Fourteen

1.2K 40 0
                                    

Fourteen

Maaga ako nagising kinabukasan at naabutan ko pa sila Mama at Papa na nagaayos sa kanilang pag alis.

"Saan kayo Ma?" Tanong ko habang nasa hapag.

"Sa bukirin, may titingnan lang ang Papa mo." Sagot nito. Napatango ako sa sinabi niya at nagtingin tingin ng mga tourist spot dito sa Surigao Del Norte saaking phone.

"Ikaw?" Balik niyang tanong saakin.

"Uh, naghahanap pa po." Sagot ko. Nagpalam na silang dalawa saakin kaya itinutok ko na lamang ang atensyon ko sa paghahanap ng ma-gagalaan sa Phone.

Busy ang lahat ng tao samantalang nakaupo lang ako. I miss working.

Maya maya ay may nag doorbell, ngumunguya pa ako habang pinagbuksan ito, kaagad na lumapad ang ngiti ko ng makita ko si Tito Ericko at ang asawa niya.

Niyakap ako ng mahigpit ni Tita. "Miss you. Hanggang kailan ka dito?" Tnong nito saakin.

"1month po." Sagot ko. Iginaya ko na sila sa kusina para mkasabay na sila sa pagkain saakin.

Nakangiti lamang ako habang nakikinig sa mga kwento nila, madami din silang ibinigay na mga tourist spot saakin. Ngunit wala ni isa sakanila ang pwedeng samahan ako.

Busy daw sila sa kani-kanilang mg trabaho. Maya maya ay may nag doorbell na naman. Si Tito Ericko na ang nagbukas at napanganga na naman ako ng nasa harap ko na naman siya.

Binati niya pa si Tito Ericko na pinaniningkitan lamang siya ng mga mata.

Bumulong saakin si Tita. "Boyfriend mo?" Napailing iling ako.

"Hindi po. Kaibigan ko lang." Sagot ko.

Ibinalik ni Tita ang sarili niya sa pagkain habng tiningnan niya lang ako ng "hindi ako naniniwala" look.

Tumabi sa tabi ko si Rio at inagawan ng pwesto si Tito Ericko. Nakakaloko lang kaming tiningnan nung dalawang mag-asawa habang hindi mawala wala ang tingin nitong lalaking ito.

Siniko ko siya. "Akala ko ba uuwi kana?"

"Did you forget?" Napatingin ako sakanya. "I'm a violator in terms of you."

Sinubuan ko nalang siya ng tinapay sa pag ngiti ngiti niya.

Iniwan ko lamang sila sa Sala at nag-ayos na para pag-gagala ko ngayon. Mukhang ini-interview ni Tito Ericko si Rio sa baba.

Pagbaba ako ay may dala lamang akong sholder bag na pang summer, pinaglalagay ko doon ang mga gamit kong gagamitin para sa Falls.

"Lets go..." sani ko sakanya.

Nginitian lamang ako nila Tito at tsaka kami pumasok sa loob ng sasakyan niya.

"Where are we going?" Tanong niya .

"Tugunan Falls" sambit ko. Ise-net up ko ang gps ng phone ko para sakanya. Since pareho kaming taga Maynila for sure walang may alam saaming dalawa nung sinasabi nila Tita.

Habang nasa byahe ay panay ang sulyap ko sakanya.

"Why?" Madiing sambit niya.

Napabuntong hininga ako. "Ako na naman ba ang ginawa mong rason ngayong araw na ito?"

Ngumiti lang siya at binigyan ako ng nakakatunaw na ngiti. "Secret."

"Ano nga?"

"Hmmm, dealing with the land pa rin." Sagot niya. Napalihis ang atensyon ko sakanya.

"Tomorrow make sure na uuwi kana."

Dating Rio Lhoyd Salazarजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें