Thirty Nine

1.2K 36 7
                                    

Thirty Nine

Nang sumapit ang hapon ay nawala na ang ulan, pinakiramdaman ko na lamang sa palad ko ang iilang butil na natitira saaming bubong. Nakatulog na din si Reil.
Napahalukipkip ako habang nakasandal sa pintuan ng bahay. Sumandal na din si Rio saakin habang nakapamulsa at hindi mawala-wala ang ngiting pinupukol niya saakin.

“Bakit?” tanong ko sakanya.

“Nothing” sagot niya. Iniwas ko kaagad ang paningin ko sakanya at pinagmasdan ang napakagandang paligid. Ramdam na ramdam ko parin ang bawat titig niya.

“We’ve been staying here for 5 years already.” Wala sa loob na sambit ko.

“Natatandaan mo pa ba ang lugar na ito?” nagtama ang paningin namin habang tinatanong ito sakanya.

“Of course.” Kaagad akong umiwas ng tingin at nagtungo sa kusina.

“Coffee?” alok ko sakanya.

“Sure.” Aniya.  Nakasunod lang siya saakin na animoy buntot ko.

“Thank you, Ches.” Ika niya habang nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng coffee.

“For?”

“For raising Reil as a very bright person and for telling me everything.” Napangiti ako.

“You deserve it Rio, and she deserve it too.” Ibinigay ko na ang kapeng hawak ko sakanya. Naupo ako sa Sala at ganun din ang ginawa niya. Kalmado lang akong umiinom ng kape ngunit para bang may gusto siyang sabihin ngunit umuurong ang pwet niya, nagtataka na akong tinitingnan siya.

“Why? Pangit ba lasa?” tanong ko, nagbabakasakaling sa kape ko iyon kaya siya ganyan.

“Nope. Ches.” Tawag niya ulit ng pansin saakin.

Kinunutan ko na siya ng noo. “Ano yun? Sabihin mo na.” inilapag ko ang kapeng hawak ko at ganun din ang ginawa niya. Isinakop niya ang kanyang dalawang palad at sumeryoso ng tingin saakin.

“Ches, actually about Jean” itinago ko ang aking labi dahil sa panimula niya.

“Uh…” hindi niya masimulan. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na pinakalma ito.

“Don’t be nervous, alam ko na ang lahat. Gusto ko lang marinig mula sayo ang sasabihin mo.” Kaagad nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.

“Did you know?” tumango ako.

“1 week ago, g-gusto ko sanang tawagan ka about it pero basag ang phone ko dahil sa galit ng malaman ko ang lahat. And I’ve been trying to go to Manila para sabihin sayo personally, pero ayokong i-risk ang masamang panahon.”

Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa kanyang dibdib dahil sa sinabi ko.

“Believe me or not, I’ve been trying to contact you ever since I know the truth pero mas lalo kang inilayo saakin ng Dad mo even Raiden. Hindi ko alam kung anong nangyare pero wala akong nagawa. Every night since you said goodbye, halos gabi gabi akong nasa tapat ng bahay niyo para lang makita ka at nagbabakasakaling naruon ka. Pero wala, wala akong makitang bakas mo o ng Dad mo.” Frustrated na sambit niya. Nakita ko ang biglaan niyang pagluhod sa harap ko.

“You know ever since, I will always love you Ches at hanggang ngayon hindi nagbabago iyon. I will always choose you. Kaya I’m sorry if I am selfish at masyado kang nasaktan sa pagmamahal na ibinibigay ko. I’m sorry if all my decision made you to a person na halos hindi mo na makilala ang sarili mo. I am deeply sorry Cheska.” Ipinilit ko siyang itayo, ngunit ayaw niya.

“Marami pa akong gustong sabihin sayo, to tell you honestly I’ve always been prepared to this day na sa oras na makaharap kita, yung pinapraktis ko sa limang taon na nobelang paghingi lamang ng tawad ay masabi ko. But now that you are here in front of me. All my script were gone, bumabuktot ang dila ko. Bumabaluktot ang puso ko dahil I am so happy to see you like this.” Bigla ng kumawala ang mga luhang bumabagtas sa mata ko. Hindi ko na napigilan. Hindi niya na rin napigilan.

Hindi ko alam kung ilang beses pa ba kami sa araw na ito iiyak but damn, hindi na ata mauubos ang luha sa mata ko. Hindi na ata mapapagod na magluha ang mga mata ko.

Nakaluhod parin siya sa harap ko. Pinikit ko ang mata ko at tinanggap lahat ng iyon. I hug him tightly.

“It’s okay, Rio. Okay na ako. The moment that I gave birth to your child, pinatawad na din kita. I was just so happy na makita ko siya. And I am always being thankful because that was your blood, it is our blood.”

Nagtama ang mga mata naming dalawa at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa labi ko, sinakop niya ang mukha ko ngunit maagap akong lumayo at napatayo.

Napalunok ako at napailing-iling.

“We were moving too fast Rio.”

“I’m sorry.” Sambit niya.

“No, its okay.”

Pinilit kong pinakalma ang dibdib ko at hinilot hilot ito. Tumalikod ako sakanya.

“Maybe I should go…” kaagad kumunot ang noo ko.

“Sa?” nagtatakang tanong ko

“Hotel, I will be staying in hotel for the meantime, like the old times.” Napatango tango na lamang ako sa sinabi niya at pinagmasdan siyang maglakad palabas ng bahay.

“Can I come here tonight? Just to say goodnight to you and Reil?” Napaisip pa ako at ngumiti. Nag-okay sign ako sakanya bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.

Kaagad kong sinarado ang pintuan at napasandal dito.

What just happen, para akong teenager dahil sa nararamdaman ko. Nagligpit lamang ako sa sala at umaykat na sa kwarto para tabihan ang aking prinsesa. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Sa pagpikit ng aking mga mata ay naalala at pumapasok na naman ang itsura niya kanina habang humihingi ng tawad. Inalala ko ulit ang mga sinabi niya saakin at ang muntik na niyang paghalik saakin.

Hindi ko mapigilang hindi maghurmitado ang aking dibdib kahit ala-ala na lamang iyon.

I just hope that this time will be in us, Rio.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now