Thirty

1.1K 37 1
                                    

Thirty

Nagkatinginan kami ni Dad habang ginugulo ni Reil ang mga gamit na ine-empake ko.

"Dad please, hawakan mo muna siya." Pagmamaka-awa ko sakanya. Wala siyang nagawa kundi buhatin ang isang taong gulang na si Reil. Inilabas niya muna ito sa kwarto ko upang makapaghanda na ako. Tinutulungan na din ako ni Manang Josie sa pageempake kaya medyo hindi ako nahihirapan.

Kinuha ko ang mga mahahalagang kailangan pabalik ng Manila, it's been 2 years since we left Philippines and I know kung gaano kahigpit ang Airport dito sa U.S mas lalo na sa mga papeles ni Reil. Lumabas muna ako ng kwarto at hinanap si Dad, for sure baka hindi pa niya naasikaso ang passport niya.

"Dad..." tawag ko ng pansin sakanya habang nilalaro si Reil.

"Yes."

"Your passport, para hindi na tayo mahirapan bukas. Remember, tumatanda kana. Nagiging makakalimutin kana." Sinamaan niya ako ng tingin at ininguso ang Office Room niya.

Dali-dali akong nagtungo sa Office niya at kinuha ang naka-ready na na papeles ni Dad. Bumalik ako sa kwarto ko at inayos ulit ang mga gamit namin. After ilang minutes ay medyo nakakahinga na ako ng maluwag. Kinuha ko na si Reil kay Dad.

"For sure pagod kana Dad. Kunin ko na muna si Reil." Walang alinlangang binigay ni Dad si Reil saakin at pumasok na muna sa loob. Napaupo ako sa balkonahe ng bahay at napatingin sa bituing nakikita ng mga mata ko.

Hinawakan ko ang malilit na kamay ni Reil at itnituturo ito sa bituing nasa taas.

"Did you see that star Reil?" nagkikinangan ang mga mata niya habang nakamasid sa tinitingnan ko.

"That is my Mom, we will be visiting her after we go back to Philippines, and finally you will be meeting your grandmother." Hinalikan ko siya sa pisngi at tsaka ito pinatulog.

Mga ilang minuto ay tumabi na saakin si Dad. Payapa ng natutulog si Reil sa bisig ko.

"Are you sure that you want to go back?" tanong niya habang binibigyan ako ng kape. Tumango ako.

"Yep. Ayoko naman ding ilayo si Reil sa mga taong naging parte ng buhay ko, she also need a people na alam kong mapagkakatiwalaan niya." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"How about Rio? Are you ready to see him?" Napalunok ako sa sinabi ni Dad.

"I don't know, but for now. Ayoko munang isipin ko papaano ko siya haharapin, I just want to see a bright future behind me and this beautiful girl." Pinagmasdan ko ang batang hawak ko.

"So, how long will you be staying at Manila?" tanong ni Dad. Nagtama ang mga mata namin.

"Uh, 2 days after I meet Tita Bernice, we will be flying to Surigao na. For sure nanduon naman sila Mama." Kinalas ko ang aking kanang kamay na nakahawak kay Reil at inabot ang kamay ni Dad.

"Dad..." malambing tawag ko ng pangalan niya. Tumingin lang siya sandali saakin.

"Thank you for everything, you are the best Dad. Thank you for all the support. I love you." Ngumiti siya sa sinabi ko.

"No, I love you more and that girl." Natawa ako ng ininguso niya si Reil sa harap ko.

Katahimikan ang namayani saamin dalawa ni Dad. Tumingin ulit ako sakanya. "Dad are you really sure na hindi ka sasama saamin sa Surigao?" tanong ko rito.

"Nope, marami pa akong mga business works. But I will visit you every weekend. Don't worry." Bigla akong nalungkot sa sagot niya. Ilang beses ko na siyang kinukulit about this pero ayaw tumalab ng charm ko. Napahinga na lamang ako ng malalim.

Dating Rio Lhoyd SalazarDove le storie prendono vita. Scoprilo ora