Eighteen

1.1K 36 0
                                    

Eighteen

Lumipas ang mga araw na nagkulong ako sa bahay, simula ng pag-uusap naming iyon ay umalis na muna si Rio dahil may aasikasuhin siya sa Company nila kaya wala ring nangyare saakin kundi ang mag-stay sa apat na sulok ng kwarto na ito. It was a boring day.

Tamad akong bumaba sa hagdan at kumuha ng maiinom sa refrigerator,  napasilip ako sa labas ng bahay at napatitig sa tatlong mga lalaking nasa gate. Pamilyar na pamilyar sila saakin, hindi ko matandaan kung saa ko nga ba sila nakita.

Napansin nung isa ang presensya ko at mas lalong lumapad ang ngiti niya at itinuro ako sa mga kasama niya. Tatlo na silang nagwawagayway ng mga kamay nila upang makuha ang atensyon ko. Nagtataka kung binuksan ang gate namin at hinarap sila.

“Kilala ko kayo?” tanong ko sakanila.

“Opo na hindi?” kinunutan ko silang tatlo ng noo. What kind of answer is that?

Lumapit saakin yung medyo may kakisigan ang mukha… “Kami po yung mga lalaking nagpakilala sainyo sa Mall.” Napaisip ako. Ou nga, sila nga yun.

Papaano nila nalaman ang bahay ko?

“Papaano-”

“Kinontak po kami ni Mr. Rio para po samahan ka.” Pagputol nila ng sasabihin ko.

“Pagsama para saan?”
Napakamot yung isa. “Para daw po hindi kayo mabored sa bakasyon niyo.” Napangisi ako. Hanggang dito ba naman ako padin ang iniisip niya? Pinatuloy ko sila sa loob ng bahay at nag-offer ng maiinom.

“I-Isa po pala kayo sa mga Cristobal?” ani nung medyo tahimik.

“Opo, why?”

“Isa po kasi ang Cristobal sa pinakamayan sa Surigao. At first time ko lang makapasok sa isa sa mansion nila.” Natawa na lang tuloy ako at hiningi ang mga pangalan nila.

Yung medyo may kagwapuhan ay Ben ang pangalan, yung isa namang may kakisigan ay Zayn and yung medyo tahimik ay Jirvie naman. They are 3rd year college student.

Naupo ako sa harap nila at tiningnan sila isa-isa. “So whats your plan, I thought kailangan nating umalis para hindi ako mabored.” Pinaningkitan ko sila ng mata. “And for sure you made a deal with Rio.” Sabay sabay silang napalunok dahil sa sinabi ko.

“Gusto niyo po ba mag-beach, may alam po kaming beach na malapit dito.” Napaisip ako sa sinabi nila at napatango. Tumingin muna ako sa orasan na nakasabit sa sala namin at seryosong tumingin sakanila.

“Since maaga pa naman, how if magkita tayo sa tapat ng gate in 1 hour. Kumuha lang kayo-”pinutol na naman nila ang sinasabi ko at ipinakita ang mga back pack na kanina pa nila suot suot. Don’t tell me na hadang handa na sila sa pupuntahan namin?

Napapangiti ako habang papaakyat ng hagdan upang magayos ng susuotin. Really, Rio? Gumagawa ka talaga ng paraan para hindi ma-bored ang bakasyon ko.

~*~

Sasakyan ko ang gamit naming apat, itinuturo lang nila saakin ang daan at ng medyo malapit na kami ay itinuro lng din nila kung saan kami pu-pwedeng mag-park ng sasakyan.

Naunang bumaba si Ben upang mag-arkila ng magdadala saamin sa lugar na sinasabi nila. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang pinagmamasdan sila. Inaalalayan din ako sa pagbaba ni Jirvie. Si Zayn naman ay nagprisenta na dalhin ang mga gamit ko.

Tiningnan ko si Jirvie. "Ano naman ba ang mapapala niyo sa pagtulong saakin dito."

Mapanukso siyang ngumiti. "Sabi niya po, bukod sa makakasama ka namin. Sasagutin niya din daw po ang Tuition namin for 2 years." mas lalong lumawak ang mga ngiti ko.

Iginaya kami ni Jirvie sa bangka'ng inarkila niya at naguunahan pa sila na suotan ako ng life jacket. Nakakatuwa silang tingnan na tatlo. Kinuha ko ang life jacket na pinag-agawan nila at isinuot ito sa sarili ko.

"I still have my hands, kaya ko pa naman." sabay sabay silang napakamot sa mga ulo nila at naupo. Pinagmasdan lamang namin ang napakalawak na karagatan habang nakikipagdima sa mga naglalakihang alon.
Makalipas ang ilang minuto ay natatanaw na namin ang napakagandang Island. It was a small but really beautiful kahit nasa malayo palang ako ay nakaka-amaze na.

Unlike the other Island, hindi siya ganun ka crowded. Ko-konti lang ang tao o baka kasi hindi pa naman ganuon ka develop ang islang ito.

Nagpapasalamat ako sa tatlong ito dahil dinala nila ako dito.

Naglatag sila ng Open tent para sa araw at doon nila inilagay ang mga gamit naming lahat. Si Zayn na may hawak ng camera at walang ginawa kundi ang mag click at magclick nito.

Mukhang napag-utusan nga sila ni Rio. Nagre-ready narin ako sa pagligo ng biglang lumapit saakin si Jirvie at may iniabot na sando.

"Kuya Rio make sure na dapat yan daw yan ang suotin mo." naiwan akong nakatulala sa ere habang pinagmamasdan ang sando niyang ipinasuot saakin nung falls.

Sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa taglong nakatanaw lamang saakin, habang unti-unti na akong nilalamon ng tubig.

I feel like he was here even if he's not.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon