XIII

469 9 0
                                    

Chapter Thirteen

"OUCH!" daing ko matapos akong mauntog sa pinto at bumagsak sa sahig. Napasapo ako sa noo kong tinamaan ng pinto. That hurt.

Sa sobrang engganyo ko sa panonood sa naghahabulang Jimin at J-Hope ay hindi ko na napansing may paparating pala. And who could that be?

I saw a pair of Pikachu house slippers in front of me. Sinundan ng mga mata ko ang mahahabang binting iyon pataas para matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng mga paang iyon. In front of me, Taehyung's shocked face stared down at me. Nang magtama ang mga mata namin ay napakagat-labi siya at tipong nahihiyang napakamot sa ulo… or was he just guilty?

"Gwaenchanh-a?" he asked awkwardly. I could understand basic Korean thanks to K-Drama, they had influenced me. Really good, obviously.

I needed to check first if I didn't get a lump. Marahang hinaplos ko ang noo ko, the part where it was mostly hit. Luckily, wala naman akong nakakapang kakaiba. Malapad pa rin naman ang noo ko at pantay.

Tumango ako habang yumuyuko bilang sagot. I was about to get up when I saw a big hand right before my eyes. Muling napa-angat ang tingin ko sa kaniya at nakita kong naka-iwas siya ng tingin habang nagkakamot ng ulo. A small smile escaped my lips.

He was just so adorable. Kahit na itago niya pa sa akin kung gaano siya ka-sweet na tao na siyang totoo niyang pagkatao, lalabas at lalabas pa rin ito. Because Kim Taehyung of Bulletproof was really a sweet person. A sweet, charming and cute for life kind of person.

I slowly raised my right hand and accepted his lending hand. Uminit ang pisngi ko nang magdikit ang mga palad namin. My sister would really get jealous since she was more of a BTS fan than me. And here I was, Kim Taehyung was holding my hand.

Matatawag ko ng luckiest fan ang sarili ko, minus all the issue of course, dahil hindi pa rin ako napapalagay sa lahat ng mga issue na kinakasangkutan ko.

He gently pulled me up afterwards. Mabilis ko rin namang binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dahil sa hiya.

"Thanks," mahinang sabi ko sa kaniya habang umaatras ng bahagya. Hindi siya sumagot ngunit nahuli ko siyang kinakagat ang pang-ibabang labi niya na parang pinipigilan ito sa… pagngiti?

Oh come on, Hanselle! Bakit ka naman ngingitian ni Taehyung? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkakaproblema ngayon? And don't you dare forget that he was just acting so mean to you since you crossed path with them! So stop imagining! My inner Goddess scolded me, pulling me out my hopeless trance.

Tinanguan niya ako habang nagkakamot siya ng ulo at pumasok na sa loob ng kuwarto. Nang umalis siya ay napansin kong bukas na ang pinto at nakatingin na ang iba pang miyembro ng BTS sa akin. Naka-akbay si J-Hope kay Jimin habang pareho silang gulat na nakatingin sa akin. Mukhang na-istorbo ko rin sina Jungkook at Jin sa paglalaro, maging si RM at si Yoongi na walang paki-alam ay nasa akin na rin ang atensyon.

Uh, kapag nakatingin sila ng ganyan sa akin, pakiramdam ko ay nilalamon na ako ng lupa. Nag-iinit ang mga pisngi ko at gusto ko na lang magtago but at the same time, I couldn't move.

Umalis si Jimin sa pagkaka-akbay ni J-Hope at lumapit sa akin na nagpakabang muli sa akin. His worried eyes looked so thoughtful, once again dragging me into the deepest fall than I already was. Pero siyempre, hindi ko puwedeng isipin iyon. I was not a hypocrite. I was not assuming. I didn't want to…

[Her] Beautiful Dream [BTS Fanfiction] ✓Where stories live. Discover now