LIV

182 5 0
                                    

Chapter Fifty-four

["I don't want you to watch."] He told me monotonously from the other line.

Napanganga ako sa sinabi niya. Napatayo ako ng diretso habang iniisip kung bakit ayaw niyang panoorin ko ang live show nila gayong gustong-gusto ko na ulit siyang makita.

"But I wanna see you," mahinang sabi ko sa kaniya habang nararamdaman ko ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. I even caught my breath as I noticed I wasn't breathing anymore.

Ilang oras pa lang kaming nagkakalayo pero miss ko na siya. Hindi pa nakatulong na kausap ko siya ngayon at damang-dama ko ang pagod at lungkot sa boses niya. I just wanted to caress his face to make him feel that everything was going to be fine, only if he was here with me.

["I want it too but Bubbles will be there,"] aniya sa pinakabanayad na tinig kasunod ang malalim na buntong-hininga. He sounded really tired. If I could only personally contact Bighit and tell them to give the boys a break, I would.

Napabuntong-hininga rin ako, pinakawalan ko ang pinipigilan kong hininga at nagpigil naman ngayon na huwag siyang singhalan dahil imbis na iniisip niya ang pagpapahinga ay ibang bagay pa ang iniisip niya. Akala ko ay ayaw niya akong manood ng performance nila pero kaya naman pala kasi kasama na naman nila ang Bubbles. Malamang ay for publicity na naman ito. Si Sally pa rin ang girlfriend niya sa mata ng lahat.

He meant no harm with that. Iniisip malamang niya na hindi ko magugustuhan kung makikita ko silang magkasama lalo na at iyon ang dahilan kung bakit ko siya iniwan noon.

["I don't want you to see me with her,"] matigas niyang dagdag. He was really coping up with his English speaking. Mabagal pero naiintindihan ko naman dahil kahit paano ay tama.

"Jimim, I'll be fine. It's not as if you and Sally are real." Paninigurado ko sa kaniya. I heard his heavy sigh from the other line so I covered my mouth with my free hand to suppress a loud sigh. I could feel how he hated me seeing him with Sally. He just didn't want me to get hurt.

["But you will get hurt,"] aniyang tumugma sa iniisip ko.

Muli akong sumandal sa dingding. "Of course. But I know that you don't love her. Just don't be sweet with her." Ngumuso ako kahit na hindi niya nakikita.

The last time I saw them together was when I was still in Seoul. It triggered me to come back here in the Philippines with my brother. Gusto ko mang i-deny dahil masyadong immature pero isa talaga iyon sa mga dahilan. His 'I love you' meant so much to me and I couldn't just accept him saying those words to someone else.

Not to Sally and not to any other girl.

["Are you sure you will be fine? I can keep a distance from her,"] he said, making me feel alright. Na para bang kaya niyang sumuway ng ilang utos from their management at isang beses na biguin ang mga ARMYs nila na umaasa rin sa non-existent relationship nila ni Sally para akin.

Hindi ko napigilan ang ngumiti ng malapad. My boyfriend was so thoughtful.

I'd love it, Jimin. You shouldn't suggest things like this. Dahil okay na okay sa akin iyon. I'd love it if you wouldn't ever look at her!

"Will you do it for me?"

["I will do everything for you,"] aniya na sa tantiya ko ay nawawala na naman ang mga mata sa pagngiti kahit na hindi ko siya nakikita.

Hinawakan ko ang dibdib ko at marahang hinaplos. I could feel pressure inside my heart, wielding beats I couldn't ever control. When would I ever get to control my heart again?

"Hanselle."

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malalim ngunit malamig na boses ni Kuya Haynes mula sa likod ko. Agad kong na-ibaba ang phone ko at mabilis na umikot paharap sa kaniya. Ang bilis ng tibok ng puso ko kanina ay mabilis na napalitan ng kaba.

[Her] Beautiful Dream [BTS Fanfiction] ✓Where stories live. Discover now