XXXII

466 7 0
                                    

Chapter Thirty-two

"Bilisan na natin Hanselle. Magtatampo iyong si Em kapag na-late tayo at hindi natin naabutan ang performance niya!" Aly said hastily as she quickly fixed the contents of her bag. Nasa harap kami ng mga kulay pink na lockers sa loob ng staff room ng Bunnies. I was all ready, kanina pa ako bihis actually. Mas nauna kasi akong magbihis kaysa kay Aly.

Simpleng black and white vertical stripes hanging shirt ang suot ko sa itaas at black tight skinny jeans sa ibaba na ipinares ko na lang sa puti kong sneakers, as usual, with my sling bag. I just let my hair hanging behind my back. Si Aly ay naka-furry collar purple blouse at white squarepants na pinaresan niya ng puting one-inch heel peep-toe shoes. May suot siyang pulang headband na may maliit na ribbon sa gilid.

We both had our lips tinted in pale red. Iyon lang ang tanging makeup na mayroon ang mga mukha ko samantalang nakuha pa niyang mag-blush on ng light lang.

"I'm all ready, Aly," sagot ko sa kaniya dahil masyado siyang natataranta kaya hindi na niya napapansing kanina pa ako tapos at hinihintay siya.

"Oh, you are? Shocks! I'm sorry!" aniya nang makitang naka-ayos na ako at siya na lang ang hinihintay. Malakas niyang isinara ang locker niya pagkahablot niya sa loob ang pula niyang shoulder bag na may tatak na LV. Nang matapos siya ay agad na kaming nagmadaling umalis. We still needed to walk the distance to the bus stop na malapit lang din naman dito sa Bunnies.

Niyaya kami ni Em na panoorin ang play na kinabibilangan niya. Aniya ay hindi naman daw siya ang female lead but she had several roles. She even told us the full story of the play. It was for me, actually. Hindi ko raw kasi maiintindihan ang script since Korean language ang gamit. I appreciated it and thanked her for it.

Tama nga naman siya. Noon daw ay madalas talagang manood sina Aly at Evah to support her, and I would like to support her too. We were friends. I was already a part of this circle… circle of friends.

Luckily, the play wasn't yet starting.

Nadatnan namin si Evah na nag-aabang sa entrance ng theater. She hugged in her chest three boxes of popcorns. Di tulad namin ni Aly ay naka-one piece dress siya, kulay asul ang long sleeves knee-length round neck dress niya na pinaresan niya ng puting high heels. Kami na ni Aly ang bumili ng inumin at pumasok na kami ng sabay-sabay pagkatapos.

Hindi naman gaanong kalakihan ang teatrong pinagtatrabahuan ni Em. May grandstand for audience na sapat lang naman sa dami ng taong nanunuod. Ang stage ay katulad lang din ng mga karaniwang theater stage. Since hindi pa nag-start ang play ay tanging ang makapal at mataas na kurtinang pula pa lang ang nakikita namin sa stage.

"Baka mamaya mauna ka na naman umuwi ha. You should take a restroom break first," Aly told me the moment we found a perfect spot for us. Nasa may bandang itaas kami para makita namin ng buo ang mga mangyayari sa stage.

Ngumuso ako. Siyempre, hindi nila alam kung ano talaga ang totoong nangyari noong nakaraang linggo. Nagi-guilty nga ako kasi kailangan ko pang magsinungaling sa kanila. But everywhere I looked, I couldn't just find the right words to explain what happened, sinong maniniwala sa akin? So I just told them little lies. Sinabi kong sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako. Madali naman nilang pinaniwalaan iyon. Mabuti na lang, dahil baka kuyugin nila ako kapag nalaman nilang naka-engkwentro ko iyong mga lalaking hinahangaan nila sa show noong gabing iyon.

Hays. Nasasanay na akong laging nagsisinungaling. Well, prevarication sometimes occurs due to the call of need. Hindi ko naman sinasadyang magsinungaling sa kanila.

Kailangan lang talaga… I'm sorry po.

"Sorry na," sagot ko saka nag-peace sign kay Aly habang ngumingiti.

[Her] Beautiful Dream [BTS Fanfiction] ✓Where stories live. Discover now