Forty Three

1.1K 34 0
                                    

Forty Three

Nagpaalam na saamin si Rio, hinalikan niya lang din sa pisngi si Reil at tuluyan ng nagpaalam. Babalik na daw muna siya sa Manila para ayusin ang mga dapat ayusin. Nakatingin lang ako sakanya at tuluyan na niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi.

“See you.” Bulong niya pa. Ngumiti ako at tuluyan ng nagpaalam. Tatlo kami ni Dad na pinanuod siya habang sumasakay na sa kanyang sasakyan. Binuhat ni Dad si Reil habang patungo ito sa kwarto ni Dad.

“Are you sure you want to sleep with Grandpa Daddy?” tanong ko kay Reil.

“Yes, Mom.” Hinalikan niya ako sa lips at nag-goodnight. Si Dad naman ay hinalikan ko sa pisngi.

“Sweet dreams, baby.” Sabi ni Dad saakin kaya ngumiti nalang din ako sakanya. “Sweet dreams, Dad.” Sambit ko.

Naglinis ako ng aking katawan at naghanda na sa pagtulog. Nagpagulong gulong pa ako sa aking higaan dahil naninibago akong walang katabi.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata pero bigla bigla akong napapaiyak, pumapasok sa isip ko ang mga pinag-usapan namin kanina ni Rio.

“You’re Dad, I know hindi man niya pinapakita sayo. Alam kong masayang masaya siya dahil kahit na wala na ang Mom mo, ikaw at si Reil ang nagbibigay rason kung bakit pa niya gustong mabuhay and I want that Love, because that is eternal.”

Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan ng kwarto ni Dad, tanging lampshade na lang ang nagsisilbing ilaw. Lumapit ako sakanya at inalisa siya ng maigi. Mahimbing na silang natutulog, yung medyo maiitim niyang buhok noon ay unti-unti ng nagiging kulay puti, yung makinis niyang balat ay kumukunot na. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Tumatanda na nga ang Dad ko, tumatanda na dahil sa sobra sobrang binibigay na pagmamahal saamin.

Tama nga siguro si Raiden, we are his greatest motivation to live. Para makita kaming lumalaki at para maranasan niyang maglakad sa altar na halos lahat ng magulang ay pangarap.

“Thank you Dad, I love you”  kinumutan ko siya at gayun din ang mahimbing nang natutulog na si Reil.

Dahan-dahan ko ulit sinara ang pinto at payapang bumalik saakin kwarto upang matulog.

~*~

“Mom.” Kaagad akong napalingon ng tinawag ako ni Reil. Nakaalis na si Dad at bumalik na ng Manila dahil sa trabaho niyang naiwan at kaming dalawa na naman ni Reil ang naiwan sa bahay.

‘Uh…” tugon ko sakanya.

“Look.” May itinuro siya sa TV na nagpakunot ng noo ko. Naging seryoso ang pag-upo ko at ganun din si Reil. Nagpapa-press conference si Rio.

“Can you give us a reason kung bakit ka nagpa-press conference ngayon, Mr. Rio Salazar?” sabi nang isang reporter.

Biglang lumapad ang ngiti ni Rio at seryosong tiningnan ang mga reporter.

“We’ll I am here to inform you that I will be signing off as an artist.” Nanlaki ang mata naming pareho ni Reil dahil sa sinabi niya. Biglang nagkagulo ang mga reporter sa TV at maging ang humahawak sakanyang network ay hindi rin makapaniwala. Maging kami.

“For what reason Mr. Salazar?”

“For what reason?”

“We’ll I just realize how important the people around me is, hindi ko naman talaga hinangad na magkaroon nito but I choose to do it because of one person. Dahil gusto kong makita niya na nandito ako, if she wants to find me, then hindi siya mahihirapang hanapin ako. And now that she’s back, again. Maybe my purposes for being in the entertainment industry are gone. That’s why I’m quitting.” Biglang gumuhit ang mga ngiti ko sa sinabi niya. Napatingin din saakin si Reil.

“I’m so sorry to all my fans na naniniwala saakin but I know that you will all undertand.”

“So you are the reason Mom?” hindi makapaniwalang tanong niya saakin habang mapanukso akong ngini-ngitian.

Nagkibit balikat lang ako at hindi maiwasang matawa dahil sa mga pangaasar ni Reil saakin.

“But did your handler know all about it?”

“Mr, Rio?

“Rio?”

“Is this the reason kung bakit ka nawala Mr. Salazar?”

“Yes, and I found that Girl.” Siguradong sambit niya at tuluyan ng pinatay ni Reil ang tv. Inayos na niya ang kanyang paghiga at hinila na ako para makahiga na din.

“Mom…” malambing na tawag niya.

“Hmmm.” Kinuha niya ang kamay ko at ikinabit ito sa katawan niya. Niyakap niya ako.

“Is it okay if I choose to trust Tito Rio?” nagkatinginan kaming dalawa.

“Yes naman, why? Are you doubting?” tanong ko sakanya.

“Nope.”

“Then why?”

“I am just asking your permission because he seems like he’s totally in love with you.” Napahalakhak ako sa sinabi niya.

“Paano mo naman nasabi?”

Nagisip pa ito na animoy ang laki laki na niya para makita ang mga ganuong bagay. “Wala lang, I was amazed of how he stare at you, it is full of love.” Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Ikaw na ba  aka, you’re telling me na para bang may karanasan kana sa pagmamahal.”

“Well I have…” siguradong siguradong sagot niya.

“Like what?”

“We’ll your love for me, My grandpa Daddy, My Tito and Tita, and the soon to be love that my real father will give me” hindi ko na naman mapigilang hindi maluha at mapangiti dahil sa mga sinasabi niya.

Truly, Love is everywhere.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now