Nine

1.3K 40 3
                                    

Nine

Rio POV

Kaagad akong nagtalukbong ng kumot ng marinig ko ang ingay sa loob ng kwarto. Sino na naman kaya iyong nanggigising saakin ng napakaaga. Tamad akong nagtungo sa pinto at pinagbuksan ito.

Nakangiting si Liza kaagad ang sumalubong saakin. Tamad akong pumasok sa kwarto habang nakasunod naman siya saakin.

"Ang aga-aga Liza." inaantok na sambit ko.

"Hindi na maaga, tirik na tirik na ang araw at nakahiga ka parin diyan."

Kinuha ko cellphone ko na nakapatong sa table at umupo sa kama. Kaagad nanlaki ang mata ko dahil sa dami ng misscall galing saaking secretary.

"Sir, kanina pa po naghihintay sa Lobby ng Hotel mo ang may-ari ng lupang bibilhin mo" text niya.

Nataranta ako. Halos maihagis ko ang cellphone dahil hindi ko alam kung maliligo pa ba ako o babain ko na kaagad iyon.

"Bakit hindi ka mapakali diyan?" ani ni Liza na kanina pa pala nakatingin sa ginagawa ko.

"I'm late. Nakalimutan kong may imemeet pala ako ng 10. Wait!" sambit ko habang mabilis na nagtungo sa CR.

Naririnig ko pa ang mga pagalit niya habang nasa cr ako. Pagkatapos ko e, wala na siya baka nagaayos na iyon. Nagiwan lang siya ng note sa kama.

"Uuna na ako, see you mamaya 3pm. Maghanap ka ng date kung ayaw mong makatikim saakin. Bye. Wish me luck :)"

Napangiti na lamang ako at tsaka namili ng susuotin, isang casual na damit lang ang suot ko, ngayon ko lang din napansin na nakahanda narin pala ang susuotin ko mamaya. Si Liza talaga.

Pagkababa ko sa Lobby ay agad ko kaagad hinanap ang ime-meet ko, base sa description ng aking secretary medyo may edad na daw ito. Nilinga linga ko siya meron akong nakita doon na mukhang kanina pa inip na inip. Mukhang ito na iyong katatagpuin ko.

Napatingin siya saakin at ngumiti. Ngumiti din ako at tsaka nagpakilala. Magaan ang naging paguusap namin ni Mr. Hernandez, ilang beses din ako humingi ng paumanhin sa halos dalawang oras niyang paghihintay saakin. Matapos ng paguusap namin ay naglibot libot muna ako sa kabuuan ng Hotel since hindi ko naman ito nalibot kagabi sa pagod.

Ilang oras na lang at maguumpisa na ang kasal ni Liza pero wala padin akong nakikitang ipapartner ko. Ilang beses na din akong napapabuntong hininga.

Sinubukan kong pumunta sa dalampasigan at nagbabakasakaling may magustuhan akong babae na pupwede kong yayain sa kasal kaso biglang tumigil ang mundo ko ng makita ko si Cheska na naglalakad papunta sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito o kung nakita ba niya ako? All I know is dininig na ng Diyos ang panalangin ko.

Sa pagtuwid ng mga mata niya ay alam kong nagtama ang mga mata namin. Lumapit ako ngunit mabilis niyang iniyuko ang mga mata niya saakin.

"Ches" tawag ko ng pangalan niya

"Cheska" halos mabasag na ang boses ko sa kaba habang tinatawag ang pangalan niya. Hindi ko mabasa ang nilalabas niyang emosyon ang hirap basahin.

"Dito lang pala kita makikita, I thought pupuntahan pa kita kila Lola mo bago ka makita" pampasigla ko ng mood niya. Naging cluless ang reaksyon niya at bigla akong nailang sa sinasabi ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko na ipinagpapasalamat ko dahil kung hindi nangyare iyon ay baka kanina pa ako patay sa mga titig niya.

"Kuya Rio where are you, ready kana ba?"

"Hindi pa."

"What?" kaagad kong inilayo ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Ano pang ginagawa mo, magbihis kana. At yung kasama mo nakahanap kana ba?" tanong niya.

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now