Three

1.6K 63 5
                                    

Three

Ilang beses akong napabuntong hininga habang nasa harap ng hapag, iba na rin ang tingin saakin ni Dad.

"Kumain kana nga, kanina ka pa ganyan" bigo ko siyang sinunod.

"May nangyare ba kagabi?" tanong niya habang patuloy lang sa pagsubo ng pagkain.

"Wala"

"May iba na ba?" kaagad akong napatingin kay Dad dahil sa sinabi niya.

"Papaano-"

"Anak kita alam ko na kaya ka nagkakaganyan kasi ang akala mong mababalikan pa, wala na?" ngumisi siya at seryosong tumingin saakin.

Idinuduro niya saakin ang kutsarang hawak niya... "Ikaw kasi dapat nung nagtapat na siya sayo nung High School tinanggap mo na, hindi yung ang dami mo pang rason. Kanino ka ba nagmana?" Natahimik ako sa mga sinasabi ni Dad. Pati ba naman nung High School alam ni Dad. Binigyan ko siya ng kunot noo.

"Paano mo nalaman yun Dad?" Binigyan niya lang ako ng kakaibang ngiti at hinainan ako ng ulam.

"Anak, hindi naman palaging magandang rason ang sakit kung bakit ayaw mong papasukin sa buhay mo ang isang tao. Hindi matatawag na dahilan iyon, malalaman mo kung ang taong nakalaan sayo ay buong buong tatanggapin ang lahat ng nasayo. Gawin mong example ang pagmamahal ni Raiden kay Sharla" aniya at tsaka nagmartsa na paalis sa dining room... Tinawag na niya si Manang, may mga sinabi lang siya roon, hinalikan niya ako sa ulo at tuluyan ng umalis.

"Ganun din ba ang ginawa ni Dad kay Mom noon?"

Bumalik ako sa aking silid. Binuksan ko ang malaking TV na nakasabit saaking kwarto at maghapon lang na humiga. Nababagot na ako... Gusto ko ng pumasok sa office pero mahigpit na ipinagbawal saakin ni Dad na hindi pa ako maaring magtrabaho.

Narinig ko ang pagkatok ni Manang sa pinto.

"Ms. Cheska dinalhan kita ng makakain..." naupo ako ng maayos at pinapasok si Manang.

"Hindi ka papasok?" tanong niya saakin.

"Ayaw pa ni Dad, kailangan ko pa daw po ng pahinga." Inilapag niya lang sa table ko ang pagkain at umalis na ulit.

Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog. Napakunot ang noo ko ng makitang si Tita Bernice ang caller. Tinawagan ko siya.

"Yes po Tita" sagot ko sa tawag niya.

"Tumawag si Kuya, baka daw nababagot kana. Punta ka dito sa bahay?" anyaya niya saakin.

"Ngayon na po?"

"Busy ka ba? Hindi ka naman siguro pumasok diba?"

"Sige po Tita maghahanda na po ako."

Simpleng shorts at vneck white t-shirt lang ang suot ko, simpleng boots lang na hindi aabot ng tuhod. Dinala ko ang kotse ko para malaya akong makapunta kung saan ko nais na magpunta. Hindi naman kalayuan ang bahay nila Tita sa bahay kaya makalipas ang mga ilang minuto ay nakarating narin ako.

Sa gate palang ay sinalubong na kaagad ako ni Bam. Ngumiti ako ng makita ko siya.

"Wala kang pasok?" tanong ko sakanya.

"Summer" masiglang sambit niya at tsaka ako hinila sa loob. Sa Sala palang ay nakaabang na si Tita Bernice saakin.

"Buti naman pumunta ka, akala ko hindi na naman" aniya.

"Ou naman po Tita, tsaka nasa bahay lang naman po ako, ayaw pa ako papasukin ni Dad kasi kailangan ko pa po ng pahinga,"

Ngumiti si Tita at binigyan ako ng juice... "Nga pala ano pala ang ginawa niyo sa U.S? Ang tagal niyo yata doon?"

Napalunok ako sa tanong ni Tita. "Wala po, may mga inasikaso lang si Dad, nga po pala pwede ko bang mahiram si Bam? Mamamasyal lang kami."

Sumigla ang mata ni Tita.

"Mabuti pa nga at sumasakit ang ulo ko sa kakulitan ni Bam..." Tumayo siya at hinanap si Bam, hindi nagtagal ay masiglang lumabas si Bam. Nagagalak siya na pumunta sa tabi ko.

"Really Ate Ches, lalabas tayo?" tumango ako sa sinabi niya. Nagtatalon siya sa tuwa at dali-daling pumunta sa kwarto niya. Mukhang magpapalit iyon ng damit.

Umupo ulit sa tabi ko si Tita.

"Text me kung nasaan kayo." aniya. Tumango ako.

"Nga pala Tita, kamusta si Raiden?" napahinga ng malalim si Tita.

"Ganun padin, magisa. Ilang beses ko na iyon sinabihan na dito nalang siya tumira para kahit papaano may makakasama siya. Kaso napakatigas ng ulo. Ikaw baka kaya mo namang kumbinsihin, nagaalala na ako" Hinawakan ko ang kamay ni Tita.

"Huwag po kayong magalala. Susubukan ko po" Napatango si Tita sa sinabi ko.

~*~

"Put your seatbelt Bam" masaya niyang sinunod ang utos ko  at napangiti.

"Where are we going Ate Ches"

"Hmmm, saan mo ba gusto?"

"Hmmm, how about going to amusement park. Matagal ko ng gustong pumunta po doon"

"Okay if that's what you want..." sabay kaming napangiti at pumunta sa Amusement park ngunit dahil sa sobrang dami ng tao ay nagiba na rin ang direskyon namin. Lumungkot lang ang mukha ni Bam at naaliw na rin siya ng dalhin ko siya sa isang mamahaling restaurant.

"Dito tayo kakain Ate Ches?" manghang tanong niya.

"Yup" pumantay ako sakanya at inayos ang suot niya "Para di kana ma-sad,  If you want we can watch a movie together pambawi ko sa amusement Park" napangiti siya sa sinabi ko at tumango.

May lumapit na nag-aasist doon at dinala kami sa mauupuan namin. Hinayaan kong umorder si Bam ng kahit anong gusto niya samantalang namimili rin ako ng order ko.

Nasa pangalawang page na ako ng menu book ng bigla akong matigilan sa sigaw ni Bam.

"Kuya Rhio?" bigla akong hindi makagalaw sa sigaw niya habang nakatutok ang mga mata niya kay Rhio.

"Bam. What are you doing here?" hindi ko na maigalaw ang kamay dahil ramdam ko na ang paglapit niya.

"I'm dating Ate Ches" walang prenong sambit ni Bam.

"Really-"

"Rhio Babe Lets go"

Nakita ko ang pagbusangot ng mukha ni Bam at tsaka tumutok ang paningin sa babaeng tumawag kay Rhio.

"Ate Ches, is that girl is my Kuya Rhio Girlfriend?" ibinaba ko ang menu na hawak ko at ngumiti sakanya.

"Maybe,I dont know" sambit ko habang hinahanap ng mata ko ang waiter.

Hindi na ako nagatubiling mag Hello kay Rhio dahil alam kong wala na siyang oras para tingnan ako.

"But why Kuya Rhio's always looking at you Ate Ches?" naiwan sa ere ang kamay kong naghahanap sana ng Waiter at napako ang paningin ko sa naguguluhang si Bam.

He's looking at me? Why?

Vote, Comment

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now