Forty Two

1.2K 37 0
                                    

Forty Two

“Granpa Daddy” malayo palang si Dad ay sinalubong kaagad siya ni Reil ng mahigpit na yakap. Napahalukipkip lang ako habang nakamasid sakanila.

“Hi Dad” bati ko sakanya. Ngumiti siya sa akin at pinaghahalikan si Reil. Hinayaan ko silang maglaro habang bumalik ako sa aking pagluluto. Nagpaalam na din saamin kanina si Rio, babalik na daw ito mamaya. Kailangan niya rin daw makausap si Dad.

Maya-maya ay dumating nga nga ito, ang dami niyang bitbit na pagkain, cake, ice cream, cupcakes na puro pambata. Sinigurado niya talagang magugustuhan ni Reil ang mga dala niya.

Napaubo si Dad at hinayaan munang maglaro at makisali saakin si Reil. Lumabas silang dalawa ni Rio at naupo sa benches sa labas ng bahay. Bigla akong kinabahan.

Hindi ko ganuon ka ma-focus ang sarili ko sa pagluluto dahil panay ang sulyap ko sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko kasi ano mang oras magpapatayan silang dalawa, pero wala akong nakita’ng ganun. Bumalik sila ng nakangiti sa harap ko, naging palagay na din ang loob ni Dad kay Rio.

Iyon lang iyon? Nageexpect ako na mumurahin niya si Rio but No! Tahimik ko silang pinagmamasdan na dalawa, kalong ni Dad si Reil at sinusubuan habang si Rio naman ay komportableng-komportableng kumakain.

Nagtama ang mga tingin naming dalawa ni Rio, muntik na akong mabilaukan dahil sa biglang pagkindat niya saakin. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan and deep inside kinilig ako.

Sinubukan kong hindi na ulit tumingin sakanya dahil kapag nagtama ulit ang tingin namin ay baka tuluyan na akong mabilaukan.

After naming kumain ay nagligpit na ako, nagpaalam na din si Dad na dadalhin niya muna sa kwarto si Reil. Napalunok ako dahil maiiwan ako sa lalaking ito.

Para kaming walang anak sa nadarama ko.

Nagsimula na siyang lumapit saakin, kinabog ng sobra ang dibdib ko.

“T-Tulungan na kita?”

“H-Hindi na.” sambit ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagiging utal utal ko.

“Are you not curious about what your Dad said to me?” nakuha niya ang atensyon ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Mapanukso siyang tumingin saakin kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko at ifinocus sa paghuhugas. Hinayaan ko siyang pagpantasyan ako, matatapos na ako sa paglilinis ng makagat ko ang labi ko dahil hindi ko maabot ang cabinet na lalagyan ko ng mga tuyo ng plato.

Naramdaman ko ang bigla niyang pagsulpot sa likod ko at nakangiting kinuha ang hawak ko at matiwasay na nilagay doon. Napalunok ako dahil pwersahan niya akong hinarap sakanya.

“I ask her permission to be with you again.” Bulong niya saakin ng mapang-akit.

Hindi ko mabilang kung nakakailang buntong hininga ako habang nakatitig sa mapupungaw niyang mga mata.

“And?” tanong ko

“And he said, only if you want me to.” Sinakop niya ang aking katawan at mapanuksong hinalikan aking aking noo.

Napahinga ako ng malalim at hinila siya paalis doon. Sabay kaming naupo sa bench habang nakatanaw sa papalubog na araw at habang nilalasap ang napakasariwang hangin.

“M-Marami ka pang hindi nalalaman saakin, Rio.” Panimula ko sakanya.

“Like?” ang lambing ng boses niya.

“About what really happened noong High School, about what happen 5 years ago. What is the real reason kung bakit ako paulit-ulit na lumalayo sayo.” Kumunot noo siya sa sinasabi ko.

Nagpakawala ako ng hangin habang nakatingin sa tanawin.

“You know my Mom right?” tumango siya. “She is suffering from a brain tumor since they got married with my Dad. At ang swerte ko dahil namana ko ang sakit na iyon.” Hindi ko magawang tumingin sakanya. “High School tayo ng malaman ko ang lahat, that’s why I was rude to all of you para lumayo kayo saakin but masyado kang attach saakin kaya gumawa ako ng paraan para tuluyan mo akong makalimutan, that’s why nag-hire ako ng fake boyfriend para lang tigilan mo ako. I keep doubting about the medication, pero pilit akong pinipilit ni Dad. Kaya paulit-ulit ang labas namin ng bansa because of the schedule operation. And then Finally, I came back again, that was 5 years ago. But I fail again, sinubukan kong i-approach kayo ulit, sinubukan mag work ang lahat. Pero ang hirap kasi may mga sarili na kayong mundo, You, you’ve got a new girlfriend.” Tiningnan ko ang siya, ngunit nakikinig lang ito saakin .

“And I swear, pinigilan ko ang lahat. But this heart of mine doesn’t want to stop when I see you. Kaya siguro nabuo si Reil dahil doon.” Nagtama ang mga mata naming, ngumiti ako.

“And then ikaw, pinarealize mo na naman saakin na mali ang timing ko. Mali tayo because you want me to stay away from you dahil alam mong buntis si Jean at ikaw ang ama. Nakakatawa lang diba?”
Napatingin ako sa tala upang pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.

“But you know what? The real reason is I am scared Rio … Siguro ginagawa ko nalang excuses ang pagbubuntis ni Jean pero what scared me the most is ang isiping baka mawala ako sayo at matulad ka sa Dad ko.” Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata ko. Hindi ko na kayang pigilan pa.

“Alam natin Rio, kung gaano kamahal ni Dad si Mom.” Hinawakan niya ang kamay ko.

“And knowing na baka bumalik ang sakit ko, knowing na makita mo akong nahihirapan. It triggered me, that’s why I choose to let you go.”

Iniwas ko ang mga tingin ko sakanya.

“Nakikita ko na kasi sa mga mata mo ang pagmamahal ni Dad kay Mom. Ayokong maging ganun ka, tama nang nakikita ko si Dad, nakikita ko ang paghihirap niya, nakikita ko ang bawat luha sa mata niya habang dinadalaw ang puntod ni Mom, tama na yun. Hindi ko kayang tingnan na  nagtitiis  ang dalawang pinakamamahal ko para lamang mabuhay. I don’t want that.”

Niyakap niya ako ng napakahigpit.

“But your Dad is fine…” napailing iling ako.

“No, he’s not. I am the only one who can read my Dads emotion, alam ko kung gaano na niya gustong sundan si Mom pero dahil sa nandito ako, hindi niya magawa. Ayokong maramdaman mo yun, gusto ko mabuhay ka habang nabubuhay ako. Gustong ngumingiti ka habang nakamasid saamin, saakin. Gusto kong sabay nating tinitingnan ang bawat paglaki ni Reil. Ayokong maiwan at iwan kang mag-isa. I am afraid.”
Hinawakan ko ang mukha niya habang patuloy niyang pinupunasan ang luha sa mga mata ko.

“Ngayon, tatanggapin mo parin ba ako?” Walang alinlangan siyang tumango sa sinabi ko. Hindi nagdadalawang isip.

“The first time I saw you Ches, that was also that time that I am so sure about you. No matter what happens, I will always choose you over everything.” Mas lalong nangibabaw ang mga hikbi ko. Mas lalo akong napaiyak dahil sa mga sinasabi niya.

“You’re Dad, I know hindi man niya pinapakita sayo. Alam kong masayang masaya siya dahil kahit na wala na ang Mom mo, ikaw at si Reil ang nagbibigay rason kung bakit pa niya gustong mabuhay and I want that Love, because that is eternal.”

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now