LII

181 4 2
                                    

Chapter Fifty-two

With my fingers tightly crossed under the table and my breath caught deep within my throat while nervously sitting on my seat, I waited patiently for what Jin had to say to my Carbonara—at least, for me it turned out well.

Nang tinikman ko ang luto ko kanina ay pumasa naman sa panlasa ko pero siyempre, Jin had much better taste. Mas alam niya kung ano ang masarap, sa puwede na, hanggang sa hindi masarap.

"It's fine," ani Jin matapos niyang isubo ang isang ni-roll niyang mga hibla ng pasta sa tinidor niya at dahan-dahan nginuya. Walang mali sa hitsura niya at hindi naman niya niluwa ang pagkaing nasa bibig niya.

That was a good thing, right?

Tinantiya ko kung gaano katotoo ang sinabi ni Jin matapos niyang matikman ang niluto ko. It was really his opinion that mattered for me since he was a good cook aside from he could taste good foods. Feeling ko, kung papasa sa kaniya, papasa na rin sa mga kasama niya. Though of course, their opinions also mattered.

Naghintay pa ako ng kasunod niyang sasabihin ngunit nagpatuloy na lang siya sa pagkain. They all ate enthusiastically, not really finding anything weird about my Carbonara. Hindi ko napigilang ngumiti ng malapad. My fingers under the table started fisting as I felt my breathing going back to normal.

It felt like I was overrated. Inaasahan ko kasing hindi na naman nila magugustuhan ang luto ko. But 'It's fine' was such a very good rate for me! Feeling ko ang galing galing kong magluto. I… I really, really felt overrated.

It was worth all the burns and scratches after all!

Nang inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat ay mas lalo akong natuwa nang makitang masaya silang kumakain. Naisip ko tuloy, bakit ngayon ko lang naisip na ipagluto sila? I should have tried cooking for them before!

Tinanong pa ako ni Namjoon kung anong klase raw ng pagkain ang niluto ko. Sinabi ko namang Italian dish iyon, other term for it was White Spaghetti na agad naman nilang naintindihan dahil medyo familiar naman sila sa Spaghetti. Agad kong isinantabi sa malayong parte ng utak ko na baka hindi lang sila pamilyar sa lasa ng Carbonara kaya mukhang okay lang sa kanila ang lasa o baka dahil sa sobrang ibang lasa ng niluto ko ay hindi na nila makilala ito as Carbonara… but of course, I wouldn't entertain that thought.

Paniniwalaan ko ang gusto kong paniwalaan, na talagang masarap ang lasa ng niluto ko tulad ng sinabi ni Jin.

"Noona! I thought you can't cook?" ani Jungkook sa gitna ng pag-ro-roll niya ng ilang pasta sa hawak niyang tinidor habang nakangiti ng malapad sa akin. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o ma-iinsulto. Though yes, I would admit, I really couldn't cook.

"I thought so too," Namjoon savagely said, oblivious of me while enjoying his pasta.

Ngumuso ako saka masama siyang tinitigan. I knew, alright. I knew.

"It's good though," Yoongi said as if retrieving my runaway confidence.

Agad na dumako sa kaniya ang mga mata ko dahil bumalik muli ang tiwala ko sa sarili ko na talagang masarap nga ang luto ko na saglit na binawi nina Jungkook at Namjoon. Nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin ay agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy siya sa pagkain.

That was a plus point for Yoongi. Nakakabawi na siya sa mga atraso niya sa akin noon, at kung magpapatuloy siyang ganyan ay baka maging magkaibigan na talaga kami.

"Wifeu…" Tawag mula sa tabi ko saka ako nakaramdam ng mahinang kalabit sa balikat ko.

Nang lumingon ako ay nakita kong may nakalapit na Carbonara sa bibig ko na para bang sinusubuan ako. Jimin was holding a fork where a small amount of pasta was rolled while smiling sweetly at me, his eyes were almost missing again as he drummed my heart once more. My face immediately heated up upon hearing him call me 'wife'.

[Her] Beautiful Dream [BTS Fanfiction] ✓Where stories live. Discover now