Eight

1.3K 42 3
                                    

Eight

Rio POV

Panay ang ngiti ko habang nakikita ko siyang naglalakad sa harap ko. Kakababa lang namin ng eroplano pero hindi ko na maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko, sa wakas nakadaupang palad ko na ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng ganito.

Mabuti nalang at naging effective ang mga itinuro saakin ni Jasper at Jel na mga technique para makuha siya. Kanina ko pa gustong sumigaw sa tuwa dahil sa nangyare at kanina ko parin napapansin ang pagkailang niya dahil sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin, once in a lifetime lang naman kasi iyon mangayayre saakin. Hindi ko naman hawak ang iniisip niya, baka mamaya pag nagiba na ang patutunguhan namin ay magiba na naman ang pakikitungo niya saakin.

Napakunot noo ako ng makita ko siyang lumapit sa pamilyar na lalaki na lumapad ang ngiti ng makita siya. Sinundan ko siya ng tingin at mukhang doon ang punta niya. Humakbang ako para lumapit sakanila, ngunit kaagad napahinto ang paa ko ng tinawag niya itong Tito. Napangisi ako, ang praning ko na naman.

Hinintay ko siyang makasakay at umalis bago ko iniba ang direksyon ng mga mata ko. Kumuha lang ako ng Taxi at mabilis na tinawagan si Raiden.

“Why?” pagalit na sambit niya sa kabilang linya. Mukhang busy na naman siya.

“Nandito pala si Cheska sa Surigao?”

“I don’t know, siguro hindi ko naman hawak ang mundo niya kaya stop calling me I’m busy.”

“Ou na, nagtatanong lang naman ako.”

“Okay, I’ll hang up na. Enjoy.” Aniya at tuluyan ng binaba ang tawag ko. Napasinghap ako at tumingin sa Taxi Driver.

“Manong sa The President Resort po tayo.” Tumango lang ito sa sinabi ko at tuloy tuloy na nagmaneho. Nanatili akong nakamasid sa paligid habang hindi ko mapigilang mapangiti habang naiisip ko ang nangyare kanina sa eroplano. Pinagmasdan ko ang kaliwang kamay ko na nahawakan niya. Kailangan hindi ko muna ito basain. Kailangan ko bang balutan ito ng plastic para hindi mawala ang amoy ng kamay niya. I don’t know nababaliw na ata ako.

Nasa kalagitnaan ako ng mga imahinasyon ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Tita Calling….

“Hello” bungad ko.

“ijo, asan kana?”

“kakasakay ko palang po ng taxi papuntang resort.” Sambit ko.

“Okay, kasama mo ba ang girlfriend mo dito ijo? Naku sana kasama mo.”

“Nope po, why may problema po ba?”

“Si Ellaine yung partner mo sana for the kasal nag-back-out. May nangyareng emergency. Naku paaano ito. Magagalit si Liza kapag nalaman niyang wala kang partner sa kasal niya.”

Napalunok ako. “Problema nga po iyan, pero I try my best po na kausapin nalang si Liza para kung papayag siya kahit wala nalang akong partner for tomorrow, okay lang naman po saakin iyon.”

“Naku, talaga? Sige salamat. Hintayin kana lang namin dito sa Resort.” Aniya at pinatay na niya ang tawag.

Makaraan ng ilang minuto ay nasa harap na din ako ng Resort. Napangiwi ako sa ganda nito kahit gabi na. Tinulungan ako ni Manong Driver na ibaba ang dala ko at tsaka umalis.
Sa entrance palang ay sinalubong na ako nila Tita at Liza. Malapad ang ngiti ni Liza ng Makita ako. Ginulo ko lamang ang buhok niya.

“Ikaw bakit hindi ka pa natutulog, ikakasal kana bukas. Akalain mo iyon may nagkamaling pumatol sayo.” Sinapak niya ako sa braso.

“Kuya Rio naman, alam mo namang ang ganda ganda ko kaya marami talagang magkakandarapa saakin.”

“Oh talaga? Parang hindi naman!” pambibiro ko sakanya. Sinamaan lang niya ako ng tingin at sumimangot.

Ginulo ko ulit ang buhok niya. “Hindi ka naman mabiro, siyempre maganda ka dugo mo ang nananalaytay sa dugo ko. Wala namang pangit sa lahi natin diba?” sabi ko at kinindatan siya. Sabay kaming natawa na dalawa at tiningnan si Tita na inaasikaso ang kwarto ko dito sa Hotel.

“Nga pala diba may aasikasuhin ka din bukas? May ime-meet ka ba regarding doon sa lupa na bibilhin mo?” Tumango ako.

“So tinupad mo talaga ha. Hindi ka naman masyadong obsess kay Ate Cheska at talagang bibili ka talaga ng lupa dito sa Surigao.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

“Ang pagbili ko ng lupa dito ay hindi na para kay Cheska” inibahan niya ako ng tingin.

“Then para kanino aber? Sabihin mo saakin bakit sa dinami dami ng Probinsya dito sa Pilipinas e talagang dito mo gustong bumili ng lupain.”

“Nakikita ko lang kasi na in the future magiging sika ang lugar na ito.” Palusot ko.

“Huwag mo nga akong niloloko. Sige na magpahinga kana. Hapon ang kasal bukas make sure na may mahahanap kang date at ipapartner mo, at ayokong wala kang kasama bukas. Get it.” Napakamot ako sa ulo.

Hindi ko pa nga nasasabi na wala naman talaga akong makakapartner. Haist!

Ibinigay na saakin ng crew ang hotel room ko at key kaya dire-diretso na ang pasok ko roon. Pagpasok ko sa loob ay agad akong napatalon sa malambot na kama at biglang may sumagi sa ala-ala ko.

[Flashback]

5 years ago…

Lahat kami lasing sa isang Bar na palagi namin tinatambayang magkakabarkada.

Napatingin ako kay Raiden na hindi na naman maipinta ang mukha dahil sa disappointment sa paghahanap kay Sharla. Tinap ko ang likod niya.

“Makikita mo rin siya.” Sambit ko binigyan lang niya ako ng kakaibang tingin at tsaka uminom ulit ng alak.

“Ikaw, anong plano mo?” tanong niya saakin.

“About what?”

“Cheska.”
Napakibit balikat ako. “Kahit naman siguro may plano ako, ayaw naman niya na din akong makita. Ano pang magagawa ko.”
Tiningnan ako ng seryoso ni Raiden. “You know what, si Cheska galit lang yan, pero malay mo may time na magiging okay na din ang lahat para sayo at sakanya.” Inibahan ko ng tingin si Raiden. Minsan pakiramdam ko may hindi sinasabi ito saakin. I don’t know.

Tumungga ulit siya ng alak. “Nga pala nasabi saakin dati ni Cheska mga bata palang kami, na kung magaasawa siya gusto niyang manirahan sa Surigao. Kaya kung may balak kang hintayin siya, magipon kana at bumili ng lupain doon.” Biglang tumalon ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon saakin.

End of Flashback…

Ewan ko pero simula nung sinabi saakin ni Raiden iyon, kahit na alam kong lasing siya. At hindi ko alam kung binibiro niya lang ba ako o hindi. I was determined na bumili ng lupain sa Surigao para kung darating man yung oras na pakakasalan ko siya- I am willing to give up our business in Manila para lang makasama siya rito.

Napahinga ako ng malalim habang lumabas sa balkonahe ng kwarto ko dito sa Resort, pinagmasdan ko ang mga kamay ko na kanina lang ay nadapuan ng kamay niya.

I know kahit na ako lang ang nagiilusyon na magugustuhan niya ako, I am still waiting for her to fall in love with me.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd Salazarजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें