LXIX

221 2 0
                                    

Chapter Sixty-nine

♪ Soundtrack: Your Love by Rihanna ♪

Singing… singing was again one of the many things I was just not good at.

"Oh no, you'll regret even asking her," pang-asar na sabi ni Holly habang natatawa. "She isn't friends with music, I mean, be it singing, dancing or even rapping." Idinagdag pa niya saka ako binigyan ng pang-asar na tingin.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanilang lahat. Gusto ko mang kontrahin ang kapatid ko sa bagay na iyon ay alam ko sa sarili kong totoong-totoo ang sinabi niya. I wasn't born with a natural talent of singing and dancing. I loved music, alright, I appreciated any genre actually. Pero hindi talaga ako marunong kumanta at hindi rin ako marunong sumayaw. I could follow some steps of aerobics but I would say no to hip-hop and modern dances.

"It's fine! I'm not that good too!" Aly said, softly pushing the song book to my lap and trying to lift up my backing confidence.

"Ako rin naman! Just for fun, Hanselle!" Nakisali pa si Evah na tila gusto talaga akong pakantahin ngunit muli lang akong umiling sa kanila dahil hindi talaga ako marunong.

At nakakahiya!

Isang haplos sa balikat ko mula sa likod ang nagpakalma sa akin. As I turned to the owner of the warm and comforting hand, I saw Jimin looking proudly at me with a bit of a smile.

Oh, you don't do that unless you hear me sing, Jimin.

"I wanna hear you sing," banayad niyang sabi habang hinahaplos ang likod ko.

In the end, I just sighed in defeat as I took the song book. Naghanap ako ng kantang medyo swak para sa akin. Since I liked Alessia Cara and I liked her songs, I chose Scars To Your Beautiful. It was actually my favorite song. A perfect song for a living failure like me. Rinig ko ang hagikhik ni Holly sa isang tabi nang makita ang choice of song ko. Pang-asar talaga ang batang iyan. Palibhasa kasi marunong siyang kumanta.

Kahit nang inabot sa akin ni Aly ang mikropono ay nanginginig ang kamay ko at mas lalo akong nanginig sa kaba nang magsimula nang tumugtog ang pinili kong kanta.

I started singing in a low voice, only following that color filling the lyrics. Napapangiwi ako sa tuwing nauunahan ko ang kanta, kung minsan naman ay nahuhuli ako. Ibinaba ko ang microphone sa kalagitnaan ng kanta at agad na yumuko. I covered my face with my both hands because I saw Em and Aly laughing soundlessly.

"Ayaw ko na!" I murmured through my palms. Hiyang-hiya ako dahil alam ko naman kung gaano kasama ang pagkanta ko lalo na at wala rin ako sa tono. Even hearing it myself wasn't so pleasing!

"Oh my gosh, Hanselle! Nakikipaghabulan ka ba sa lyrics?!" malakas na sigaw ni Em habang tumatawa at patuloy pa rin ang musika ng kanta sa pagtugtog.

Hiyang-hiya ako habang naririnig ko hindi lang halakhak niya kung hindi maging ang pang-asar na halakhak ng salbahe kong kapatid. Did they really need to make me feel how worst I sang? E sa umaasa lang naman ako sa kulay ng lyrics na lumalabas sa screen! E sa hindi ko alam kung kailan at saan magsisimula ang lyrics!

"Yah noona, you-you can't sing?" Hindi pa nakatulong nang marinig ko ang nagtatakang boses ni Jungkook.

"Don't say that, Jungkookie," Taehyung then said. "At least she tried," dagdag niya pa.

Nanatili akong nakayuko at takip ang mukha ko. Did I even have a face to show them? Sumasakit ang dibdib ko. I pitied myself so much. Why couldn't I sing? Why there must a lot of things I couldn't do?! Pakiramdam ko, wala talagang kuwenta ang eksistensya ko.

"Oh come on, Ate Hanselle. Hindi mo naman dapat ikahiya iyon e!" Narinig ko ang boses ni Holly. Nasasabi niya iyan kasi hindi naman siya ang nasa katayuan ko. She was born with so many things she could do. Marunong siyang kumanta, I even saw her dancing so well and I bet she could also cook. Ilan lang iyan sa mga hindi ko kayang gawin na alam kong kaya niya.

[Her] Beautiful Dream [BTS Fanfiction] ✓Where stories live. Discover now