Forty Six

1.1K 32 0
                                    

Forty Six

Sinigurado ni Rio na  nakakabit ang seatbelt ni Reil habang pa-landing na ang airplane na sinasakyan namin.

“Are you ready?” hinawakan niya ang kamay ko. Tumango ako sa sinabi niya. Ito ang isang lingo after ng ginawa niyang announcement sa Public. At after nun ay walang humpay ang pagtunog ng phone niya dahil sa mga tawag sakanya ng network.

Nakahawak ang kamay niya saaming dalawa ni Reil habang papalabas ng Airport, nanlaki ang mata ko ng makitang ang daming nagaabang na mga Reporter sakanya. Pati kami ni Reil ay nagkatinginan.

“Mr. Salazar is it true that you have a hidden daughter somewhere?” Napakunot noo ako sa sinabi ng Reporter at binuhat si Reil na nakikinig.

“What the hell are you talking about? Me leaving showbiz is my own decision.” Sabi niya. Inalalayan niya kaming makalabas doon sa crowd.

“Is she the woman you are talking about?” mas lalong nang-gigigil ang mga mata ni Rio habang nakatingin sa mga Reporter habang nakaturo na saakin ang mga mic nila.

“What did you think about his-” hindi na natapos nung Reporter ang sasabihin niya ng pabagsak niyang itinapon ang mic na hawak nito. Nagulat ang lahat ng tao sa inasal niya, maging ako. Lumapit siya doon.

“Nagaral ka ba? Did you not see that we are not interested answering all of your question at malinaw na malinaw ang sinabi ko. I. AM. QUITTING. SHOWBIZ.” Napaatras ang Reporter sa mga titig niya.

“So if you don’t mind, can we go?” paghingi niya ng pahintulot doon, walang magawa ang reporter kundi ang tumango na lamang. Kinuha na niya saakin si Reil.

“Are you fine, baby” tanong niya rito. Hinawakan niya din nang mahigpit ang kamay ko.

“Sorry.” Bulong niya. Ngumiti ako para iparating sakanyang okay lang ako.

“Hindi mo naman kailangan maging rude.” Bulong ko sakanya.

“Ayoko lang na nakikita kang nahihirapan because of all this mess, ayokong idawit pa kayo ni Reil dito.” Hinalikan niya si Reil.

“It’s okay. We will understand.” Payapa kaming pumara ng Taxi habang hindi parin nawawala ang mga tingin saamin ng mga tao.

“Dad.” Tawag niya ng pansin kay Rio.

“Uh.”

“I feel like, I’m a real celebrity. Ang daming taong nakatingin satin.” Ngumiti si Rio sa sinabi niya. Naging tahimik si Rio buong byahe, nakatanaw lamang ito sa mga nadaraanan namin. Ilang beses akong napapasulyap sakanya ngunit ang lalim ng iniisip niya. Pumara kami sa Network niya, nag-insist na kami na hindi na sasama ngunit mapilit siya.

Katulad ng sa Airport ay laman kami ng mga tingin ng mga tao na para bang proud na proud siyang ipakilala kami sa buong madla. Kinarga niya ulit si Reil patungo sa Office nila.

Unang sumalubong saamin ay ang Manager niya.

“Where have you been? Nagkakagulo ang mga tao dito dahil sa announcement na sinabi mo.” Napatingin na din saakin ang Manager niya.

“Where is the president?” tanong niya rito.

“Ha. Bakit?” nagaalalang tanong ng Manager niya.

“Just need to talk about my contract, I am willing to pay kahit magkano pa yan.”

“Wait hindi ba pwedeng pagusapan natin yan? You fans-”

“Can you see Lei that I have my family now…” nanlaki ang mata nito habang palipat lipat ang mga tingin saamin ni Reil.

“Family mo?” tumango ito.

“But we can talk about it, alam mo namang hindi ganun ka lupit ang Showbiz sa Pinas, paguusapan lang yan and then kapag may lumabas ka na na panibagong project makakalimutan na din iyan ng tao.” Napahinga ng malalim si Rio.

“Hindi mo ba nakukuha ang punto ko dito? I don’t care about the popularity or showbiz. Right now, in them that’s what it matters.” Walang nagawa ang Manager niya kundi ang padaanin kami. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya saamin.

Buong buo na talaga ang loob niya na iwan ang industriya, nagkakatinginan na lamang kami ni Reil.

“Are you ready Reil dahil hindi mo na makikita sa TV ang Idol mo?” pambasag ko ng katahimikan niya habang nagaabang ng pagtunog ng elevator sa aming pupuntahan.

Tumango ito. “Yep. But I always see him personally kaya okay lang.” Napangiti si Rio dahil sa sinabi ni Reil at nagtuloy tuloy na nga kami sa Office of the President.

Naghintay lang kami sa labas ng office at hinayaang makipagusap si Rio doon, hindi kalaunan ay lumabas na ito ng nakangiti. I feel like he is trying to smile for us.

“Okay ka lang?” tanong ko sakanya.

Tumango siya. “Aalis din naman talaga ako, that is my plan but since you are here with me. Bakit ko pa papatagalin diba?”

Magkahawak ang mga kamay naming tatlo habang papalabas ng Building. Hindi namin inalintana ang mga tingin ng mga tao, we were just like smiling while teasing them about a family picture of us.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now