One

2.2K 59 6
                                    

One

Masaya kaming lumabas ni Dad sa loob ng Airport, ginulo niya ang buhok ko at malawak na ngumiti.

"Finally my baby is healed. You can now do what you want." aniya. Ngumiti ako kay Dad at tumango.

Finally... Inabot kami ng 2 years sa States dahil gusto ni Dad na maka-recover ako ng tuluyan. Ayaw niyang pati ako mawala din sakanya. Nagpapasalamat ako kay Dad dahil hindi siya sumuko saakin.

Dumating ang sasakyan namin, naupo  siya sa tabi ng driver habang kinuha kaagad ang mga papeles na nakatago sa loob ng sasakyan.

"Dumiretso kana Cheska sa bahay, dadaan muna ako sa office" aniya.

"Pero pagod ka pa Dad. Sumama kana lang din saakin sa bahay"

Tiningnan niya ako ng masama... "Sino ba saatin ang 2 years na nasa hospital?"

Napaismid ako. "Ako Dad"

"Then sino ang mas kailangan ng pahinga?"

"Ako po" nakayukong utas ko. Napangiti na lang si Dad sa naging reaksyon ko. Nang makarating kami sa tapat ng company ay mabilis na bumaba si Dad, nag bye lang siya saakin at dali-daling pinaalis ang sasakyan. Napahinga ako ng malalim.

"Kuya..." mabilis akong tiningnan ni Kuya gamit ang side mirror.

"Pwede bang diretso tayo sa sementeryo?"

"Po, pero sabi po ng Dad niyo iuwi na daw po kita"

"Please, hindi naman malalaman ni Dad. Sandali lang ako, may bibisitahin lang." Napakamot ng ulo si Kuya at pumayag na din sa gusto kong mangyare.

Masaya akong lumabas sa sasakyan habang may hawak na dalawang boquet of Roses.

Una kong pinuntahan si Mommy, naupo ako at nilinis ang mga dumi na naruon. Inilapag ko rin ang isang Boquet na bitbit ko.

"Hi Mom" napangiti ako. "Pasensya kana kung inabot ng dalawang taon ang pagpunta ko ulit sayo but Im very happy to tell you na magaling na ako. Yung dating malungkot na ako, I change that Mom at alam kong masaya ka para saakin."

Nanatili ako ng ilang minuto roon at tsaka nagdesisyong umalis doon.

"Sigurado akong pupunta at dadalawin ka rin ni Dad mamaya kaya huwag mo akong masyadong mami-miss"

Ilang hakbang pa ako bago makarating sa susunod kong pagbibgyan ng boquet. Napangiti ako roon, mukhang kakagaling lang ni Pinsan dito, may bagong boquet at sobrang linis ng puntod ni Sharla. Inilapag ko ang roses at napangiti.

"Hi Sharla, its been a year simula ng iwan mo kami. Kamusta kana diyan? Im glad to say na okay na ako. Thank you for your prayer, at ngayong bumalik na ako. I change my mind, gusto ko ng maranasan ang mga hindi ko naranasan dahil sa kaduwagan ko. Please guide me at sabihin mo rin kay Mom na we love her so much."
~*~

"Iuuwi na po kita Ma'am ah" sambit saakin ni Kuya Dirver.

"Sige po." umidlip na ako buong byahe. Ginising na lamang ako ni Kuya ng nasa tapat na kami ng bahay, masaya akong binati ni Manang...

"Welcome back Ms. Cheska" nakangiting sambit niya saakin.

Napangiti ako ng malapad at niyakap siya. "I miss you Manang"

"I Miss you too. Kumain ka muna bago magpahinga, tumawag saakin ang Dad mo pakainin daw muna kita" masigla akong tumango sa sinabi niya at agaran kaming pumunta sa Dining Table. Nagulat ako ng makita ang mga inihanda ni Manang.

"May fiesta ba dito?" nagbibirong tanong ko.

"Gusto lang kita ipagluto, natutuwa ako na magaling kana." Binigyan ko ng kakaibang ngiti si Manang at naupo para kumain.

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now