Seven

1.5K 46 0
                                    

Seven

Napapunok ako, hindi ko alam kung papaano ko ba tatanggalin ang kamay kong hawak pa din niya hanggang ngayon. Nasa himpapawid na kami at medyo payapa na ang byahe.

Tumingin ako sa kanya habang itinuturo ang kamay ko gamit ang aking nguso.

Napakunot noo siya sa ginagawa ko, nukhang hindi niya nakuha ang gusto kong sabihin.

"Y-Yung kamay ko" sambit ko.

Binigyan niya lang ang ng kakaibang ngiti at mas lalong hinigpitan ang hawak.

"I'm still afraid" aniya. Kinunutan ko siya ng noo. Pansin ko rin ang hindi maipaliwanag na kasiyahan sa mga mata niya.

"Baka magalit ang Girlfriend mo?"

Napalunok siya sa tanong ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na hilain ang kamay ko. Napairap ako sa kawalan at nagkunyareng nagbabasa.
Titiklop din pala siya kapag narinig ang salitang Girlfriend.

Hindi ko namalayan ang oras, ang alam ko lang hindi na kami ulit nagkausap simula ng makuha ko ang kamay ko. Naiinis ako.

Pansin ko na gusto niya ulit hawakan ang kamay ko habang Pa-Landing na ang eroplano ngunit ako na mismo ang naglayo ng sarili ko sakanya. Hindi pwede to.

I know how much he care for her girlfriend kaya ayokong mabulag sa hope na may pagasa pa kapag nagbigay ako ng motibo sakanya.

Alam ko kung gaano ko siya sinaktan noon, kaya marapat lang na pagsisihan ko iyon ngayon kahit na isa siya sa dahilan ko kung bakit ako nagdesisyon na mabuhay ulit.

Napasinghap ako habang papalabas na nang Airport, nakita ko si Rio sa bandang kanan ko, nakamasid at nakatingin saakin. Alam kong nagtataka siya sa biglaang hindi ko pagpansin sakanya, e, anong gagawin ko?

Napapikit ako ng makita ko si Tito Ericko ang kapatid ni Mommy na kanina pa pala nasa harap ko at nagbubusina ng kotse.

"Tito!" masiglang bati ko habang lumabas siya ng sasakyan at binati ako.

"Our Baby Cheska" malapad na ngiti niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Tito, asan po pala si Tita Frances?" nilinga linga ko ang mga mata ko at baka nagtatago lang si Tita Frans, asawa ni Tito. Mahilig kasing manggulat yun.

"Hindi sumama, may inaasikaso pero huwag kang magalala sabik na sabik ka ng makita noon" aniya. Kinuha niya sa kamay ko ang maletang hawak ko at inilagay sa Compartment ng sasakyan.

Pinagbuksan niya na ako ng pinto, katabi ng driver seat.

Masigla akong sumakay dito, habang si Tito naman ang nagmamaneho.

"Boyfriend mo ba yung lalaking iyon?" tanong niya ng makapasok ito sa kotse.

"Sino po?" Ininguso niya si Rio na kanina pa pala masama ang tingin saaming dalawa.

"Hindi po Tito" walang emosyong sagot ko.

"Bakit kanina pa siya masamang tumingin sayo?" pinastart na ni Tito ang makina at umalis na.

Napasulyap ulit ako sakanya ngunit nakatingin parin ito saakin, ano bang problema niya?

Napuno ng puro kwentuhan ang naging byahe namin, medyo madilim narin ang gabi ng dumating kami sa bahay kaya di na ako muna naglibot libot.

"Ang apo ako" masiglang salubong saakin ni Mama (Ang Mom ni Mommy)

Napangiti ako. "I Miss you Ma" hinigpotan ko ang yakap ko sakanya.

"Okay kana ba?" tanong niya..

"Opo."

"Magpahinga kana muna sa kwarto mo, panigurado napagod ka, tatawagin kana lang namin kapag kakain na at bukas kana lang lumabas. Mag-gagabi na" Napangiti ako sa sinabi ni Mama at umakyat na sa dating kwarto ni Mommy.

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now