Sixteen

1.1K 40 0
                                    

Sixteen

RIO POV

Naramdaman ko ang panlalamig niya habang pabalik na kami sa bahay nila. Hindi ako makapagsalita dahil alam kong mali naman talaga ang ginawa ko. Kanina pa ako sulyap ng sulyap sakanya ngunit ang lalim lalim ng mga iniisip niya at kinabahan ako kapag ganyan siya. Pumapasok na naman sa isip ko ang thought na “baka umalis na naman siya?”

Habang papalapit na kami ng papalapit sa bahay nila ay tuluyan na akong naglakas loob na magsalita.

"I'm sorry for what I did earlier.” Sambit ko.

Tiningnan niya lang ako at ibinalik ang paningin sa daanan. Napahinga ako ng malalim.

Wala siyang sali-salita habang nasa tapat na kami ng bahay nila. Tiningnan niya lang ako sandali at lumabas na ngunit may pahabol lang siyang sinabi bago ito tuluyang naglaho.

"Make sure na uuwi kana bukas" aniya at nilamon na siya ng bahay nila. Hinampas ko ang manibela ko dahil sa frustration, pinapauwi na niya ako pero hindi pa nga kami nagiging okay.

Napasulyap ako sa kwarto niyang nagkaroon na ng ilaw.

Papaano ako uuwi ng Manila kung ganyan ang pinapakita mo saakin? at papaano ako makakasiguro na pagbalik mo ng Manila ay okay tayo?

Hindi mo ba alam na ang hirap hirap mong basahin. Napahinga ako ng malalim at tsaka umalis sa tapat ng bahay niya.

Bigo akong umuwi ng Hotel, sinalubong pa ako ng iba kong pinsan ngunit dinaanan ko lamang sila. Didiretso na dapat ako ng Bar ng magsalubong ang kilay ko ng makita ko si Jasper sa may Reception Area.

"Ang tagal mo." salubong niya kaagad saakin.

"Bakit ka nandito?" Nagsalubong ang kilay ko sakanya.

"I need to someone to talk to." sagot niya.

"At talagang pumunta ka pa dito? Si Jel o si Raiden?"

Napairap siya sa kawalan at lumapit saakin. "Theyre busy." sagot niya at hinila na ako patungo sa Bar ng Hotel na ito.

"Hindi mo man lang ba ako pagpapalitin?" hindi niya ako pinakinggan kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa Bar ng naka tshirt at short lamang.

Nagtuloy tuloy siya sa Bar Counter at umorder ng Beer naming dalawa. Mukhang may problema talaga itong lalaking ito.

Tumingin siya saakin in a frustration look.

"What? I thought you need someone to talk to. Magsalita kana" Nagdadalawang isip pa siya sa sasabihin niya.

Itinungga ko ang alak na hawak ko at tumingin sakanya.

"I am dating an ordinary Woman base on my Grandfathers last will and testament."

Napangisi ako sa sinabi niya. "Then date her..." sagot ko.

"No its not about that, I also need to marry her." napatingin ako sakanya.

"Then mas lalong sisiw lang yan sayo. Magnet ka ng mga babae diba?"

Frustrated siyang inilihis ang mga paningin niya saakin. "You are not getting my point."

"Then ano pala?"

Tiningnan niya ako ng tititigan.

"This girl didn't even have an interest in me." natawa ako sa sinabi niya.

"Really? Meron ng babaeng hindi nagka interes sayo? Sino ba yan, maligawan nga." pangaasar ko pa lalo. Sinasamaan niya lamang ako ng tingin.

"Chillax, then gawin mo ang paraan para magka-interes siya sayo. Ikaw pa ba?" ti-nap ko ang balikat niya upang palakasin ang loob nito.

Katahimikan na naman ang bumalot saaming dalawa ng mapansin niyang ngumingisi ako magisa.

"Why are you smiling?" wala sa loob na sambit niya.

Tiningnan ko siya at habang mas lalong lumawak ang ngiting inilalabas ng labi ko. "What? Huwag mo ngang gagawin yan. Its creepy."

Tinungga ko ang alak na nasa harap ko at seryosong tumingin sakanya.

"Did you know that Cheska is here in Surigao?" kaagad nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Really akala ko umalis na naman." aniya. Napailing iling ako.

"And we've been together for 4 days na." Mas lalong hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Natiis ka ni Cheska?" Nakakaloko ko siyang pinaningkitan ng mata. Samantalang siya ay walang tigil lamang sa pag-ngisi at pangaasar.

"Seryoso, what happen between the two of you at ganyan ang mga ngiti mo?" tanong niya saakin.

Napainom ako at seryosong tumingin saakin. "She kissed me..." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"And I kissed her too..." kaagad siyang napainom ng alak na hawak niya.

"And she even offer to become my friends."

"At pumayag ka?" tanong niya.

"Of course, of all people kayo ang mas nakakaalam kung gaano ako kasabik na makasama siya and the heaven is on me now. Pakakawalan ko pa ba?"

Tinapik tapik niya ang balikat ko.

"How about Jean? Are you prepared to hurt her?" bigla akong natagilan sa paginom at seryosong tiningnan siya.

"I dont know. All I want now is to be with her." naramdaman ko na naman ang pagtapik niya sa aking balikat.

"Settle it first Rio, huwag mo ng patagalin. Im sure ganyan din ang gusto ni Cheska para sayo."

Napatitig na lamang ako sa basong hawak ko habang hindi mabilang kung nakakailang beer na itong katabi ko.

Nawalan na ako ng gana sa pag inom at inalalayan ko na lamang ang lasing na lasing na si Jasper sa kanyang Hotel Room.

Pagod kong inilapag siya sa kama niya at bumalik na sa kwarto ko. Medyo nawala na ang pagkalasing ko kaya nagtungo ako sa cr upang makapaglinis ng katawan.

Ang laman lang ng isip ko habang nasa loob ng shower ay ang nakangiti niyang mukha kanina.

Kasabay ng pagiingay ng bawat pagbagsak ng tubig ay ang pagkabog ng puso ko.

Nakatapis lang akong lumabas ng banyo at naupo sa kama. Kinuha ko ang phone kong ang unang bumungad ay ang litrato niya kanina.

Ilang minuto akong napapangiti habang tinititigan ang kabuuan niya.

Nawala ang litrato niya sa screen ko nang biglang mag pop-up ang pangalan ni Jane sa screen.

She's calling.

Huminga ako ng malalim bago sinagot ito.

"Where are you?" malambing na sambit niya.

"Room."

"Kailan ka uuwi?" Napapikit ako sa tanong niya.

"I dont know."

"Hindi ka padin tapos?" nakagat ko ang aking labi dahil sa mga pagsisinungaling ko sakanya. She doesn't deserve it.

"Jean, w-we need to talk." panimula ko ng usapan naming dalawa.

"Para saan?"

"About us-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko sa kabilang linya ang pagtawag sa pangalan niya.

"Wait lang babe, tinatawag ako ni Mom. Gonna call you tomorrow. Goodnight. I Love you." Napahinga ako ng malalim at ibinaba na ang tawag.

Napatitig ulit ako sa screen ng aking phone.

Can I really hurt her because of you?

Am I choosing the right one?

Napapikit ako at napalunok sa bawat titig na binibigay mo saakin.

But it was you Cheska, I know all my decision will always be right and correct. Because It is you.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now