Twenty Four

1K 38 0
                                    

Twenty Four

Ilang araw ang lumipas but I didn't even dare to step my foot outside my room. Palagi akong dinadalhan ni Dad o di kaya ni Manang ng food and I also turn off my phone dahil masyado na akong naiingayan sa alingaw-ngaw ng tunog nito.

Ibinuka ko ang kurtina ng aking kwarto at pinagmasdan ang mga punong sumasabay sa indak ng hangin. Masama ang panahon, mukhang may namumuong bagyo. Maya-maya ay may narinig akong kumatok, tiningnan ko lang si Manang habang ang sigla sigla niyang inilapag ang pagkaing dala niya.

"Kumain kana. Mahigpit na pinagbilin saakin ni Dad mo na kailangang maubos mo iyan." Matipid ko lang siyang nginitian at sinunod ang gusto niya. Naupo ako sa aking table habang walang ganang kinain ang pagkaing binigay niya, maya-maya ay may pinakita siya saaking camera.

"Nakakalimutan kong i-akyat ito dito." Aniya at ipinatong sa kama ang camera na ginamit ko noong bakasyon.

Sandali ko lang itong tiningnan at kumain na ulit, nang masigurado ni Manang ang pagkain ay tuluyan na itong lumabas ng kwarto. Napahinga ako ng malalim at dali-daling nagtungo sa banyo para iluwa ang mga iyon. Ayaw itong tanggapin ng sikmura ko.

Natatakot akong sabihin kay Dad dahil baka nag-fail ang operation ko sa U. S and for sure magaalala na naman saakin iyon. Halos 5 days na akong ganito, walang ganang kumain, palaging masakit ang ulo. I don't know.

Napaupo ako sa aking kama at nasagi ang camera'ng inilapag ni Manang. Wala sa sariling tiningnan ko ang mga litratong narito...

I was very happy; I can see how genuinely I am smiling. It starts since we purchase a camera at halos lahat ng galaw ko ay may picture its either stolen or not.

Maybe my vacation in Surigao was the most treasure memory I have with him. Kahit na wala siya ni isang picture sa camera'ng ito. I can imagine how much he's smiling when he took every minute of it there.

Napahiga ako sa aking kama at may kusang lumabas na luha sa aking mga mata. It's been a couple of days since I last see him. I just wonder kung ano na ang ginagawa niya ngayon? Did he even miss me?

At eto na naman ako, naiisip ko na naman siya at kapag nasa harap ko na ito. Ipagtatabuyan ko lang.

~*~

Nagising ako sa aking pagkakatulog ng marinig ko ang napakalakas na daloy ng ulan. Napabangon ako at kaagad naningkit ang mga mata ng may makita akong lalaking nakatingin sa bintana habang nakahalukipkip.

"Raiden?" tawag ko ng pansin niya. Tumingin siya ng walang ka-emo-emosyon saakin.

May inihagis siyang jacket saakin. "Wear it. We're going somewhere." Aniya. Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Nagpaalam lang ako sandali kay Dad at tuluyan ng pumasok sa kotse niya.

Wala kaming imik na dalawa habang hindi ko alam kung saan niya ba ako dadalhin. Ilang minuto ang lumipas at napatigil ako sa pagbaba ng sasakyan ng makita kong nasa tapat na kami ng Bar ni Jasper. Tiningnan ko siya ng masama.

"Face it Cheska, don't lock yourself in your room. Nahihrapan din si Rio." Napalunok ako sa sinabi niya. Nauna na siyang lumabas saakin kaya wala akong magawa kungi ang sundan siya.Simpleng short at sando lang ang suot ko, kung hindi ako binigyan ni Raiden ng Jacket ay paniguradong magmumukha akong nasa bahay lang.

Tuloy tuloy ang pasok namin sa loob hanggang sa magwala ang puso ko ng makita ko ang lasing na lasing na si Rio sa isang tabi, tulog na siya habang may hawak na bote ng beer.

Si Jasper naman ay tulala sa isang tabi, si Jel ay bagsak na din. Napalunok ako habang napatingin sa pinsan kong walang ka-emo-emosyon.

Naupo lang ako sa isang tabi. Si Jasper ay inuwi na si Jel samantalang ang pinsan ko naman ay nagpaalam na hihintayin lang ako sa kotse. Ilang minuto kong hinintay na magising si Rio at bawat minuto at segundo ay naghuhurmitado ang puso ko. Hindi ako mapalagay, hindi ko alam kung ano pa ba ng dapat kong sabihin sakanya.

Maya-maya ay nakita ko na ang paggalaw niya. Unang nagtama ang paningin namin, hindi pa siya makapaniwala na nasa harap na niya ako. At alam kong pino-proceso padin ng alak ang lahat.

Lumapit siya saakin na animoy nasa panaginip lamang ang lahat. Hindi ko na naman mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Ches, Cheska. Cheska Cristobal. Am I dreaming?" sabi niya habang hindi mawala wala ang pag-ngiti niya, hinyaan kong dumaloy ang luha sa mata ko.

"Why you're always crying? Even in my dreams, umiiyak ka." Pinilit kong pigilan ang aking hikbi but I cant. Mas lalong pinipiga ang puso ko habang ganito siya saakin.

"Are you not that great or happy to love me? Am I hurting you?." Mas lalong naging gripo ang luha ko sa pagtulo.

"In our weeks of being together, that was the best moment in my life. I want you to know that but I think, I really need to let you go..." Huminto ang mundo ko, huminto ang paggalaw ng paligid at huminto lahat ang pag-function ng katawan ko when he said that to me.

"I know nasa panaginip lang ako, kaya ko nasasabi lahat ng ito because if I tell this to you personally. I disregard everything just to be with you. But now, now I want you to know how much I love you. I want you to know that you are here always and forever." Para akong naging isang tuod sa mga sinasabi niya. I don't know how to react. He is telling me to go.

"Maybe our time is not for each other." Napayuko siya at ramdam na ramdam ko ang bawat hikbi niya. Mas lalo akong nasasaktan. What exactly happen? And he's like this?

"Jean, Jean..." hindi niya magawang tumingin saakin. "She is pregnant Ches, and I don't want to hurt you.-" And that moment I just left, I feel nothing, I feel like all my world collapse.

I feel like all about my dream with him just disappear.

And here I am, blaming myself again.

Walang ka-emo-emosyon kong tiningnan ang pinsan ko at hanggang sa hindi ko na maitago ang aking mga hikbi. Hindi ko na kaya.

And for the first time in a while I felt his sincerity. I felt that all of it is true because he comforted me. He comforted me.

VOTE, COMMENT

Dating Rio Lhoyd SalazarDove le storie prendono vita. Scoprilo ora