil roon. Si Raiden naman ay napapaiwas nalang ng tingin.

What was I supposed to do?

I sighed deeply again.

Nang maramdaman kong tulog na siya ay niligpit ko na muna ang mga uniform niya na nagkalat, pati ang bag niya na inilapag niya lang sa sahig.

Nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng merienda niya, naabutan ko pa si Mama doon na kakarating lang.

“Kamusta school niya?” pambungad na tanong niya saakin.

“Okay naman po, kakatulog lang Ma. Para madaling gisingin tomorrow.” Sagot ko. May inilapag siyang bagong pitas na saging. Tiningnan ko lang ito ng may pagtataka.

“Alam mo ba yung Bananaque?” aniya. Napailing-iling ako.

“Sige tuturuan kita, for sure magugustuhan ito ni Reil.” Napangiti ako sa sinabi ni Mama.

Sa limang taon naming pamamalagi dito ay halos alam ko na lahat ng mga pagkaing Pinoy, Mama was the best chief, halos lahat ng alam niyang lutong bahay ay itinuro niya saakin. Kaya naaliw din ako. They are the best in terms of teaching me na maging Ina. Pakiramdam ko nga since I don’t have mother na magtuturo saakin, sila Mama ang nagparamdam saakin na hindi nagkulang si Mom saakin. And I am thankful for that.

Bukod sa pagaalaga kay Reil ay naaliw ako kung paano maging totoong Ina. And Mama was the only one taught me all about it.

Alas kwatro ng matapos kami sa ginagawa namin, sakto din na pababa na ang aking bagong gising na anak.

“Hi Lola.” Bati niya kay Mama.

“Hi Baby, nakatulog ka ba ng maayos?.”

“Yes po.” Aktibong sagot niya. BInuhat niya si Reil ngunit dahil sa sobrang bigat ay naglakad nalang silang dalawa. Natawa ako.

“May hinanda si Mom mo para sayo…”

“Yup, I know po.” Sagot niya. Naaliw kami ni Mama habang kumakain at nakikinig ng mga kwento niya about sa school, about sa kaklase niya na inaasar siya at sa kaklase niya na may gusto daw sakanya. Tumingin ulit saakin si Reil.

“Mom, when are we going to see Granpa Daddy? I already sleep na.”
“I’m not yet done thinking, Reil.” Napasimangot siya at uminom ng tubig.

“But It’s almost 2 weeks since I see my Granpa Daddy.” Nagkatinginan kami ni Mama.

“Meron ka namang Lolo dito, pwede-”

“No. I want my grandpa Daddy.” Aniya at nagmaktol na ng tuluyan. Tumakbo siya palabas ng bahay.

“Reil, Reil come here. Reil.” Halos sabay kaming napahinga ng malalim ni Mama at ininguso ang pinaglabasan ng nagmamaktol na si Reil.

“Sundan mo na, baka kung saan na naman magpunta yun.” Aniya. Sinunod ko ang gusto ni Mama. Nakita ko si Reil na nagmamaktol sa benches na kung saan nakatapat ito sa papalubog na araw. Binuhat ko siya at inupo sa lap ko.

“Hmmm, huwag na magtampo ang baby ko. Okay, okay. I promise you na this weekend we will going to your Grandpa Daddy. Is that okay?” biglang nagliwanag ang ngiti niiya at hinalikan ako.

“Sure?” tumango ako.

“Yey….”

“But make sure that you’re going to get a very good stamp para may maipakita kay Grandpa Daddy, okay?”

“Promise!” nakalahad pa ang pinky promise niya, nakangiti ko nalang na tinanggap iyon at niyakap siya ng mahigpit.

“I love you…” bulong ko sakanya.

“I love you too MOMMYYYY” sigaw niya. Pareho kaming naghalakhakan at sabay na pinagmasdan ang papalubog na araw.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now