Thirty One

1.1K 38 0
                                    

Thirty One

Nagising ako ng maramdamam kong may kumuha kay Reil sa tabi ko. Kaba ang naramdaman ko ngunit paghalakhak lang ang nakita kong tugon ni Raiden, marahil ay nakita niya ang reaksyon ko.

"Damn you Raiden."

Gising na pala si Reil kaya niya siguro ito kinuha.

"Relax, hahawakan ko lang naman siya. Hindi ko naman siya kukunin sayo." Aniya.

Napairap ako dahil hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang kabog ng dibdib ko. Dahan dahan akong bumababa sa kama para hindi maistorbo sa kanyang tulog si Bam.

"Dito pala natulog si Bam?" Tanong niya. Tumango na lamang ako bilang pagsang ayon.

Dali dali akong pumasok sa loob ng banyo para makapaghilamos. Hinayaan ko munang laruin ni Raiden si Reil since its his first time seeing her.

Paglabas ko ng banyo ay wala na sila. Kagigising lang din ni Bam.

"Good Morning." Bati ko sakanya. Kinukusot kusot niya pa ang mata niya at tsaka malawak na ngumiti.

"Good Morning Ate."

"Come here, I'll help you clean youself." Dali dali niyang sinunod ang sinabi ko. Tinulungan ko siyang maghilamos sa banyo at sabay na kami bumaba.

Nadatnan namin si Tita Bernice na naghahanda na ng umagahan, si Dad at Raiden naman ay nasa pool area. Nag-uusap. Hawak padin ni Raiden si Reil.

Patakbong kumawala sa pagkakahawak saakin si Bam at nagtungo kay Raiden para laruin ni Reil.

Hinayaan ko lang sila at lumapit ako kay Tita para tulungan siya.

"Si Tito po?" Tanong ko sakanya.

"Susunod daw, may inaasikaso lang." Nakangiting sambit niya. Tinulungan ko siya sa pagluluto.

"Are you really sure na kaya mo magisa sa Surigao?" Paniniguradong tanong niya. Tumango ako.

"Yes po. Andun naman po sila Mama. Kapag nahirapan ako, they are only one call away." Sambit ko. Mukha siyang napahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko.

Sabay kaming napasulyap kila Dad at Raiden na naguusap padin hanggang ngayon.

"Business matters na naman pinaguusapan nung dalawa." Napangiti ako sa sinabi ni Tita.

Tiningnan ko ng iba si Tita. "Ta." Tawag ko ng pansin niya.

"Si Raiden po ba walang balak na mag-asawa after Sharla?" Wala sa loob na tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "I dont know, ayoko namang i-force siya. You know how much he loves Sharla at sa nakikita ko, wala siyang balak palitan ito."

Napahinga ako ng malalim.

"I feel lonely when I always stare at him." Sabi ni Tita.

"Me too." Sagot ko

Tiningnan niya ako ng mapanuri.

"And you, you look so bright. Happy to see you like that." Aniya.

"Well I have now a bright daughter, theres nothing to feel empty again. I have now a reason on how to face each challenge."

"Yeah. Thats the spirit."

Naghalakhakan kami ni Tita at ng matapos kami sa paghahanda ay tinawag na namin sila. Nasa bisig na ni Dad si Reil. Sa harap ko naupo si Raiden, narito na din si Tito. Kompleto na kami maliban kila Lolo at Lola na nasa States ngayon. (My Dad and Tita Bernice parents).

"Anong oras flight niyo mamaya?" Tanong saakin ni Tito Reyner.

"Around 4 in the afternoon." Sagot ko.

"Planning to visit my Mom mamaya mga 10:00." Tumingin ako kay Raiden na seryoso sa pagkain.

"And Sharla too." Napangiti siya ng bahagya at kumain na ulit.

Napuno ng kwentuhan ang hapag na iyon, so siyempre since lamang ang boys. Puro mga business ang pinaguusapan nila. Samantalang kami ni Tita at Bam ay panay ang interview about sa paglilihi ko kay Reil. Si Bam naman panay ang tanong kung ano daw iyon?

Nakakatuwa lang. Its really good to be back.

Dumating ang alas nuebe at nagpaalam na sila Tita, kaya kami nalang ulit nila Dad ang naiwan sa bahay. Nagayos na siya para sa pagdalaw namin kay Mom.

~*~

Huminto kami sa flower shop na nadaraanan namin at like what we give to her. Its a boquet of white rose. Dalawa ang binili ko, its for Mom and Sharla.

Patuloy ang pangungulit ni Reil habang patungo kami sa kung nasaan si Mom. Ngunit bigla akong natigilan ng may makita akong pamilyar na tao sa Billboard.

"Rio?" Wala sa loob na sambit ko. Pati si Dad ay napatingin saakin.

"Ano?" Malumanay na tanong niya.

"Wala Dad." Napalunok na lamang ako at pinilit na inilihis ang isip doon.

Simula ng pumunta kami ng States, pangalan niya lang ang tanging naririnig ko pero I really dont have any idea what happen to him and his girlfriend.

Inilayo ako ni Dad and even Raiden sa mga alam nilang magpapasakit saakin kaya  ganito na lang ang pagtataka ko ng makita ko siya sa Billboard.

Nakatuxedo siya na animoy may ine-endorsyo.

Napatikhim si Dad para siguro mawala ang pagkatulala ko. Naunang bumaba si Dad at hinanda ang stroller ni Reil. Bitbit niya rin ang flowers. Nakawhite dress lang ako with flat shoes.

Naunang naglakad si Dad habang itinutulak ko naman ang stroller ni Reil. Tulog na ito, nakatulog kanina. Tiningnan ko si Dad na inilapag ang flower na hawak niya.

Nilinis niya rin ang puntod ni Mom at hinayaan ko muna siyang masolo si Mom, iniwan ko lang sandali sakanya si Reil at nagtungo ako sa puntod ni Sharla.

Napangiti ako ng bahagya. I remember when I came back here, 2 years ago. Nagpunta din ako dito, malakas ang loob na sinabi sakanyang makakaya ko lahat pero mali na naman ako.

And I hope this time mas malakas na ako, I have Reil now. She is now my inspiration in every decision I want to come up with.

Dahan dahan kong inilapag ang flower at mas malawak na napangiti ng may bago na namang flowers. May note pa ito.

"5 years and 200 days since you left me, bur I still love you". -Raiden

May biglang tumulong luha sa mata ko, he  still loves her. That jerk. Raiden.

Hinawi ko ang iilang damo na nakakalat doon at umupo sa tabi niya.

"Hindi ka naman pala nagiisa, youre always with Raiden. I wish ganyan din ako magmahal, katulad ng pagmamahal niya sayo pero mahina ang loob ko, mahina. I keep doubting everything..." napalingon ako kay Dad na umiiyak habang hinahawi at hinahaplos ang puntod ni Mom.

"Bakit parang ang daling magmahal kapg pinagmamasdan ko kayo and si Dad. But for me ang hirap..."

Hinayaan kong haplusin ng hangin ang luhang nagbabadya sa mga mata ko.

"But now that I have my own daughter, I wish all my doubts when I see him, will disapear. For her and for me. Tulungan mo ako, together with my Mom please whisper it to her." Matapos nun ay nagpaalam na ako sakanya.

Nagtungo ako kay Mom at sakto dahil gising na si Reil. Hinayaan namin siyang maglaro kay Mom. Buti nalang at may dalang pansapin si Dad para gagapangan niya.

It feels we were complete again, ni minsan sa isip ko. Hindi sumagi sa isip ko na mangyayare ito. Na ang anak ko maglalaro kay Mom.

At ang saya ng ganito. Sobrang saya. Kapag nakikita ko si Reil para bang nilalaro siya ni Mom dahil sa mga pag ngiti niya. Pinagmamasdan lang namin siya ni Dad. Pinagmamasdan namin ang bawat ngiting pinapakawalan niya. Habang nakatingin sa hangin.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon