Five

1.4K 54 2
                                    

Five

Cheska POV

Matapos kaming kumain sa Restaurant na iyon ay nagmadali na kaming umalis, nagyaya na si Bam na magpunta sa Mall para mag-shopping.

Magkahawak ang kamay naming dalawa habang pinapasok namin ang pambatang mga boutique, nawili ako sa panunuod sakanya haanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Pasado alas sais na ng makarating kami sa Parking Lot ng mall.

Pagod na umupo si Bam sa tabi ko, hinayaan ko na lang siya na matulog sa samantalang ako ay busy sa pagmamaneho. Tulog padin si Bam ng makarating kami sa bahay nila, tahimik lang akong nagpaalam kay Tita Bernice at tsaka kinuha ni Tito sa kotse ko si Bam na tulog parin hanggang ngayon.

Pagod akong nagmaneho sa bahay ng makatanggap ako ng text galing kay Dad.

"Lets have a dinner outside." matapos kong mabasa iyon ay nagtungo kaagad ako sa tapat ng Office. Tinawagan ko ulit si Dad.

"Nandito na ako sa tapat ng office dad." sambit ko.

"Okay bababa na ako. Make sure na maayos ang suot mo ngayon." aniya kaagad napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"May event tayong pupuntahan" aniya at tsaka ako binabaan.

Hindi kalaunan ay nakita ko na nga si Dad na palabas ng office. Umupo siya sa tabi ko.

"Saan ba talaga tayo pupunta at kailangan pa bihis na bihis ako?" tanong ko.

Tiningnan niya ako ng kakaiba... "Akala ko ba maayos ang suot mo?"

"Ha. Maayos naman ito ah. Simpleng t-shirt, hindi naman siguro mga naka-gown ang pupuntahan natin diba?"

"Mahalagang ocassion iyon Anak." napaismid siya. "Inimbitahan tayo ng mga Salazar para sa kaarawan ni Dona Madonna" bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa apilyedong Salazar.

"Äng sinabi mo lang naman kasi saakin Dad, kakain tayo sa labas kaya akala ko hindi party ang pupuntahan and beside kagagaling ko lang din kila Tita Bernice, umalis kami ni Bam." Isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Dad at umidlip na muna, nagpatugtog lang ako habang nasa byahe. Isang Five star hotel ang sinabing adress saakin ni Dad kaya hindi ko nalang siya inistorbo sa kanyang pag-idlip at gumamit nalang ako ng GPS. After ng ilang minuto ay nakarating na kami sa harap ng Hotel. Ginising ko na si Dad at nauna na itong lumabas, ibinigay ko lang sa mga nag-aassist ang susi ng kotse ko at sumunod na rin kay Dad.

Bago pumasok sa Hall na pinagdarausan ay tiningnan muna ako ni Dad mula ulo hanggang paa. "Bahala na, ang importante kasama kita"aniya at inayos lang ng konti ang sumbrerong suot ko. Natawa tuloy ako sa itsura naming dalawa, siya naka-tuxedo pa samantalang ako ay naka-v-neck white-t-shirt, short na hanggang hita, boots na hindi ganun ka-kahabaan at summer cap.

Pagkapasok namin sa loob ng Hall ay naagaw kaagad namin ang atensyon ng mga tao.

"Ïs that Charles Cristobal? Sino iyong kasama niya?"rinig ko pang bulungan sa paligid ko.

"Hindi niya ba anak iyon?"rinig ko pa sa kabilang side. Napayuko nalang ako habang sinusundan si Dad.

"Cheska, Cheska"napalingon ako sa tumatawag saakin ngunit hindi ko ito mahanap. Huminto si Dad sa paglalakad kaya ganun narin ang ginawa ko, nakita kong may binate siya sa harap niya. Hindi ko ganun ka makita kung sino ngunit nung umurong si Dad para ipakilala ako ay nagliwanag ang mukha ko.

"Tita Diane?" pangungumpirma ko.

"Wow, is that you Cheska?"pangungumpirma niya ng makita ako. Naramdaman ko ang yakap niya saakin.

Dating Rio Lhoyd SalazarWhere stories live. Discover now